TAMA BA ITONG GINAGAWA KO? Ilang minuto na akong nakatayo sa harap ng unit ni Asul pero hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung ano ang unang sasabihin ko sa kanya. Magugulat kaya siya? Yayakapin niya kaya ako? Nami-miss niya rin kaya ako? Kasi ako sobrang miss na miss ko na siya. Labindalawang beses na yata akong lumunok para pindutin ang doorbell pero hindi ko magawa. I was holding a note with his address na ibinigay ni Ma'am Charo. Hindi ko na ikinuwento na alam ko 'yung address ng boss ko, baka kasi ikuwento niya sa TV. Hindi ako makapaniwalang pagkatapos ng apat na taon ay babalik ako sa kung saan kami nagsimula ni Asul. Magiging amo ko na ulit siya, at magiging katulong niya ako. Bumalik sa isip ko 'yung mga alaala namin noon. Nakatatawang isipin na ang b
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books