"HAPPY BIRTHDAY, ANAK." "Salamat po, Tay." "Walang anuman, anak. Mabuti naman at dinalaw n'yo ulit ako rito." "Ito kasing anak mo nagyaya kasi birthday niya. Ayaw niyang maghanda kami sa bahay. Mas gusto niyang makita ka," sabat ni nanay. "Totoo ba 'yon, anak?" baling sa akin ni tatay. "Oo naman, Tay. Tsaka aanhin ko naman ang handa kung hindi naman tayo kumpleto, 'di ba?" sagot ko kay tatay. Magkaharap kaming tatlo dito sa visitor's area. Nakita ko ang bahagyang pagtubig ng kanyang mga mata. Alam kong tuwang-tuwa siya na dinalaw namin siya nanay kahit hindi niya aminin. At kahit nalipasan na ng panahon ang kanyang buhok na ngayon nagiging puti na, naaaninag pa rin ang ang kagandahang lalaki ni tatay. "Naku, matanda na ako, anak, kaya huwag mo na akong isipin, dapat mag-enjoy ka lan