Chap. 6

1806 Words
"O! Nandito na pala si Ritchie!" ani Paola. "Halika kayo, mga girls! Kung ayaw sa atin ipakilala nitong si manlolokong kumag na tipaklong ang kasama niya, e di, tayo na lang," sabi ni Ritchie sa dalawa habang naglalakad papunta sa kanila. "At saka, don't you ever bash LGBT. For your information, hindi totoong bakla ang nanggagahasa ng lalaki sa Sogo at itatapon lang na parang basura sa kalye! Tse!" Tinaasan niya ng kilay si Ethan at in-snob ito bago tuluyang naglakad papunta kay Brix. Nakasunod naman sa kanya ang dalawang babae. Medyo nainis si Ethan sa pasaring ni Ritchie. Nang abutan na nila si Brix sa may sulok ay biglang hinila ni Maryan si Ritchie kaya di siya natuloy magpakilala rito. Sina Paola at KC lang. "Ritchie! Naku! Nag-text sa akin si Kaye at pupunta raw siya rito! Malaking gulo 'to, Ritchie, 'pag nagkita sila nina Ethan at Camille. Magkakalat na naman 'yon! Sino ba'ng nag-invite sa babaeng 'yon? Diyos ko! Dami ko pa namang kinuhang na barista at mga bartender!" bulong na inis ni Maryan. "Ah . . . eh, ako, sis. Ako ang nag-invite kay Kaye." Biglang sinakal ni Maryan si Ritchie hanggang sa pinigilan siya nito. "Sorry, bes, di ko sinasadya. Naaawa lang ako kay Kaye! Gusto kong magkaharap-harap na sila ng beshie niya." "Hay, naku! Ikaw ang umayos ng gulo na 'yan! 'Pag nagwala 'yan, kakalbuhin talaga kita! Alam mo namang birthday ko ngayon! Ayokong masira ang araw at okasyon na 'to." Biglang may nakita silang tila pinagkakaguluhan sa labas kaya agad na tumakbo paroon sina Maryan at Ritchie. Nagulat silang si Kaye pala ito. Magara ang entrance dahil pinagkakaguluhan ang kotse nitong Hummer galing pa sa kuya niya kaya nilapitan sila nito. "Wow! Bongga, girl! Daig mo pa si Megan Fox kung mag-drive ng malakihang kotse!" hanga ni Ritchie. "Sino'ng may-ari niyan?" tanong ni Maryan. "Ay, grabe siya o! Hindi ka ba maniniwala kung sabihin ko sa 'yong akin 'yan?" sagot na pang-iinis ni Kaye. "Saan ka naman kukuha ng pambili niyan, eh isa ka lang hamak na freelance lingerie model," pang iinsulto ni Maryan. Biglang nabuwisit si Kaye. "'Wag kang mag-alala. Balang-araw magiging model ako ng Victoria Secret at isasampal ko rin sa 'yo ang dollars kong suweldo. Ikaw nga, galing sa kaban ng bayan ang perang panggastos mo rito!" "Uy! Tama na 'yan, ano ba? Hindi tayo naparito para mag-okrayan!" pang-aawat ni Ritchie. "O, siya! Sige! Sorry na. Happy birthday pala. Ikaw kasi ang nanguna. Alam mo namang tanggal na ako ngayon sa trabaho as lingerie model," malungkot na hayag ni Kaye. "Ay, talaga? Ngayon ko lang nalaman. Sorry. Anyway, may regalo ka sa akin? Para pumasok na tayo sa loob?" ngisi ni Maryan. Sinimulang kalkalin ni Kaye ang bag niya habang na-e-excite si Maryan, pati na rin si Ritchie. Nang mahanap niya ang kanyang hinahanap sa bag ay ibinigay niya ito kay Maryan. "Ano 'to? Ba't ang liit? Eto na ba ang regalo mo sa akin?" nagtatakang tanong ni Maryan. "Oo, isang ballpen. Pero 'wag mong maliitan 'yan. Original brand 'yan ng Louis Vuitton." "Hay, naku, bes! Okay na 'yan. Branded naman, di ba? Tara na kayo sa loob. Nagsisimula na ang party. Wooooh!" gigil ni Ritchie nang magsimula nang umingay sa loob. Malakasang tugtog at laser light ang tanging makikita sa loob ng temang bubble foam party. Habang nakikipag-usap sina Paola at KC kay Brix . . . "What is that? Bakit may bubbles? Are they crazy, Ate KC? Bakit sila sumisigaw?" tanong ni Brix. Nainis si Paola na kasalukuyang nagyoyosi at binugahan ng usok ang binata kaya naubo ito. "Bakit ba kasi ate ka nang ate? Halos magkakaedad lang tayo, pambihira." "Hindi po. Ten years old po ako. Tanungin n'yo pa si Kuya Ethan!" paliwanag ni Brix na tila takot na takot sa malakas na sound box sa buong paligid ng bahay at mga tao. "Sa laki ng katawan mong 'yan? Maniniwala pa kami kung may anak kang ten years old. Letse!" sigaw ni KC. Di iyon marinig ni Brix kaya nagtanong ulit siya. "Ano? Paki-ulit, ate?" "Wala! Sabi ko, ang hot mo! Kamukha mo si Jericho Rosales ng Halik! 'Takteng 'to!" inis ng dalawang babae at biglang sumingit sa kanila si Ritchie. "O kayo? Ang tagal n'yo nang hiniram 'yang kapatid ni Ethan! May plano kayo 'no? Mga babaeng 'to!" inis ni Ritchie. "Hehehe, trip sana namin siyang i-threesome," ngisi ni Paola. Agad sumingit si Brix. "Ate, ano'ng threesome?" Sumagot si KC. "Aaah, 'yon yung tinuturo sa elementary. Yung Isa-sum mo ang three. Alam mo 'yung sum? Addition. Yung math! Yung ganoon! Di ba, Paola?" Biglang ngumisi si Brix sa kauna-unahang pagkakataon na muntikan nang ikaputok ng ovaries ng dalawa dahil sa kagwapuhan angkin nito. Bigla iyong naputol dahil binatukan nang at ni Ritchie ang dalawa. "Uy! Doon nga kayo. Tawag kayo ni Maryan. Ang lalandi n'yo. Iwan n'yo na kami ni Brix dito! Okay?" sigaw ni Ritchie na hawak-hawak ang yosi kaya walang magawa ang dalawang babae kundi sumunod at umalis. "Order ako ng dalawa," utos ni Ritchie sa bartender at may nilagay siyang viagra sa inumin ni Brix. "Brix, uminom ka nito!" "Ano 'yan? Gamot, kuya?" taka ni Brix. "Oo, gamot sa kati. Mamaya ipapakita ko sa 'yo bird ko," ngisi ni Ritchie. "Ay, maganda 'yan! Yung dati kong parrot, nagsasalita. Nagsasalita rin po ba yung sa inyo, kuya?" ngiti ni Brix at lumalim pa ang dimples. Nanigas pang lalo si Ritchie. "Oo, magsasalita yung ibon ko. At hindi lang 'yon, dudura pa siya, kaya inumin mo na 'to lahat, okay? Wala kang ititira kahit isa dahil maya-maya, ipakikita ko sa 'yo ang ibon ko. Ikaw rin, ha?" ngisi ng manyakis na baklang may balak. "Kuya, di ko dala, eh!" "Whatever, sige na." Makailang minuto ay lasing na lasing na si Brix kaya napaakbay na siya sa bakla. Biglang hinaplos ni Ritchie ang suot nito at naramdaman niya ang matigas nitong pandesal. "Diyos ko, may abs! Mama mia!" ngisi ni Ritchie. Ngunit nang ipasok na niya si Brix sa isang kuwarto ay bigla niyang naalala ang kabilin-bilinan sa kanya ni Maryan na bantayan ang kilos ni Kaye kaya iniwan niya muna si Brix. "Brix, baby ko. Mamaya tayo maglalaro ng bird, ha? Dito ka lang! Kailangan itech! Pahalik nga, ganda ng fezticles! Diyos ko, Lord!" Humalik muna at tumakbo agad papalabas ng kuwarto si Ritchie bago iniwan na lasing na lasing ang binata. *** Nagsasayaw si Kaye habang kasama sina Paolo at KC nang biglang may bumangga sa kanya. Pagkatalikod niya, si Camille ito kasama si Ethan. Tinalasan niya agad ng paningin ang dalawa. Natakot sina Paola at KC sa nangyayari. Lalo na nang biglang hawakan ni Ethan ang baywang ni Camille habang ang tugtugan pa sa sound system ay Break your heart by Taoi Cruz. Di nakapagpigil si Kaye at bigla niyang itinulak nang malakas si Camille. Nagkagulo agad kaya pinigil siya nina KC at Paola at pinaupo muna sa gilid at pinakalma. "Putcha naman! Nasaan na si Ritchie para i-break ko na 'yang hayop na Ethan na 'yan!" sigaw ni Kaye habang tumutulo ang mga luha. Biglang natigil ang sound system at nagsimula nang mag-speech ang celebrant na si Maryan. Iniwanan muna nina Paola at KC si Kaye para lumapit ang mga ito sa stage. Pumunta lang sila roon para manood at pakinggan ang walang kuwentang mensahe ni Maryan. Nagkataon na malaya si Kaye kaya um-order na siya ng napakaraming alcohol. Lasing na lasing na siya at umiiyak nang biglang dumaan sa kanya muli si Ethan. Kung kaya naman, wala nang paligoy-ligoy pa at bigla niya itong sinunggaban ng halik habang umiiyak kahit kasa-kasama pa nito si Camille. Bigla siyang itinulak nang malakas ni Ethan. "Ano ba, Kaye! Pwede ba? 'Wag kang mag-eskandalo rito! Nakakahiya ka!" Wala pa ring tigil si Kaye at muling bumangon. Sinunggaban niyang muli ng agresibong halik ang binata at nagsalita. "Ibibigay ko sa 'yo lahat, Ethan. Kahit puri ko, basta lang 'wag mo akong ipagpalit sa babaeng 'yan! Ethan, please, f**k me now! I want you and I need you so badly!" Pak! Hindi akalain ni Kaye ang sumunod na pangyayari matapos dumapo ang mabigat na palad ni Camille sa pagmumukha niya. "Gumising ka na, Kaye! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Nababaliw ka na dahil sa isang lalaki lang? Tapos ibibigay mo pa ang puri mo? Ganoon na ba kababa ang tingin mo sa sarili mo na magpapakatanga ka pa rin sa lalaking ito." "Hayop ka!" Biglang sinabunutan ni Kaye si Camille at nagkagulo na sa loob kaya natigil ang pagsi-speech ni Maryan. Napunta tuloy ang atensyon ng mga tao sa kanila. Napatakbo sina Paola at KC upang ilayo muna sa maraming tao si Kaye. Late na rin nang dumating si Ritchie na tumatakbo pagkatapos mag-speech ni Maryan. Bumaba na si Maryan sa stage upang salubungin ang bakla. "Ano ba 'yan, Ritchie? Yung napag-usapan natin! Buwisit kang bakla ka! Ayan! Napabayaan si Kaye. Buti na lang nandyan sina Paola at KC!" nanggigigil na bulong ng inis na inis na birthday celebrant. "'Sensya na, Maryan. Medyo nalasing kasi ako nang kaunti kaya nahirapan akong hanapin ang daan papunta rito. Ang laki kasi ng bahay n'yo. Sobrang corrupt pala ng tatay mong governor." "Tse! Letse ka! Sige na! Kakanta pa ako ng Unfaithful!" "Ay, bongga! Hindi mo lang pala kapangalan si Marian Rivera! Kaboses mo pa siya! Kumusta naman si Karyle Padilla pagkatapos mong ikulong sa CR?" "Tumigil ka na diyan! Puntahan mo na sila!" Inginuso ni Maryan sina Kaye at ang dalawang babae kaya agaran itong pinuntahan ni Ritchie. "Tama na 'yan! Akin na si Kaye, mga girlalu! Asikasuhin n'yo ang ibang bisita, pati si Maryan. Highblood na kasi siya. Ako na ang bahala kay Kaye!" pinagpapawisang pagmamadali ni Ritchie. Ipinaikot niya ang braso ni Kaye sa baywang niya at naglakad sila papunta sa isang kuwartong may-kalayuan sa okasyon. Ipinasok din niya si Kaye sa isang kuwarto at pinaupo sa kama. "Muder! Dito ka muna, ha? Babalikan din kita. Diyos ko! Bakit ka kasi nagkakaganyan sa isang lalaki lang. Ayan tuloy, nasampal ka pa. Sayang ang face mo na dapat ay akin!" Iniwan din ni Ritchie si Kaye doon sa kuwarto. *** Bumalik si Ritchie sa madaming tao at nakisaya, lalo na't pinaandar na naman nina Maryan ang machine for bubble foam party sa loob. Ilang oras ang nakalipas, agad lumapit sina Paola at KC kay Ritchie. "Nasaan si Pogi?" "Sinong Pogi?" takang tanong ni Ritchie. "Syempre si Brix. Nagtataka nga kami, umuwi man lang si Ethan nang hindi kasama ang kapatid," inis na pasaring ni KC. Nagulat at napasigaw si Ritchie. Biglang nagising ang utak niya sa pagkakalunod sa alak. "Holy mother of God!" "Bakit?" inis na tanong ni Paola. "Yung kuwartong pinag-iwanan ko kay Brix, 'yon din ang kuwarto kung saan ko iniwanan si Kaye," takot na takot na sabi ni Ritchie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD