"YOU MAY START TOMORROW." "Talaga ho, Ma'am?" "Yes, of course. Dalhin mo na rin ang ibang employment requirements mo bukas." "Yes, Ma'am. Wala pong problema. Salamat po talaga!" Ngumiti ako sa bagong hired kong assistant. Mukhang okay na rin palang naisipan ito ni Ulises. Hindi naman masyadong mabigat ang trabaho, mostly ay mga clerical works lang na kayang-kaya ko naman, iyon nga lang kailangan kong maghabol ng oras parati para matapos ang mga deadlines. "Alright, congratulations, Jean! And welcome to the team!" I stood up and embraced her. Napakaganda niya talaga, at kapangalan niya 'yung paborito kong manunulat sa w*****d, si Jean. Una kita ko pa lang sa kanya ay hindi ko alam kung bakit parang napapanatag ako. At hindi nga ako nagkamali no'ng tinawagan ko siya for interview. She'