Pakiramdam ko tinakasan ako ng dugo sa buong katawan. His stares were firm and intense. Hindi ko nabilang kung ilang beses akong napalunok. Nanuyo ang aking lalamunan. "P... Paano ka napunta rito?" Nagkandabulol ako. Ngumiti siya nang mapakla. He threw a question instead of answering me. "Bakit mo ako iniiwasan?" "H...Hindi kita iniiwasan." "So, ano ang tawag mo sa ganito? Pinagtataguan?" sarkastiko niyang tugon. Umarko ang mga linya sa kanyang sentido. Bumigat ang kanyang paghinga. Umiwas ako ng tingin at umatras ngunit hinila niya ako papasok. He locked the door behind me. Isinandal niya ako sa likod ng pinto. "You should have told me you wanted a vacation." I lowered my gaze but he lifted my chin by his finger. Hinuli niya ang aking titig. "Mind you, hindi ka man lang nagpaalam