ANDREA PALINGA-LINGA ako nang lumabas ng silid ni Ezi. Walang katao-tao dahil nasa pool sila. Mabuti iyon para walang makakita sa akin. Pero natigilan ako nang maalalang wala akong sasakyang dala. Hindi rin ako makakapagpasundo kay Ilo dahil nasa Quezon siya. Hindi pa man ako nakakababa ng hagdan nang marinig ang pagtawag ng isang pamilyar na boses. “Andrea!” “Oh, fvck!” anas kong ako lang ang nakakarinig. Anong ginagawa ni Asia dito? “Uuwi ka na?” tanong ni Lexxie nang tumingin sa maleta ko. Nasa likuran niya si Ate Laura na nakaawang din ang labi. “May nangyari ba?” Si Ate Laura. “W-wala naman. Nabo-bored na kasi ako,” palusot ko na lang. “Ows?” ani ulit ni Ate Laura na ikinaikot ng mata ko. “Let’s go sa labas, bilis!” masayang yaya sa akin ni Asia. “Pero uuwi na ako.” “Hind