Dahil inis si Kaye sa binata ay di niya ito dinala sa ospital dahil mukhang ayos lang naman ito. Nahimatay lang naman pagkatapos mabangga ng kotse. Dinala na lang niya ito sa bahay niya. Ngunit habang nagda-drive siya papasok sa gate ay nagulat na siyang nakaabang ang dalawa niyang kapatid na sina Kenji at k**i. *** "Ano na naman ba ito, Kaye! Dati pag-iinom ang problema namin sa 'yo. Tapos ngayon naman ay nag-uwi ka ng lalaki sa bahay?" galit na sigaw ni k**i habang hinihilot ni Kenji ang ulo niya para pakalmahin ang sarili. "Ate, kuya, di ko kasi sinasadya at nabangga ko siya. Buti nga, walang kagalos-galos kaya dito ko na lang dinala at baka magamot pa 'yan." natatakot na paliwanag ni Kaye. Agad lumapit si k**i at dahan-dahan niyang inamoy-amoy ang kapatid na parang aso. "k**i! Wi