The Scandal | Chapter 8

1144 Words
The Scandal | Chapter 8 -- "ANO ANG BALAK MO?" tanong ni Janice sa kaniya. May kaugnayan ito tungkol sa pinasubaybayan niya nang nakaraan. Nasa isang tabi sila ng daan ngayon gamit ang sasakyan niya nang kunin niya kay Janice. "May balak ka bang sabihin sa kanila ang lahat?" dugtong pang tanong nito. Nagsindi siya ng sigarilyo. Binaling sa labas ang tingin. Hindi niya alam kung ano ba ang isasagot kay Janice, wala pa siyang matibay na desisyon. "Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, Janice." Napasinghap siya. "Ang alam ko lang ngayon ayaw kong maging kontrabida— darating naman tayo d'on eh," natatawang saad niya. Hinawakan ni Janice ang kamay niya. Tumingin siya rito. Nagtaas siya ng tingin para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya. "Alam mong makakasama sa 'yo ang lahat ng nalaman mo, Yvonne," may pag-aalalang sambit nito sa kaniya. "Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Kung ano ang plano mo at kung ano tumatakbo sa isip mo nandito lang ako!" dugtong pa nito. "Alam ko, Janice. Salamat." Ngumiti siya nang maluwag dito ganoon din ito. "Saan mo plano?" "Ayaw ko na uminom. May follow up meeting ako sa catering at flower shop bukas." "I got it. Gusto mo ba tumuloy ngayon sa condo ko? You have to relax." "Sa bahay na lang siguro," tipid niyang sagot. "How about Leo?" "He's not there, nagpaalam siya sa akin at may trabaho siya." "And, the Siargao trip?" Nag-iwas siya ng tingin kay Janice. Humigit ng mahabang hininga. Hindi niya pa ito napag-isipang muli pagkatapos ng penal niyang desisyon nang nakaraan. "Sayang ang pera eh. Hindi pweding, hinde matuloy." Napailing-iling ito nang mapatingin sa kaniya. "Still! Maswerteng mga nilalang.." tumatawang sambit nito. "I want you to go with us. Can you?" "Hindi kita pweding pabayaan at hayaan mag-isa kahit na kasama mo pa si Leo." "Salamat." Nagpasya silang dumaan muna sa pinakamalapit na mall sa area bago tumuloy umuwi. Gusto niya man makalanghap ng sariwang hangin ay sa pagkakataong iyon ay hirap siyang huminga, dahil ang taong nakasanayan niyang hingaan ay hindi niya alam kung magkakaroon pa ba ng panahon sa kaniya. Nag-boluntaryo na itong magmaneho at hinayaan niya ang nag-aalalang kaibigan niya. "Are you okay, Vonne?" tanong sa kaniya ni Janice nang ilang minuto siyang natigilan. "Saan mo ba gusto kumain? Do you want to decide na lang ba?" Tumango-tango siya rito. Gusto niyang ipagkatiwala sa ngayon kay Janice ang lahat, ayaw makisama ng utak niya— siguro dahil sa isipin na hindi niya magawang ibaling ang atensyon sa ibang bagay. ★magbagsakan. "Ang gusto ko lang ngayon ay ang makauwi pagkatapos nito para makapagpahinga." Hindi na nagpumilit magtanong pa ng kung anong bagay sa kaniya. Kilala siya ni Janice, ilang taon na rin ang pinagsamahan nilang dalawa kaya naiintindihan siya nito, lalo na ngayon na nangangailangan siya ng katahimikan. TAHIMIK silang dalawa habang naglalakad— suhestiyon ni Janice ay mag-pizza na lang silang dalawa. Wala rin naman siyang gana kumain kaya pumayag na lang siya sa gusto ng kaibigan. Lihim na nakaalalay sa kaniya si Janice, kaya niya naman maglakad wala lang siyang gana magsalita. Klaro pa rin sa isip niya ang masamang balitang natanggap niya mula sa kaibigan. Walang matibay na batayan, kinumpirma lang nito sa kaniya pero hindi iyon ticket para hindi siya maniwala sa impormasyon nito. Kailanman hindi gumawa ng kwento sa kaniya si Janice, ang kailangan niya na lang ngayon ay makita niya mismo sa dalawang mata niya ang lahat para maibigay sa mga ito ang dapat nilang kaglagyan. "Y-Yvonne.. Y-Yvonne. Ikaw ba iyan?" Napalingon si Yvonne sa narinig na boses sa likuran nila ng kaibigan. "Y-Yes?" nag-aalangan niyang tugon dito. Hindi gaano natatandaan ang lalaking nasa harap niya ngayon. Pormal ang suot nitong damit. Sa isip niya inaalala niya ito, pero hindi niya mahagilap kung sino nga ba ito. "Ian. Ako to si Ian. Natatandaan mo pa ba?" Pagpapakilala nito sa kaniya. Nagkatinginan sila ni Janice, nandoon pa din ang tingin niyang nagtatanong. "Classmate mo n'ong elementary, nakalimutan mo na ba? Si Ian, Ian; galisin." Tumawa pa ito. "Baka nakalimutan ka na ng kaibigan ko. Sorry ha. May pagkakalimutin kasi 'to eh," sabat ni Janice. Tama nga si Janice, hindi ganoon ka-klaro ang memories nito sa isip niya kung tunay ngang magkakilala sila. Atsaka elementary days pa iyon, ilang dekada na ang lumipas, aniya pa. "Ang ganda mo pa rin, Yvonne. Hindi nagbago." Liningon niya ito nang magpaalam si Janice dito. "Salamat. Huwag kang mag-alala, baka maalala rin kita," nakangiti niyang sambit dito. Wala naman siyang amnesia, ang hindi niya lang maintindihan ay hindi ganoon kalawak ang memorya niya sa ilang bagay na lumipas na— lalo na ang ilang dekada. Mabuti na lang at hindi naman ito naghabol sa kanilang dalawa ni Janice, hindi lang magugustuhan ng kaibigan niya kung sakaling nangulit pa ito. GABI na ng umuwi si Leonardo, dumiretso siya sa bahay ni Yvonne. Hindi na siya tumawag dito dahil plano niyang i-surprise ang fiance niya. Lihim siyang nagpasalamat at hinayaan siyang umuwi ni Liezel. Nagkita na naman silang dalawa sa bahay bakasyunan nito sa Tagaytay at ang paalam niya kay Yvonne ay trabaho. Hindi naman nagtatanong si Yvonne sa kaniya tungkol sa mga bagay o lakad niya; buo ang tiwala sa kaniya ni Yvonne. Tahimik ang buong paligid nang pumasok siya sa kabahayan. Bukas naman ang ilaw sa sala nito hanggang sa kusina. Nagtaas siya ng tingin sa taas sa silid ni Yvonne, nandito na ang kotse nitong pinahiram niya kay Janice kaya sa hula niya ay nasa silid lang ito. Naka-lock naman ang bahay nito kaya hindi siya nag-aalala. 'Makakalimutin talaga,' natatawang bulong ni Leonardo sa sarili. Mabilis ang naging hakbang niya papunta sa taas dala ang tatlong kumpon ng pulang rosas na surpresa niya para dito. Pinihit niya ang seradura, bukas ito. Kaba ang sumalubong sa puso niya nang hindi matanaw sa buong paligid ng silid si Yvonne. "Hun? Yvonne.. Yvonne." Tawag ni Leonardo sa pangalan ni Yvonne. Napansin niya ang pinto ng banyo sa sariling silid nito— nagmadali siyang maglakad hanggang sa makapasok sa loob para tingnan kung nandoon si Yvonne dahil sa narinig na lagaslas ng tubig. Iyon na lamang ang gulat na naramdaman ni Leonardo nang makita si Yvonne. Hubo't hubad na nakaupo, nakasandal sa dingding, basang-basa ang buong katawan dahil sa shower na nakatutok dito at ang pinagtataka niya ang namumugtong mga mata ni Yvonne na halatang galing sa matagal na pag-iyak. "Yvonne..." Mabilis ang siyang naging kilos ni Leonardo, para lapitan ito. Pinatay niya ang shower at mahigpit itong niyakap ang wala pa ring emosyong mapapangasawa niya. "Hun, I'm here. I'm here, Hun. Yvonne, I'm here..." paulit-ulit niyang bulong sa punong tenga nito kasunod ang ilang pinong halik sa basang buhok ni Yvonne. Bigla niyang naramdaman ang pagyugyog ng balikat nito kasunod ang malakas na hagulhol na pinawalan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD