2- Dr. Chard

1345 Words
"Dr. Chard! Dr. Chard!" sigaw ng isang nurse sa labas ng opisina ni Chard habang kumakatok para kunin ang atensyon nito. Samantala si Chard ay nagising sa sunod-sunod na katok na naririnig niya mula sa pinto niya. Iniangat niya ang ulo niya at at tumingin sa pinto kung saan ay nakikita niya ang isang nurse na babae na nagmamadali at mukhang may problema. And so, he stood up and opened the door to see the nurse na may hawak na chart. "Ano 'yun?" casual na tanong ni Chard and he yawned. "Dr, code blue po. Code blue sa ER," balita nang nurse at binigay ang chart kay Chard. "Ito po ang chart. Tatlong pasyente po. Ang pangalan po nang pasyente ay Tim, 9 years old. May kahoy na tumusok po sa kanang binti niya nang gumuho ang bahay nila. Then, 'yung mother po may tubo sa kaliwang braso habang ang father po ay mayroon pong dislocation sa kaliwang kamay. Lahat po sila ay marami na pong nawalang dugo," paliwanag ng maigi nang nurse. Habang si Chard ay isa-isa binasa ang papel na nasa chart. Mabilis niya ini-scan ang papel at nang nakuha na niya ay ibinalik niya sa nurse at saka tumakbo nang mabilis papunta sa ER. Ilang saglit lang ay narating ni Chard ang ER at kaagad na tumabi ang mga nurse para siya na mismo ang tumingin sa tatlong pasyente na isa pa lang pamilya. Una niyang tinignan ang bata, then the mother at ang tatay. Inilagay niya sa bewang ang dalawang kamay as he is thinking what to do on that situation like that dahil pare-pareho sila nauubusan ng dugo. Habang ang lahat ay nakatitig lang sa kaniya at naghihintay ng utos. Then, he snapped his fingers at tumingin siya sa batang lalaki. "Get him on the Operating Room 1. Get an x-ray immediately," utos niya. Pagkatapos ay tumingin siya sa mother at sinabi, "Get her to the OR 2. Ooperahan ko sila pareho. Get an x-ray first. Sunod ako kaagad pagkatapos ko ibalik ang kamay ni tatay. Mabilis lang ako. Go, go!" mahinahon na sambit niya at saka siya tumingin sa father. Nilapitan niya ito at sinuri ang kaliwang kamay nito. Pero hindi sapat ang tingin lang kaya kumuha siya nang malinis na gloves at ikinabit ito. Pagkakabit ay hinawakan niya ang kamay ni tatay at kinapa nang dahan-dahan ang buto nito na parang he is examining it with his x-ray vision. "Bigyan ng towel si tatay at medyo masakit ito," wika niya. Isang nurse na lalaki naman ang nagbigay ng malinis na towel kay tatay, na nagtaka naman sa nangyayari. "Teka, para saan itong towel? Aanhin ko ito?" tanong ni tatay na tinignan si Chard. "Lagay niyo po sa bibig niyo at dito ko na po gagawin," maayos na saad ni Chard at nginitian si tatay nicely. "Huh?" nagtataka pa rin na sambit ni tatay na hindi na-gets ang sinabi ni Chard. "Okay. 1. 2. 3!" bilang ni Chard at walang habas niya hinila ang kamay ni tatay at mabilis na ibinalik ang buto nito sa normal. Habang si tatay ay sumigaw ng napakalakas na rinig sa buong hospital kahit na may towel na siya sa bibig dahil sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman. At dahil sa sigaw nito ay lahat napahinto sa kanilang ginagawa sandali. "Okay, we're done," nakangiting sabi ni Chard at tumingala siya kay tatay na umiiyak. "Bigyan siya nang painkiller. Ibalot ng cast ang kaliwang kamay niya. Then, dalhin siya sa x-ray at ibigay kaagad sa akin ang film pagkatapos. Sa OR lang ako," utos niya sa nurse na nasa kaliwang side niya kahit na nakatingin siya kay tatay. "Balik ako mamaya, Tay, ah. Tanggalin ko lang po ang kahoy at tubo sa mag-ina mo," paalam niya at tumango na lang si tatay sa kaniya as response, at saka siya umalis ng ER para pumunta sa OR. "Yes, Dr.," tugon ng nurse na iniyuko ang ulo sa direksyon ni Chard. Soon, naka-blue suit na si Chard, na may mask sa mukha, at cup sa ulo, naghugas siya nang kaniyang dalawang kamay sa katabing lababo na binuksan niya ang gripo with his feet. Matapos ay itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay above his waist na ang ibig sabihin ay sterilized na siya and ready for operation. Pumasok na siya sa loob ng OR 1na kaagad nagpula ang ilaw nito sa ibabaw as signed na nagsimula na ang operasyon. "Let's make this quick at may nanay na naghihintay sa kabila. Scalpel," wika ni Chard seriously at inilahad ang kaniyang kanan kamay sa tabi niya kung saan ang katabi niyang nurse ay binigyan siya nang scalpel for the beginning of the operation. At nagsimula na ang operasyon by opening the skin of the fractured part. Mabilis niya ito hiniwa, sa median at lateral, at saka ibinigay ulit sa nurse ang scalpel dahil gagamitin niya mismo ang kaniyang dalawang kamay to pull the wood out. "Get ready for suction," saad ni Chard to warn the nurse in front of him. "Yes, Dr.," mabilis na sagot nang nurse. "1. 2. 3!" sambit ni Chard at dahan-dahan niya hinila ang kahoy out of the child's leg na naging dahilan kung bakit maraming duho ang sumirit at tumagas. At dahil sa nangyari ay tumunog ang monitor sa gilid, alarming them. "Vital signs, Dr. Yu," tawag ni Chard without looking at the doctor na nasa tabi nang monitor. "BP, lower than normal. Heart rate, 80. Nauubusan ng dugo ang bata. Get more blood! Faster!" banggit at utos ng isang babae na nagngangalang Dr. Yu ayon sa suot niyang scrub na may name tag na 'Yu', sa katabing nurse. She is the one responsible for reading the child's vital signs at saka siya nag-utos sa nurse niyang katabi. Kaagad naman nakatanggap ng blood bag si Dr. Yu at isinabit ito. She began to pressed the blood bag at dumaloy na ang dugo papasok sa bata na mahimbing na natutulog while he is on the operating room. "More gauge. Keep it coming," utos naman ni Chard na tinapalan ng tinapalan ang hole sa loob ng katawan ng bata. Ilang segundo lang ay tumigil ang pagdurugo kaya ang lahat ay napatingin sa isa pang doctor na naka-assign sa vital signs. "Dr. Yu?" tawag ulit ni Chard. "Vital signs are normal. Proceed," tugon ni Dr. Yu and she nodded at Dr. Chard as sign na ayos lang ituloy ang operasyon. "Okay," maikling sambit ni Dr. Chard at tumingin siya ulit sa binti nang bata. With his two hands, he put the bone fragments together again at saka siya naglagay ng titanium which is safe to put inside of the human's body. Sa loob lamang ng sampung minuto ay natapos na niya ang operasyon kaya nakahinga ang lahat ng tao sa OR. "Tie it for me, will you? Thank you, Dr. Sam," pakiusap ni Chard sa doctor na lalaki sa kanan niyang side at umalis na siya dahil pupunta naman siya sa kanilang operating room. "Yes, Dr. Chard. Glad to assist you!" puri ni Dr. Sam at natawa na lang siya na pumalit sa pwesto nito para tahiin ang ginawa nitong opening. "Study it! And soon, you will be the one to do it alone!" paalala ni Chard bago siya tuluyan na lumabas ng kwarto. Thereafter, pumasok si Chard sa kabilang room with sterilize hands again. He started the operation at makalipas ang wala pang kalahating oras ay natapos na rin siya kaya lumabas na siya. Pagkalabas ng room ay saka niya tinanggal ang mask niya at ang cup sa ulo niya nang makasalubong niya si Dr. Yu na lumabas sa kabilang kwarto rin. "Ang bilis mo na naman, ah," sambit ni Dr. Yu at tinanggal ang mask niya to talk to Chard with a smile on her face. "Ganu'n talaga, Dr. Yu, masasanay ka rin sa akin," he stated and he chuckled on his joke. At lumabas na ng operation room si Chard habang si Dr. Yu ay sinundan ng tingin ito na may ngiti sa kaniyang mga labi hanggang sa nawala na ito sa paningin niya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD