Chap. 5

1653 Words
"Minerva, imbis na asikasuhin mo kung paano mo pahuhubarin ng pang-ibaba si Brix, mas mabuting solusyunan mo kung paano magtino si Ethan! Ayun na naman ang lintik mong anak! Umalis ng bahay nang walang karespe-respeto!" sigaw ni Rody. "Masisisi mo ba ako, Rody? Syempre, saan pa ba magmamana 'yan?" sagot ni Minerva. Pagkaalis na pagkaalis ni Ethan sa bahay nila ay sinundo siya ng kaibigan niyang si Max at doon nagpalipas ng gabi. *** Pagkagising nang hapon ay gumala sila. Gamit ang sasakyan ng matalik na kaibigan. "Pare, kanina pa 'yang gray na kotse na yan sa likod natin. Kanina pa rin niya tayo sinusundan, o," ani Max. Nainis at humarap si Ethan sa likod. "Parang kilala ko na 'yan. Iliko mo sa kanan, pre." "Bakit? Saan tayo pupunta? Akala ko, magba-basketball tayo?" tanong ni Max. "Kay Camille. Alam mo naman kung sino ang stalker ko ngayon, di ba?" Kumindat at ngumiti si Ethan sa kasama. Pagkaliko nila ay sa bahay ni Camille sila napadpad. At saka ito t-in-ext ni Ethan. Nag-doorbell sila sa gate. Hinarap sila ng dalaga pagkabukas ng pinto at kunwaring nagbeso-beso sila ni Ethan at nagyakapan pa. Sa loob ng gray na kotse, padabog na tinanggal ni Kaye ang salamin niya habang galit at lumuluhang pinagmamasdan sina Camille at Ethan. Inapakan niya nang malakas ang gas ng kotse at saka pinalarga ito nang mabilis at iniliko hanggang sa mapadpad siya sa Quiapo para doon magpalipas ng sama ng loob. Naglalakad siyang naka-full black na long skirt at baggy long sleeve ang suot—tila namatayan at nagluluksa, at naka-shades pa habang umiiyak. Nagulat na lang siya nang nagsigawan ang mga ale sa kanya para i-offer ang mga boteng may lamang pampalaglag. Halos pag-agawan siya kaya nagtinginan ang mga tao sa kanya. "Bullshit naman! Bakit ako pa ang napagdiskitahan ng mga mamamatay-baby na 'to?" pabulong na sabi ni Kaye at nagtakip sa mukha dahil sa kahihiyan nang may humila sa kanyang braso pasakay sa loob ng kotse. "Girl, bakit ka ba pinag-aagawan ng mga 'yon. God! Dont tell me, you're pregnant? At bakit ka nandito sa Quiapo? Dont tell me, magsisimba ka gaya ko?" ani Ritchie. Siya ang nagpasakay sa kaibigan. Nagulat si Kaye. "Hindi ako buntis, gagi ka! Nandito sana ako kasi may ipapakulam. At saka, kalerkey! Nagsisimba ka na pala? Kailan pa?" "Girl! Matagal na!" "Buti, di ka nasunog!" "Grabe ka naman! O siya, magsunugan na tayo ng baga. O, eto ang lighter. Dalawang stick lang, ha! Ayokong mangamoy ang kotse ko," ani Ritchie at sinindihan ang yosi at inaya si Kaye. Nagyosi na naman ang dalawa. "Naniniwala ka pa ba sa kulam? May kilala ako. Ihatid kita tapos aalis din ako," ani Ritchie. Pagkatapos umoo ni Kaye, agad siyang ibinaba ni Ritchie sa isang lugar. Pagpasok niya ay isang babaeng may kakaibang maskara ang bumungad sa kanya kaya umupo siya sa harapan nito. "Ano'ng kailangan mo?" anang babae na wirdo at may bolang kristal sa harapan. "Magpapahula ka?" "Ipapakulam ko sana ang best friend ko. Dito ako ibinaba ng friend ko. Ito nga ang picture niya, eh." "Puwes, lumayas ka ngayon din. Hindi ako mangkukulam. Manghuhula lang ako. Ako si Veda. Yung bida sa story ni JamilleFumah. Hakhakhak!" Biglang lumayas si Kaye at napakamot ng ulo. "Taragis ka, Ritchie! Hindi manghuhula ang hanap ko! Mambabarang at mangkukulam!" Biglang tumawag ang PA niya kaya wala siyang choice kundi pumunta na lang sa trabaho. *** "Kaye, late ka na naman! Ano ba'ng nangyayari sa 'yo! At bakit full black ka at bakit ang laki ng eyebags mo?" "Sorry, nagkaproblema lang." "Bilisan mo na, Diyos ko." At itinapon nito sa kanya ang isang see-through na thong at bra. Binihisan siya at mini-makeup-an, inayos ang buhok hanggang sa magmukha na siyang saksakan ng s*x appeal. "Dumapa ka diyan sa kama na may mga balahibo ng uwak and give a very fierceful sexy look, darling. Lights, camera, go!" sigaw ng mga kumukuha ng litrato. Nabo-bore at nalulungkot si Kaye sa trabaho niya bilang isang lingerie model. Laging nangangawit ang katawan lalo na ang bibig sa kangingiti nang peke at pag-pose kada minuto. Punong-puno pa ng kolorete ang mukha at minsan ay paiba-iba ng wig or extension ang buhok. Lagi siyang sinisigawan ng manager niya sa kaunting pagkakamali lang at kaunting break. Gusto rin niyang bumukod para sa kanyang sarili. Ginagawa lang niya ang modeling para maka-earn ng kahit kaunti dahil malaki ang kita ng isang lingerie model kahit ayaw ito ng mga kapatid, lalo na ang mga magulang niya. Nahihiya na siya dahil both ng kapatid niya ay kayod-kalabaw at may naitutulong sa pamilya. Kaya gusto niyang ipakita na kahit hindi siya pwedeng ipagmalaki ay kaya niyang mabuhay sa sarili niyang mga paa. Habang tuloy-tuloy ang flash ng camera, napaluha na naman siya matapos maalala ang panloloko sa kanya nina Ethan at Camille kaya napasigaw ang manager. "My God! Kaye! Ano'ng ginagawa mo! Naalis ang mascara! Nasisira ang makeup!" Agad tumayo si Kaye. "Ayoko na! Pagod na pagod na ako!" "At sinasagot mo na kami? Gusto mo bang mapalayas sa trabaho, Kaye!" "Yes, sawa na ako sa paninigaw. Sa paiba-ibang request of poses na halos mangalay na ang putang inang katawan ko. Pati collarbone ko, nangingisay na sa camera! Every minute, retouch! Punong-puno na ng chemicals ang buhok ko na kulang lang makalbo na ako sa pinaglalalagay n'yong spray at gel! I am resigning! Sawa na ako sa buhay ko! At dumadagdag pa kayo, mga hayop kayo! Mga manloloko! Wala kayong pinagkaiba sa best friend at boyfriend ko! Mga buwisit!" sigaw ni Kaye. "Ang kapal ng mukha mo! Buti nga't tinanggap ka pa namin. Di umalis ka! Ang dami-dami pa namang model diyan! Kaya ka iniiwan ng jowa mo dahil napakawalang kuwenta mong jowa at demanding pa! Deserve mo 'yan, gaga!" pasaring ng Manager. "Ah, ganoon, ah!" Agad nakipagsabunutan si Kaye hanggang sa nagkarambulan na sa loob ng studio. *** Dinig ang tunog ng rehas na bakal na nabuksan. Si Kaye ay umiiyak na naman nang sobra habang nasa presinto ulit. Bigla namang dumating ang kuya niyang si Kenji. "Ano na naman ba'ng pinasok mong gulo, Kaye!" sigaw ni Kenji. "Binastos ako ng manager ko kaya sinapak ko siya at sinabunutan hanggang makalbo. Don't worry, kuya, hindi ako lasing!" "Kahit na! Parang lasing ka na rin dahil binasag mo raw buong camera doon sa studio na 'yon! At nagwala ka!" inis na sagot ni Kenji. Biglang nag-ring ang cellphone ni Kaye kaya iniwan muna niya ang kapatid para sagutin ito. "Hello, Ritchie! Napatawag ka?" "Guess what! It's Maryan's birthday, punta ka?" "No, thanks. Wala ako sa mood." "Nandoon sina Ethan and Camille. I know your issues at may pag-uusapan tayo," gigil ni Ritchie. Biglang ngumiti na parang demonyo si Kaye. "Kuya, I have to go as soon as possible! Birthday ni Maryan!" permisong sabi ni Kaye kay Kenji. "Di ba, sabi ko sa 'yo, 'wag kang sumama roon sa mga kaibigan mo na 'yon. They are not to be trusted!" "Whatever, kuya! Bye! Bayaran mo na 'yang mga police scalawag! 'Yan naman ang gawain mo palagi, di ba? Hehehe. Labyu! Mwah!" At saka niya niyakap ang kuya niya habang dahan-dahang hinahablot ang susi ng kotse nito sa likurang bulsa nito. Iniwan na ni Kaye ang Kuya Kenji niya at lumabas na siya sa presinto. Agad siyang dumiretso sa home party ng kaibigan gamit ang Hummer ng kuya niya pagkatapos nakawin ang susi nito nang di nito nahahalata. *** Pababa na ng hagdan si Ethan para pumunta sa birthday party ni Maryan nang agad siyang nilapitan ni Brix. "Kuya, sama ako sa 'yo. Inip ako. Sama ako, kuya. Lungkot ako dito!" paulit-ulit na pangungulit ni Brix. "Hindi pwede! Hindi nga pwede sabi. Di ka pwede doon! Ugh," inis na pagtanggi ni Ethan. Biglang nagsalita ang amang si Rody habang nagbabasa ng dyaryo. "Pasamahin mo na siya, Ethan. Wala namang mawawala sa 'yo kung isasama mo ang kapatid mo. Just like Lea before. Isama mo na siya para maipakilala mo na siya sa friends mo tutal mag-aaral naman kayo sa pasukan sa iisang kolehiyo, di ba? Training din sa kanya." Biglang kumunot ang noo ni Ethan at wala rin siyang choice dahil naiirita na siya sa pangungulit ng kapatid. "Okay, fine. Magdamit ka na! Dalian mo!" galit na sabi ni Ethan at umupo sa sofa katabi ng ama. Tumakbo agad agad si Brix sa hagdan paakyat. Makalipas ang ilang minuto ay bumaba ito. Nagulat si Ethan at nainis dahil halos pareho sila ng polo na kulay green, maong, at pati rubber shoes na Adidas. Akmang susugurin at susuntukin na ni Ethan si Brix na nakabungisngis ay pinigilan sila ni Rody. "Are you mocking me, faggot? Why are you trying to copy everything! Aaahh! Abno!" sigaw ni Ethan. "Idol kita, kuya, hehehe!" ngiting baliw ni Brix. "Okay! Para walang gulo! Eto, Brix! Suutin mo 'tong brown leather jacket ko," utos ni Rody habang awat-awat ang mga anak niyang lalaki na kulang lang ay magsusuntukan. Nagtimpi na lang si Ethan habang nakangiti pa rin si Brix at umalis na sila. *** Pagkapasok ni Ethan sa party, nagulat siya dahil magara ito at marami pang malalaking chandelier. Ni-meet niya agad si Camille. "Glad your here. Handa ka na bang makipag-final breakup kay Kaye? Yung speech mo?" malungkot na tanong ni Camille. "Yes. For her own good. Galingan mong um-acting, ha?" Dumating sina Paola at KC. "Hey, guys! 'Sensya na if home party ang gusto ni Maryan. By the way, ipakilala mo naman kami sa kasama mo, Ethan," ani ni Paola. "Sino?" pagtatakang tanong ni Ethan. Nginuso ni KC si Brix na nakasuot ng brown leather jacket at nakaupo sa pinakagilid na walang tao. "Ah, wala 'yan. Napulot ko lang 'yan sa tapat ng Sogo. Ginahasa ng bakla," sagot ni Ethan. "Kaya pala mukhang call boy. Baka naman si Ritchie 'yon, hahaha!" pang-aasar ni Paolo. "Excuse me, narinig ko yata ang pangalan ko, mga buang!" pasaring ni Ritchie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD