12- The bouquet

1412 Words
Gabi na nang nakauwi si Alek, dumiretsyo siya papunta sa kwarto niya nang madaanan niya ang kwarto nang kapatid na si Chard. Napatigil siya nang mahagip niya ito na nakahalandusay sa sahig kaya naman kaagad siya pumasok sa kwarto nito to check him. Tinapik niya ang mukha nito nang tatlong beses to wake him up. "Uy, Chard. Are you okay? Are you sleeping, or what?" tawag ni Alek na may pag-aalala. Pero nawala ang pag-aalala niya nang makita nang mga mata niya ang hawak nito sa kanang kamay na isang bote ng alak na naging dahilan kung bakit napahinga siya nang maluwag. Naupo siya sa sahig nito at tinapik as he joined him on the floor. "Siraulo ka, akala ko kung ano na nangyari sa 'yo. Tell me, may problema ba? Ikaw, umuuwi ka lang kapag may problem ka, eh, tapos lasing pa," tanong niya rito kahit na nakapikit ito dahil alam naman niya na nakikinig ito. "Go away," tanging sambit ni Chard at tinulak niya ito dahil gusto niya mapag-isa. "Dapat sinara mo ang pinto kung magmumukmok ka nang ganito. Alam mo naman na hindi ko maiiwasan na hindi ka makita kapag nakabukas ang pinto mo," tugon ni Alek na napangiti dahil minsan hindi rin nag-iisip ang kapatid niya. "Leave me alone," malungkot na wika ni Chard at umikot para makadapa siya sa malamig na sahig. "Is it because of Princess again? Ang walang katapusan na si Princess?" direktang tanong ni Alek na walang preno ang bibig. Dahil sa nabanggit ni Alek ay lumingon si Chard na hindi umaalis sa pwesto niya at tinitigan niya ito nang matamlay, na parang lasing. "I apologized to her a while ago when I opened up about our past. I asked for her forgiveness one more time, but still, she rejected me. Ano pa ba ang gusto niyang gawin ko para lang kausapin niya ako, at magkaayos kami? Hindi naman ako magician to guess what she wants," reklamo ni Chard na nilabas lahat ng hinaing niya sa kapatid niya tungkol sa nangyari kanina sa kanila ni Princess. "Alam mo naman na parang bato 'yan si Princess. Kita mo nga hanggang ngayon may galit 'yun sa akin. If it weren't for Rachel, hindi niya ako kakausapin, but thanks to her at kahit papaano ay medyo okay-okay na kami," sagot ni Alek based on his experience. "Oh, right, si Rachel—" sambit ni Chard na naalala ang kaibigan. Pero natigilan si Chard nang tapikin siya ni Alek. "That's right, bro. Why don't you ask Rachel to help you? Maybe if she helps you out, makinig sa 'yo si Princess," suggested ni Alek na nabuhayan dahil nakaisip siya nang paraan to help his younger brother out. "I already asked for her help, but she doesn't want to get involve. She declined helping me out at kilala niya si Lorainne. Ni ayaw nga raw marinig ni Lorainne ang name ko sa tuwing nag-uusap sila," banggit ni Chard at ipinikit niya ang mga mata niya dahil sa pagod. "Really?" natawang sambit ni Alek. "Alam mo, bro, ang sabi nila if the girl doesn't want to hear your name, it means na hanggang ngayon ay hindi pa siya nakaka-get over you. She is still into you, lalo na kung may past kayong dalawa," aniya based on hearsays. "Still into me? I doubt. Pinalayas nga niya ako kanina, eh. Ayaw na nga niya ako maging doctor niya, eh," tugon ni Chard nang maalala niya ang ginawa ni Princess sa kaniya kanina. "Bro, let me tell you something. Kasi alam mo, sa totoo lang, I can still feel Lorainne—" seryosong banggit ni Alek nang maudlot ang sasabihin niya dahil bigla ito sumingit. "Hoy, may anak at Rachel ka na, ah. Tumigil ka," suway ni Chard sa kapatid as if he is thinking na may gusto pa ito kay Princess kahit na may sarili na itong pamilya. "Huh? Anong pinagsasasabi mo? Sira, what I meant to say is, I can still feel Lorainne towards you. I can tell that she is just suppressing it. Just show some efforts ngayon na nagkita kayo ulit. Maybe that is the reason kung bakit tinadhana kayo ulit magkita kasi may tatapusin pa kayo na kwento niyong dalawa. Ito na ang pagkakataon mo, bro. Do what you must do," cheerful na sabi ni Alek na talagang tinutulak ang kapatid niya sa taong alam niya kung saan ito magiging masaya. Chard did not answer na tila napaisip sa mga sinabi sa kaniya nang kapatid niya. Kinabukasan, nakatayo si Chard sa harap ng room kung saan naka-admit si Princess at may hawak siyang bouquet of red flowers. Pero bago siya pumasok ay inayos muna niya ang sarili niya, then inamoy niya ang sarili kung mabango pa ba siya since galing siya sa labas, at saka niya inamoy ang dalang bulaklak na nagpangiti sa kaniya just thinking of her reaction once he give it to her. Naalala niya bigla ang sinabi nang kapatid niya kagabi na 'Do what you must do', na nagbigay sa kaniya nang lakas to get back and face her again. He then took a deep inhale, all of his courage, and he knock on the door. "Sino po 'yan?" tanong ni Nanny Deli na kaagad tumayo sa upuan niya at binuksan ang pinto. Napangiti siya seeing Chard again. "Hi, doc. Pasok po kayo. Kakatulog lang po nang alaga ko," banggit niya rito. Napasimangot tuloy si Chard ng makita niya si Princess na nakapikit dahil lahat ng na-imagine niya ay biglang naglaho. But then, napatitig siya sa mukha nito na mukhang anghel, habang si Nanny Deli ay napansin ang ginagawa nito kaya naman tumayo siya. "Doc, lalabas lang ako sadlit at bibili lang po ako nang tubig," paalam ni Nanny Deli at mabilis na lumabas ng kwarto. "Sige lang po, Nanny Deli," replied ni Chard na hindi man lang lumingon dahil ang buong atensyon niya ay na kay Princess. Pagkarinig ni Chard na sumara ang pinto ay lalo pa nilapit nito ang mukha niya kay Princess na tahimik na natutulog. A moment of silence filled the room. And because of it ay hindi niya maiwasan na mapatingin sa mga labi nito na mapula kaya naman pinikit din niya ang kaniyang mga mata at unti-unti na lumapit dito. . . . . . . . . . . . . . . . . . . Pero bago pa man maglapat ang kanilang mga labi ay biglang bumukas ang mga mata ni Princess. Kaagad na kumunot ang noo niya seeing him so close at her. "And what do you think you're doing?" tanong ni Princess that is enough for him to hear. Napamulat ng mga mata kaagad si Chard at mabilis na tumayo nang diretsyo nang mapagtanto niya na gising na pala ito. Then, naalala niya ang flowers na dala-dala niya kaya naman pinakita niya ito sa kaniya. "My peace offering," nakangiting sambit ni Chard charmigly. "I don't like flowers," seryosong wika ni Princess at naupo siya sa kama, not minding him. "Huh? Y-You don't like flowers? Why? May allergy ka ba sa flowers? Pero sa pagkakatanda ko, wala naman," nabigla na tugon ni Chard at napaisip siya dahil ayaw nito sa flowers. "Ano ginagawa mo rito? Bakit ka nandito? I told you not to show at me anymore, hindi ba? So, anong ginagawa mo ngayon rito?" mataray na sunod-sunod na tanong ni Princess, and she glared at him. "I—uh...I am just here to apologize for what happened yesterday," malumanay na sambit ni Chard at mabilis na kinuha ang upuan sa gilid para siya ay makaupo sa tabi nang kama nito. "Listen, Lorainne, I know that you despise me before, especially now, pero please, I want to help you get better," pakiusap niya rito sincerely. "Help me get better?" questioned ni Princess at lumingon siya rito seriously. "You want me to get better? Then, why don't you try to leave me alone and distance yourself again to me just like you did before?" prangka niyang banggit. "I did not distance myself, Lorainne. You know what happened kaya bigla ako nawala that time. I did not leave you on purpose," paliwanag ni Chard dito, trying to recall everything they've been through. Napaiwas ng tingin si Princess nang maalala niya na tinext siya noon ni Rachel about what really happened kung bakit biglang nawala si Chard ng kailangan niya ito. She thought na nawala na ang galit niya rito sa puso niya, pero hindi pa pala. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD