Chapter 16: Unexpected Visitor

2435 Words

ARAW ng Biyernes noon nang sunduin ako ni Ilo. Maaga pa sa alas kuwatro niya ako sinundo, 1pm nasa opisina ko na siya. Napilitan tuloy akong magmadali sa mga ginagawa ko. Ang iba naman p'wedeng sa Lunes na kaya bandang 3pm kami umalis. Binilin ko na lang kay Norrine ang mga pending ko at kapag may tumawag gaya ni Ezi ay huwag sabihin kung naasaan ako. Deserved ko ang magpahinga dahil sa nangyari nitong nagdaan. Pilit na winawksi ko sa isipan ko ang nakita. Bothered ako dahil katabi lang yata ng unit ko ang salarin. "Hey, you okay?" Bumaling ako kay Ilo na nasa driver seat. Nakahinto ang sasakyan noon dahil nasa tollgate na kami noon, sa SLEX. "Yeah. Kung alam mo lang na masaya ako dahil makakatakas sandali sa tinatakasan ko." Kumunot ang noo niya. "Tinatakasan? Stress ka? Sa work?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD