Malaki ang ngisi ni Brayden matapos siyang manalo sa pustahan ng limang tauhan. Nag-aalangan ang mga mukha ng mga ito dahil hindi rin biro ang 2,000 makakabili ka na ng isang sakong bigas lalo na dito sa probinsya mura lang ang bilihin. “Talaga bang hindi kayo nagagandahan kay Jen?” hindi makapaniwala ang driver niya. Hinablot ni Brayden ang pera sa kamay nito. “Gano’n mukha ba talaga ang definition n’yo sa maganda?” salubong pa ang kilay ng binata. Nagkatinginan ang mga tauhan gusto man nilang magduda ngunit wala talaga sa guwapong mukha ni Brayden ang salitang paghanga para kay Jenny. “Hindi kayo patas lumaban Señorito alam namin nagkukunwari lang kayo. Hindi n’yo lang maamin na talagang tinamaan rin kayo kay Jen katulad ni boss Brandon.” Singit ni Mang Kador ang tagapamahala naman