Synopsis

372 Words
Kapag lalaki ka ? Ikaw palagi yung unang gumagawa ng first move. Sa panliligaw ikaw dapat yung unang lumapit at magbigay ng motibo, tapos ikaw yung gagawa ng paraan para mas mapalapit sa nililigawan mo, ikaw yung gagastos, ikaw yung mag e-effort at kapag hindi kayo okay kahit na siya yung may kasalanan, ikaw pa rin yung unang magbababa ng pride at susuyo. Tsaka mahirap din intindihin ang mga babae, moody, selosa, maduda, ma-pride, ang bilis nilang magpalit ng gusto/isip. Sa bahay naman ikaw yung pangalawang tatay, yung kapag wala yung tatay niyo ikaw yung mag-aalaga at mag poprotekta sa pamilya niyo. Ang laki ng expectation sayo kapag lalaki ka. Dapat responsable, dapat itaguyod ang pamilya, nakakapagod din siguro. Tapos sa huli, sa isang pagkakamali lang pala sila ide-define kung anong klaseng tao sila. ?❤ Kapag babae ka ❤ Palagi kang nagpipigil sa nararamdaman mo, hindi ka pwedeng basta basta nalang magbigay ng motibo sa isang lalaki kasi baka matawag kang malandi at easy to get. Tsaka sa panahon ngayon, mas okay na sigurong magdahan dahan muna sa love kasi andami jang oportonista. Makakita lang ng pagkakataon para i take advantage ka, gagawin nila! Tsaka sa bahay, expected na expert ka sa gawaing bahay, maglaba, maghugas ng plato, magwalis, magluto, magbantay ng bata, bumili sa kanto, lahat nalang iuutos sayo! Tsaka madali rin masaktan sa love ang mga babae kasi grabe sila kung magmahal, walang preno. Kaya doble din yung sakit kapag niloko/iniwan sila. Pinipilit nila palagi maging matatag para sa sarili nila at para ipakita sa lahat na matatag sila at kaya nila lahat ng pagsubok na kakaharapin nila, pero minsan talaga nakakapagod na rin yung paulit ulit kang tumatayo, lumalaban. Tapos pagkalampas mo sa isang problema, may bago nanaman. ? "Hindi na kailangan pang ikumpara ang babae at lalaki. Lahat tayo dito may kapintasan at kahinaan. Nakakasawa na din kasi yung palagi nalang pinag-aaway ang babae at lalaki, eh sa mata naman ng Diyos pantay-pantay tayo. Kaya sana ganun din yung tingin natin sa isa’t isa." ?❤ Hindi mo kailangan humanap ng taong palaging nandyan para sa'yo. Minsan, ang kailangan mo lang ay yung taong makakapag pangiti sa'yo sa bawat segundong magkausap kayo❤? ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD