3- Alek’s proposal

1577 Words
Matindi ang sikat ng araw sa umaga, kumakain ng breakfast sa hapagkainan si Rachel, Amara at Nanny Deli nang tumunog ang doorbell. “Ako na po,” sambit ni Rachel at tumigil siya sa pagkain para tignan kung sino ang tao sa labas ng mansyon. Pagkarating ni Rachel sa may pinto ay nakita niya mula sa monitor ang tao sa labas at ‘yun ay walang iba kung hindi ang tatay ng anak niya, si Alek kaya naman binuksan niya ang pinto at nagkita silang dalawa. “Hi, beautiful,” maligayang bati ni Alek at mabilis niyang hinalikan ito sa labi. But then, he pulled at tumuloy na siya sa loob ng mansyon even without her consent. “Si Amara? Tapos na ba siya kumain? Kumakain ba kayo?” tanong niya while walking. Habang si Rachel ay nakasunod dito hanggang sa nakarating sila nang dining table at naupo siya sa tabi ni Amara na tahimik lang kumakain mag-isa since she’s a big girl na. “Ikaw, tapos ka na kumain?” binalik niyang tanong. “Yes, I’m done. Thank you for asking. How about you, baby, do you like the food?” malambing na tugon ni Alek at naupo siya sa center chair para makaharap niya ang anak nila. “Hi, Daddy. And yes, I like the food,” sagot ni Amara with respect at nagpatuloy siya ulit sa pagkain niya. Thereafter ay sumakay na si Amara sa sasakyan ni Alek since he will be the one to drive their daughter going to school, habang si Rachel ay nakabantay sa gilid to make sure na safe ang baby niya nang lapitan siya nito. “Babe, nga pala may important akong sasabihin sa ‘yo. But let’s discuss it later kapag naihatid ko na si Amara. I’ll be back, okay?” paalam ni Alek at hinalikan niya ulit sa labi si Rachel who kissed back, at saka siya pumasok sa sasakyan and drive away. “May sasabihin siya? At ano naman ‘yun?” pagtatakang tanong ni Rachel sa sarili niya at pumasok na siya nang mansyon. Makalipas lang ang kalahating oras ay nakabalik na si Alek at pinindot niya ulit ang doorbell, at si Rachel ulit ang nagbukas kaya nagtagpo sila ulit. “Oh. Ang bilis mo, ha,” sambit ni Rachel at naglakad paloob so, they can talk inside at dahil masyadong mainit kung sa labas sila mag-uusap. Pumasok naman si Alek at sumunod kay Rachel pero pagdating nila sa sala ay bigla niya hinila ang braso nito na naging dahilan kung bakit napatigil ito at lumingon sa kaniya. “Bakit?” maikling tanong ni Rachel and she put her arms across her chest while waiting for him to speak up. “Well, I want to propose something to you,” panimulang banggit ni Alek na may kaba sa kaniyang dibdib. “What? Propose?” nagulat na tanong ni Rachel and because of that ay naisip niya na baka yayain siya nito magpakasal, finally. “Is this it? Pero two years pa lang kami at gusto na niyang magpakasal? Pero sabagay kasi may anak kami,” bulong niya in the back of her mind with a lot of scenarios happening now in her wild imagination. “Kasi I am thinking kung doon na kayo sa bahay tumira. Pumayag na rin naman si Mom,” direktang wika ni Alek opposite to what she is expecting to say. “A-ano?” nabiglang sambit ni Rachel and she blinked once to process what he just said. “Please, Rachel—“ At kaagad lumapit si Alek dito to please her— “gusto ko kayo makasama sa iisang bahay,” dugtong niya pa na may sabik sa kaniyang mga mata. Samantala si Rachel ay tinitigan ang mga mata nito pero that doesn’t mean she agree dahil maraming scenarios ang tumatakbo sa isip niya ngayon. “Pero alam mo na hindi kami magkasundo nang Mommy mo,” kontra niya na pinangunahan na niya. “Alam ko, pero malay mo with that kind of set up ay maging maayos kayo. Magkasundo kayo. Please, think about it,” nagmamakaawang sabi ni Alek dahil ang tanging mahalaga sa kaniya ngayon ay makasama niya ang pamilya niya kahit na sa iisang bahay sila titira with his Mom. “Alek, imposible ang gusto mong mangyari. Magbabangga at magbabangga kami nang Mommy mo. At hindi ‘yun maiiwasan just like what happened before nu’ng nalaman niya na may apo siya sa ‘yo. Alam mo ba na she spoiled her with a lot of toys? Kaya sa tingin ko hindi maganda ‘yang naisip mo. Ayaw ko na lumaki siya na entitled at nakukuha lahat ng gusto just like your Mom. No offense, pero I am just stating the fact here unless you will get a separate house na tayo lang. But I am not saying na pumapayag ako, ha. Ang akin lang ay kung gusto mo na makasama kami, ‘yung tayo lang at walang iba. Wala ang Mom mo,” prangkang komento niya dahil it’s her right to choose, and because nakasalalay sa gagawin nilang hakbang ang future nila together. “Rachel naman. Alam mo na maliit lang sweldo ko sa pagtuturo. I can’t afford to buy a house or kahit rent it. We are actually lucky kasi malaki ang bahay ni Mom. Pwede tayo roon pansamantala at kapag kaya na natin bubukod tayo. ‘Yung tayo lang talaga pero for now, let’s live in one roof. Gusto ko na kayo ang una ‘kong makikita sa umaga at bago ako matulog. Gusto ko na hindi ko na kailangan pa pumunta rito just to see you and our daughter or video call before I go to sleep. Gusto ko kayo mahagkan, in other words,” he pleaded while rubbing her arms to convince her. Hindi kaagad sumagot si Rachel sa gusto nitong mangyari at tinitigan niya ito, at dahil she is thinking of possible scenarios na pwedeng mangyari sa kanila ni Sophia once they live in one roof. “Pag-iisipan ko,” tangi niyang tugon at tumingin siya sa ibang direksyon para hindi siya madala sa panghihikayat nito. “Okay. Ayos lang ba na malaman ko ang sagot mo in three days time?” tanong ni Alek with his charming look to seduce her at para mapapayag ito sa gusto niyang mangyari. “Three days? How about one week?” wika ni Rachel at binalik niya ang tingin niya rito. “One week? No. That is too much already, babe. I can’t wait that long,” mabilis na replied ni Alek, contradict sa gusto nito. “Alam mo kung hindi mo kaya maghintay, then don’t. Hindi kami sasama sa ‘yo nang anak mo,” mataray na sabi ni Rachel at lumayo siya nang isang hakbang mula rito to let him know na hindi siya papadaig dito. “Okay, okay, fine. Payag na ako. I will give you one week to decide and then, kapag pumayag ka lilipat kayo kaagad kinabukasan at hindi sa ibang araw. Malinaw ba ‘yun?” he authoritatively mentioned para ipaalam dito na siya pa rin ang masusunod sa kanilang dalawa since he is the guy. “Minamanduhan mo ba ako?” taas kilay na tanong ni Rachel dito dahil hindi niya gusto ang tono nang pananalita nito. “Hindi. I am just, you know, letting you know na I am a man,” nakangiting tugon ni Alek at niyakap niya ito sweetly na kaagad nawala ang pagiging matigas niya. “Alam ko na lalaki ka, you don’t need to say it anymore,” she frankly responded and rolled her eyes as she is well aware na lalaki ito. “Baka kasi hindi mo alam. Gusto mo ipakita ko sa ‘yo? Let’s go upstairs and I’ll show you that I am a man,” palabirong bulong ni Alek, teasing her pero gusto rin niya to make love with her. “Tigilan mo nga ako. Ayan ka na naman, eh,” mabilis na replied ni Rachel at kumawala siya sa mga braso nito, at naglakad patungo sa kusina para mag-ayos ng mga pinagkainan. “Sure ka ayaw mo?” nakangiting banggit ni Alek out loud at sinundan niya ito sa paglalakad to tease her. “Tumigil ka. No. Not now at marami akong gagawin. Papasok pa ako. Ikaw, wala ka ba klase at nandito ka pa?” suway ni Rachel at humarap siya sa lababo para maghugas. “Mamaya pa klase ko, 10 pa kaya dito muna ako,” saad ni Alek at pumunta siya sa likod nito. He snake his arms around her waist and rest his chin above her left shoulder sweetly. “I love you,” bulong niya sa kaliwang tenga nito possessively. Napangiti naman si Rachel at kaagad na nawala ang inis niya rito. “Tumigil ka nga at baka makita tayo ni Nanny Deli,” bulong niya pabalik at tumingin sa paligid dahil baka makita sila ni Nanny Deli. “Let her be. Kung makita niya tayo, eh di, makita niya tayo. Alam naman niya na tayo kaya walang kaso sa kaniya kung ganito posisyon natin,” he charmingly said na wala nang paki sa iba dahil all he cares now is her and their daughter. Nothing actually matters any more other than them for him. “Siraulo ka talaga,” natawang sambit ni Rachel at nagpatuloy siya sa paghuhugas ng plato, letting him stay to his position since she likes it too. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD