Kabanata 31

1701 Words

“Hija si Brayden ‘yan hindi si Brandon. Pero teyka, paano mo nakilala ang panganay kong apo?” Biglang naitulak ni Jenny si Brayden nang marinig niya ang sinabi ni Lola Flora. Pinamulahan siya ng mukha at mabilis umatras ang emosyon niya kaya hindi na natuloy ang luhang nagbabadya pa sanang lumandas. “Sorry po, Sir.” Yumuko siya kay Brayden. “Cima?” tawag ni lola Flora sa katulong. “Bigyan mo ng panyolito si Jenny.” Dali-daling sinunod ni Cima ang inutos ng amo. Tas inakay nito ang dalaga patungo sa Veranda at naupo sila doon. Nag-angat ng tingin ang dalaga, mabuti at hindi na niya nakita si Brayden. Nakakahiya talaga ‘yong ginawa niya. “Hija hindi mo pa nasasagot ang tanong ko sa iyo. Kilala mo pala si Brandon?” “Ahmm… opo. Siya po ang amo ko sa Maynila.” Nahihiya niyang sag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD