The Scandal | Chapter 9

1031 Words
"NAKATULOG na siya," sambit ni Leonardo kay Liezel sa kabilang linya. Tinawagan niya agad ito nang malagay ng maayos sa higaan si Yvonne. "Hindi ko alam kung ano ang nagyayari kay Yvonne, Liezel. " "Hindi ka pa nasanay kay Yvonne? E, simula sapol nang makilala mo iyan.. maluwag na talaga ang turnilyo iyan!" natatawang tugon nito sa kaniya. "Shut up, Liezel! Hindi ka nakakatulong!" galit niyang sambit dito. "Ano ba gusto mong tulong ang ibigay ko? Ang paligayahin ka habang nagkaka-episode iyang babae mo?" anito. "Stop this! It's nonsense! Tinawagan kita dahil gusto kong huminga.. pero mas lalo mo akong dinidiin! Nakaka-stress ka!" nakakainis niyang sambit dito. Alam niya naman na hindi makakatulong sa kaniya si Liezel at masisiyahan pa ito sa binalita niya rito tungkol kay Yvonne. Walang paalam niyang pinindot ang end button ng cellphone niya at tinuon ang buong pansin kay Yvonne. Binihisan niya ito ng pampatulog pagkatapos nitong kumalma kanina. Wala man lang itong nabanggit sa kaniya kung ano ang naging dahilan kung bakit na lamang niya itong madatnan sa ganoong ayos. Lumapit siya sa gawi ni Yvonne,hinawakan ang pisngi nito at hinihimas-himas ang buhok nito. "I don't know what's happening, Yvonne. I don't want to hurt you, Hun." Malalim ang naging hugot ng buntong hininga niya at binaling ang tingin sa labas ng silid nito. Sa isip ni Leonardo sumariwa sa kaniya kung paano nakilala si Yvonne. 7 YEARS AGO. TAHIMIK na naglalakad si Leonardo sa isang pasilyo sa fine arts department sa university kung saan siya nag-aaral nang may marinig siyang malakas na hagulhol mula sa isang cubicle nang pambabae. Hindi siya pweding magkamali at iyak ang naririnig niya. Tumingin-tingin siya sa paligid para sana makisuyong tingnan ang nangyayari sa loob. Pero wala man lang napansin si Leonardo at parang wala ring tao sa loob. Naglakas loob siyang tingnan kung ano nga ba ang nangyayari o kung ano ang maitutulong niya sa tao sa loob. Doon niya nakita ang babae, nakaupo ito sa tabi ng lababo, nakasubsob ang ulo sa sariling tuhod nito at tama ang hinala niyang umiiyak ito. "Miss.. Miss? Miss, are you okay? I'm sorry! Pumasok na ako dahil narinig ko ang iyak mo." Hindi man lang ito nag-abalang magtaas ng tingin sa kaniya. Umupo ng paluhod si Leonardo nang humikbi ito. "Miss— Miss. Are you alright? Can I help you? Here..." Inabot niya ang dalang panyo niya rito. Nagtaas ito ng tingin, sumalubong sa kaniya ang mugtong mga mata nito. "N-narinig kong may umiiyak, kaya sumilip ako kung ano ang maitutulong ko." Wala man lang siyang nakitang emosyon sa mga mata nito. Umiwas ito ng tingin sa kaniya, tumayo at naging mabilis ang kilos palabas ng lugar na iyon. Ni hindi man lang ito nagpasalamat sa kaniya pagkatapos niyang magmagandang loob dito. Dala-dala pa ang panyong inalok niya. "Ano problema n'on?" tanong niya sa sarili niya. Nag-alala lang siya dito. Nagpasyang lumabas ng lugar na iyon si Leonardo, baka mapag-isipan pa siya ng mali kapag may makakita sa kaniya r'on. "HUN..." tawag ni Yvonne sa pangalan niya ang nagbalik ng ala-ala niya sa kasalukuyan. Gising na pala si Yvonne. "Ano nangyari? Ang sakit ng ulo ko..." daing nito sa kaniya. Bumangon ito at sinandal ang likod sa headboard ng kama nito. "Ikaw ang gusto kong tanungin kung ano ang nangyari sa iyo, Yvonne. Naabutan kitang basang-basa at mukhang galing sa matagal na pag-iyak!" sagot niya rito. Hinawakan niya ang kamay nitong nakapatong sa tuhod nito. Sinalubong niya ang tingin nitong puno ng pagtatanong sa kaniya. "May naalala ka ba?" tanong niya. "W-wala. Hindi ko alam kung ano iyong mayroon.. I'm sorry! Nag-alala ka ba?" ani sa kaniya ni Yvonne. Hindi naman siya nagtataka kung ito ang madalas na sinasagot sa kaniya ni Yvonne kapag nararanasan nito ang mga bagay na iyon. "May gusto ka bang kainin? Gusto mo bang uminom ng gamot?" muling tanong niya. "Wala, Hun. Salamat. Hindi ba may pasok ka? Bakit ka nandito?" tanong nito. "I'm planning to surprise you. But I'm sorry, kasi nabasa iyong bulaklak kanina." Sinundan nito ng tingin ang vase na nilagay niya sa kanang table nito. "Para saan? May kasalanan ka ba?" anito. Napangiti siya sa tanong ni Yvonne sa kaniya, matagal na siyang may kasalanan dito iyon ang tumatakbo sa isip niya. "W-wala! Gusto ko lang bumawi sa lahat ng absences ko sa iyo." "Hindi mo naman kailangan gawin iyon. Naiintindihan ko naman, Leo. Work matters right?" Tumango-tango siya ng pilit. Iniwas niya ang tingin dito nang tumayo siya para kunin ang tatlong kumpon ng pulang rosas para ibigay kay Yvonne. "I hope you like it." Nakangiting tinanggap ito ni Yvonne at dinala sa ilong niya. "Wala naman akong hindi nagustuhan na galing sa iyo eh. I love it, Hun. Thank you." Yumuko siya rito at pinong pinagkalooban niya ng halik ang nuo nito. "Huwag mo na ulit pakakabahin ha. Alam mo naman kung paano ako tawagan kapag may nararamdaman ka 'di ba? Anytime naman, Hun e. Pupuntahan agad kita 'di ba?" may pag-aalalang sambit niya rito. Napasinghap ito. Hinawakan ang palad nito at pinagdaup palad ito. Umupo paharap sa kaniya si Leonardo. "Huwag ka nang mag-alala sa akin. Okay lang naman ako eh. Okay na ako 'di ba? Nag break down lang ako, iyon lang iyon!" "Huwag mong i-lang, lang iyon... Alam mong makakasama sa iyon 'di ba?" Ngumiti sa kaniya si Yvonne. Nagbaba ito ng tingin sa kamay nilang magkahawak. "Hun..." "Bakit, Yvonne?" "Can I ask you thing?" "Ano iyon? Tungkol saan?" Pinatong nito ang kamay nito sa taas ng kamay nilang magkahawak. "Kaya... Kaya mo ba akong lokohin, Hun?" Nagulat siya sa direktang tanong ni Yvonne sa harap niya? Pinaglipat-lipat pa nito ang tingin sa mga mata niya. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon mula sa babaeng iniingatan niyang may malaman mula sa nangyayari sa kanila ni Liezel. "Hindi mo ba naman kaya lokohin 'di ba? Hindi mo iyon magagawa sa akin 'di ba? I knew it!" nakangiting sambit nito sa harap niya. He protect Yvonne mental health at all cost. Hindi niya hahayaang masaktan ito kahit na sa anong aspeto, lalo na't siya ang magiging dahilan. Gumanti siya ng yakap dito nang bigla siyang yakapin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD