Masaya at nakakakilig ang karanasan ni Julian sa kanyang unang pag-ibig. Nakikilala niya si Brenda noong nasa huling antas na siya sa sekondarya. Hapon noon at pauwi na siya galing sa paaralan. Makulimlim ang kalangitan at nagbabadya ang malakas na pag-ulan. Nagmamadaling ang kanyang mga yabag patungo sa parking lot. Nakagawian na ng kanilang family driver na doon siya hintayin.
"Uulan na!" sigawan ng mga kapwa estudyante na kagaya niyang nagmamadali ang mga hakbang.
Nagpalinga-linga siya sa paligid, hinahanap ng kanyang mga mata ang pamilyar nilang sasakyan. Malakas na umihip ang malamig na hangin, sinundan iyon ng malakas na pagkulog at pagbagsak ng malalaking patak ng ulan. Makikita ang labis na gulat na nakabalatay sa kanyang mukha nang matalim na kumidlat, wala sa sariling tinakpan niya ng kamay ang dalawang tainga.
"Senyorito Julian, dito ho." kaway ng driver sa kanya na may tatlong sasakyan ang nakapagitan.
Tinanggal niya ang pagkakatakip ng mga kamay sa dalawang tainga bago humakbang palapit sa naghihintay na sasakyan. Nasa huling sasakyan na siya nang mabilis siyang matigilan. Nakarinig siya sa gilid nito ng mahinang kaluskos, na sinundan ng takot na takot na mga hikbi. Nilingon niya ang bahaging pinagmumulan noon at nakita niya ang isang babae na naka uniform ng kaparehong school.
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong nito na hindi pinansin ng dalagita. "Bakit ka umiiyak?"
Nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang magkabilang tainga. Mariing nakapikit habang namamalisbis ang kanyang mga luha. Nanginginig rin ang kanyang katawan sa labis na takot.
"Maysakit ka ba?"
Nang makitang hindi siya naririnig nito ay kusa na siyang lumapit. Dahan-dahan niyang hinawakan ng isang kamay ang balikat nito.
"Takot ka ba sa kulog?"
Unti-unti niyang idinilat ang luhaang almond shape na mga mata. Nagtama ang kanilang paningin na dalawa, doon palang ay alam na ng binata na may kakaiba siyang nararamdan sa kaharap na dalagita.
"Huwag ka ng matakot." anitong naupo patingkayad sa kanyang harap, "Hindi ka naman nag-iisa sa parking lot na ito."
Nakangiti niyang tinanggal ang ilang hibla ng buhok nito na dumikit sa kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang umagos na mga luha. Nasulyapan niya ang suot na ID nito na may nakalagay na Junior sticker, ahead siya dito ng halos isang taon.
"Brenda, huwag ka ng matakot." pilit niyang ngiti habang hinuhuli ang malikot nitong mga mata na kung saan-saan tumitingin. "Ako si Julian senior na at pwede mo akong tawagin na Kuya Julian."
Matalim na kumidlat, sinundan iyon ng malakas na pagkulog. Walang anu-ano ay padamba siya nitong biglang niyakap nang mahigpit. Napanganga habang nanlalaki ang mga mata ni Julian sa labis na pagkagulat. Nang makabawi ay tinapik-tapik niya ito balikat.
"Takot ako, n-natatakot ako.."
Mula pagkabata ay walang naging matinong kaibigan si Julian, nagkakaroon siya ng mga pansamantalang kaibigan. Iyong tipong kaibigan niya ngayon, bukas ay hindi na siya agad kilala. Nasanay siya sa ganun klase ng kaibigan at unang beses na binigyan siya ng atensyon ng isang babae sa hindi inaasahang pagkakataon.
"Huwag ka ng matakot, hindi ka naman nag-iisa." patuloy na pag-alo sa kanya ni Julian, kapwa na sila nakaupo sa semento ng lugar.
"Senyorito, hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ng driver na hindi alam ang nangyayari sa kanila, natatakpan sila ng mga sasakyang nakapagitan.
"Sandali lang po, saglit lang."
Hinaplos-haplos niya nang marahan ang likod ng kasama.
"Tama na ang iyak Brenda, pawala na ang ulan." sambit nito sa mahinang tinig, "Mawawala na rin ang kulog at ang kidlat. Wala ka ng dapat na ipag-alala. Hindi ka naman masasaktan niyan, it just natures you know. Kung walang ulan paano tayo makakabuhay ng mga bulaklak, puno at mga halaman?"
Paulit-ulit na tumango ang dalagita sa kanya. Namumula ang ilong nito at bahagyang namamaga na ang talukap ng kanyang mga mata.
"Nasaan ang sundo mo? Ihahatid na kita." volunteer nitong tumayo na, nakakaramdam na siya ng labis na gutom.
"Wala pa akong s-sundo." tugon ng maliit at malambing nitong tinig.
Dumukot siya ng tissue sa bulsang gilid ng kanyang backpack. Walang pag-aatubili niyang ini-abot iyon sa kaharap. Sumisinghot at nahihiya naman itong tinanggap ng dalagita.
"Baka na traffic ang sundo mo, sa amin ka na sumabay. Sabihin mo lang ang address mo at ihahatid ka namin."
Napipilitan itong tumango na agad dinukot sa bulsa ng bag ang cellphone na pag-aari. Saglit siyang may itinipa doon bago tuluyang tumayo mula sa pagkakasalampak sa maduming sahig ng parking lot.
"Sumunod ka sa akin."
Naguguluhan ang mga mata ng driver na nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa. Sa loob ng kanyang mahabang serbisyo ay ngayon niya lang nakita na may ipinakilala siyang kaibigan, at isang babae pa iyon. Sa biyahe ay unti-unting tumila ang malakas na buhos ng ulan.
"Maraming salamat sa paghatid sa akin Julian!" nakangiting kaway nito pagkababa sa harapang gate ng kanilang tahanan. "Nice to meet you!"
Wala siya sa sariling ngumiti habang tinitingnan niya ang repleksyon nitong lumiliit na sa gilid na salamin ng kanilang sasakyan. Pasulyap-sulyap sa kanya ang nanunuksong mga mata ng driver. Hindi niya iyon pinansin, nagkunwari siyang hindi niya ito nakikita.
Kinabukasan ay inabangan siya ng dalagita sa harapang gate ng paaralan, may ibinigay itong lunchbox sa kanya na dalawang palapag.
"Ako ang gumawa niyan.." nahihiyang abot nito, "Sayang naman ang effort ko kung iyong tatanggihan Julian."
Nag-aalinlangan man at tinanggap niya na rin ng ito. Madalas na sa mansion siya kumakain o kung hindi naman ay sa labas ng paaralan. Naka-budget na iyon sa araw-araw niyang allowance sa pagpasok.
"Kung gusto mo rin ay pwede kang sumabay sa aking tambayan. Susunduin kita sa classroom niyo mamayang tanghalian."
Bago pa siya maka-apela ay pumasok na ito sa loob ng paaralan at hindi niya na nakita kung saan banda pumunta.
"Bagong tagahanga Julian?" tanong ng isa niyang kaklase na dumaan.
Madalas may nagbibigay sa kanya ng kung anu-anong pagkain, madalas niya rin itong tanggihan. Ang hindi niya maintindihan sa sarili ay kung bakit hindi niya mahindi-an si Brenda na bagong kakilala. Naging okupado ang kanyang isipan hanggang sa sumapit ang hinihintay niyang lunchtime. Iniisip niya na kung susunduin nga siya.
Bago tumunog ang bell ay sumungaw na sa pintuan ng kanilang classroom ang maliit na mukha ni Brenda. Masusing gumala ang kanyang mga mata hanggang sa makarating sa kanyang inuupuan. Malawak itong ngumiti, ipinasok pa sa pinto ang kanyang sarili.
"Halika na Julian." walang sabi-sabing saad niya, nabaling ang paningin ng mga kaklase sa binatilyo, nagtatanong ang mga mata.
"A-Aah, sige teka lang." tugon nitong binitbit ang lunchbox na bigay.
Pagkaalis nila ng classroom ay siyang tunog naman ng bell. Nagpulasan ang mga estudyante na kung saan-saan papunta.
"Pasalamat ka malaki ang share ni Lola sa paaralang ito, hindi magagalit ang teacher sa naging asal mo Brenda." hinaing ni Julian habang nakasunod sa dalagita na tinatahak ang likod ng school, "Wala ka man lang talagang excuse me po Ma'am, si Julian po?"
"Huwag ka ring mag-alala Julian, hindi magagalit si teacher." lingon ni Brenda sa kanya, "Malaki rin ang share ni Daddy sa school na 'to."
Natigilan si Julian sa tinuran nito, agad na napahiya. Ngunit agad ding nakabawi sa isa pang mali nitong kanyang naisipan.
"Kahit na Brenda, mag excuse ka pa rin sa kanila."
"Okay, sige." anitong tumigil sa paglalakad, "Sorry na."
Tumigil sila sa paahan ng isang malaking puno. May tree house sa itaas nito na yari sa mga bilog na kawayan. Ang bubong ay yari sa pinagtagpi-tagping dahon ng niyon. Nanlaki ang mga mata ng binatilyo, sa labis na paghanga sa tahanang ngayon lang nakita.
"Sinong nagpagawa nito Brenda?" tanong niyang nagsimula nang umakyat sa ginawang hagdan na yari pa rin sa kawayan.
"Si Mommy at Daddy, itong likod ng ating school ay pag-aari na naming mga Maximo kaya nakapagtayo sila nito." tugon nito habang nakasunod sa binatilyo, "Ito ang aking tambayan, ayoko sa magulo nating canteen."
"Pareho tayo." lingon niya sa dalagita.
Maliit ang tree house pero sapat na iyon para sa kanilang dalawa. Pasalampak silang naupo sa sahig nitong kawayan. Umihip ang mainit na hangin kasabay ng pagsayaw ng mga dahon ng puno.
Nakakalaway at nakakatakam na amoy ng beef steak ang sumalubong kay Julian nang buksan niya ang lunchbox. Kumislap-kislap ang kanyang mga mata sa labis na saya.
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo naman. Sino ang nagluto?"
"Oo, tinulungan ko si Yaya."
"Maraming salamat."
"Wala 'yon, you send me home kahapon kaya ipinagluto kita."
Malawak na ngumiti pa si Julian, nasisiyahan sa sinasabi ng kaharap. Sa mga oras na iyon ay kakaiba ang pintig ng kanyang puso, parang nagwawala ito sa labis na saya. Hindi niya tuloy maiwasan na maisip na ano kaya ang mangyayari sa kanila, kapag adult na sila. Malikot na imahinasyon na nauwi sa pag-iisip ng malayo pang kinabukasan.
"Brenda, I don't eat meat every weekdays." saad niya bago pa kung saan mapunta ang kanyang nasa imahinasyon.
Iyon ang patakaran ni Donya Juliana sa mansion. Tuwing weekend lang sila pwedeng kumain ng karne. Metikuloso ang matanda.
"Ha? Bakit? You don't like it?"
"I like it...but.."
"But?" tanong nito na naguguluhan.
"Rules iyon ni Lola sa mansion, for healthy living purposes."
"Oh, sorry." nagmamadali niyang binawi ang lunchbox at kinuha ang steak na nakalagay dito, pinalitan niya iyon ng salad na baunan niya. "You can eat that, salad lang iyan."
Mababakas sa mga mata ni Julian ang labis na pagkahiya. Gusto niyang bawiin ang sinabi at kainin nalang ang niluto nitong karne.
"Opposite ng schedule niyo sa amin." aniyang mahinang humagikhik, "Weekdays kami sa meat, then weekend kami sa vegetables."
"I am sorry--"
"It's okay Julian, rules iyon na kailangan nating sundin."
Ang pagkain nila ng sabay sa tree house na iyon ay nasundan pa nang nasundan. Halos hindi mapaghiwalay ang dalawa tuwing lunchtime. Paunti-unting napanatag ang kanilang mga sarili sa isa't-isa. Naging komportable ang bawat pagkain nila ng sabay sa hinandang lunchbox ni Brenda sa bawat araw. Sinasagot na ni Julian ang snack nilang dalawa sa hapon sa maingay na canteen.
Days turns into week, weeks turns into month. Four months na silang magkakilala na dalawa. Naging normal na tanawin ang pagpunta ni Brenda sa classroom ni Julian tuwing tanghali. Naging everyday routine rin nilang dalawa ang pagtambay sa tahimik na tree house. Ang paghatid niya nito sa tahanan ng dalagita is a bonus prize para sa paghahanda nito ng masarap niyang tanghalian araw-araw.
"Gusto kita, ayos lang ba?" ani Julian isang tanghali, magkatabi silang nakahiga sa sahig na kawayan ng tree house. "Hindi ko maipaliwanag kung paano nagsimula na magustuhan ka."
Ngumiti si Brenda habang titig na titig sa kanya. Hindi maipaliwanag ang kakaibang kislap ng kanyang mga mata.
"Wala namang magagawa si Mommy at Daddy kung gusto rin kita."
Nang araw na iyon ay nagkaroon ng relasyon ang dalawa. Hindi maipaliwanag ni Julian ang sayang bumabalot sa kanyang katawan. Walang naging balakid, hindi naging mahirap. Siguro dahil sa magkapareho sila ng antas sa buhay na dalawa. Mayaman.
"Hija, kapag nakatapos ka na ng kolehiyo pwede mo ng pakasalan ang aking apo." si Donya Juliana kay Brenda nang minsang pumasyal ito sa kanilang mansion, "Pwede na kayong bumuo ng pamilya."
"Sige po Lola, gusto ko sa garden niyo magpakasal."
Kapwa humagikhik ang dalawa na halatang magkasundo.
"Lola, hindi kami pwedeng magpakasal after niya ng college." si Julian na narinig ang matanda, "Kailangan pa naming mag travel na dalawa."
"Hijo, pwede naman kayong magtravel kahit na mag-asawa na."
"Iba pa rin po iyong magkasintahan palang kami."
Nag-iisang anak rin si Brenda kaya ganun rin kasabik ang kanyang magulang na makabuo ng sariling pamilya si Brenda.
"After ng graduation ni Brenda, magpakasal na kayo hijo." anang magulang nitong babae.
"Mommy, hindi pwede after one year pa kami magpapakasal."
Ang salitang kasal sa kanilang dalawa ay parang ulam na lulutuin lang. Planado na, sangkap nalang na silang dalawa ang kulang nito.
Sa pagtungtong ni Julian sa kolehiyo at pag-apak ni Brenda bilang senior student ay wala pa ring nagbago. Nagagawan nila ng paraan ang magkita kung may pagkakataon at libreng panahon. Tumibay pa ang pagmamahalan nilang dalawa sa pagpapalit ng ilang taon.
"Basta mahal mo ako at mahal kita, solve na ako doon Julian."
May monthsarry date dapat sila pero dahil sa thesis na malapit na ang pasahan kaya hindi ito makakapunta sa kanya.
"Salamat sa pang-unawa Brenda, mahal kita."
Ang tunay na pagmamahal ay tumatagal at hindi nalalagas tulad ng mga tuyong dahon ng puno sa tag-init na panahon.
Ang matibay na relasyon ni Julian at Brenda ay natibag pagsapit nila sa ika-apat na taon sa relasyon na kanilang pilit isinasalba. Nasa fourth year college si Julian at third year naman si Brenda. Ilang hakbang nalang patungo sa kasal na kanilang pinagplanuhan.
"Ano 'to Brenda?" sita sa kanya ni Julian.
Nasa mall siya kasama ang kanyang grupo upang mamili ng mga gagamitin sa presentation na kanilang gagawin para sa third grading period. Sa isa kainan doon at namataan niya si Brenda, may kasamang ibang lalaki na halos humalik na sa lapit ng mukha.
"Julian, saan ka pupunta?" si Lacim na isa sa mga grupo niya.
"Ano ang ibig sabihin nito Brenda?" sigaw niya na nakaistorbo na sa iba pang costumer na kumakain doon.
"J-Julian mag--"
Malakas niyang inundayan ng suntok ang lalaking nang-aasar ang mga tingin sa kanya. Dala ng labis na galit at selos kaya nagawa niya.
"Tama na dude, tama na!" yakap sa kanya ni Lacim, dinaluhan pa siya ni Mico na gulantang sa nangyari.
"Bakit ginawa mo sa akin 'to?! Bakit Brenda?" sigaw niya habang lumuluha ang mga mata.
"Anong nangyari?" ang naguguluhang si Froylan, "Nag CR lang ako mga dude, ah."
"Itong si Julian, nahuli si Brenda." si Mico.
Sa halip na presentation ang atupagin kinagabihan ay naglasing silang apat. Sinamahang languin ni Julian ang sarili sa alak.
"Apat na taon kami, apat na taon iyon!" suntok niya sa lamesa.
"Alam naming matagal na nga kayo, pero---ayon niloko ka pa rin." si Froylan na nakaka-inom na rin.
"Hingan mo siya ng paliwanag dude, baka naman hindi sila." si Mico.
"Anong hindi sila? N-Nakita ko silang halos maghalikan na!"
"Sakit talaga sa ulo ang mga babae, mga dude." si Lacim na may sariling problema na iniisip.
Kinabukasan ay naghintay si Julian sa tree house kahit masakit ang ulo. Hinintay niya ang babae na dumating kung saan sila nagsimula. Ngunit sa halip na magkaayos ay tuluyan nang pinutol ni Brenda, ang kung anong relasyon na mayroon silang dalawa. Kasabay iyon ng pagbagsak ng kanilang mga pangarap na magkasamang dalawa.
"Aalis na rin ako ng bansa, doon na ako titira."
"P-Paano tayo Brenda?" luhaang tanong ng binata.
"Julian wake up! Tinapos mo 'yon kahapon noong suntukin mo siya!"
"Bakit mas mahalaga na siya keysa sa akin?" tanong nito na patuloy na umiiyak, "Hindi mo na ba ako mahal?"
Namalisbis ang luha ni Brenda pababa sa kanyang mga mata. May choice siya na mag stay, pero sa hindi malamang dahilan. Nawalan na siya ng gana kay Julian at nabaling ang kanyang atensyon sa iba.
"M-Minahal kita Julian, minahal kita."
"Pero bakit mo ginagawa sa akin 'to? Bakit?"
"I am sorry Julian, I'm really sorry."
"Brenda..love let's fixed this mess...please?"
Walang lingon-likod siyang tinalikuran ng umiiyak na si Brenda. Dala ang pira-pirasong puso dahil sa pangangaliwang ginawa niya.
It changed Julian from good boy to a bad boy. Naging lasenggo siya at halos gabi-gabi ay kung nasaang bar, pakalat-kalat. Nakikipag flirt sa mga babaeng nakakausap hanggang sa umabot sa one night stand. Namuhay siya sa ganong paraan, iyon ang naging ganti niya. Pinabayaan niya ang kanyang sarili, bumagsak sa tres ang halos lahat ng kanyang grade sa University na kanyang pinapasukan.
"Apo kakauwi mo lang?" tanong ng matanda nang makita siya madaling araw ng umaga, "Amoy alak ka hijo."
"Birthday po ni Froylan, kaibigan ko."
Alibi niya na tunay at totoo. Nagpaalam pa sa matanda si Froylan upang imbitahan si Julian kasama ng ibang mga kaibigan.
"Aah, nagpaalam nga sa akin si Ycel at Froy." anang matanda, "Pero kumusta na ba kayo ni Brenda? Bakit hindi siya dito pumupunta?"
"B-Busy sa schoolworks Lola." pagsisinungaling niya habang nangingilid ang luha sa mata, "Matutulog na po ako."
Lingid sa kaalaman ng matanda ang hiwalayang naganap sa dalawa. Ganundin sa side ng magulang ni Brenda. Labis ang pagtataka ng mga ito nang sabihin nitong sa banyagang bansa na magtatapos. Ang buong akala ni Julian ay makakalusot pa siya, subalit may kaibigan siya na may lahing parrot. Sa katauhan ni Lacim. Sinabi niya sa matanda ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa. Walang kulang.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin apo?" pagkatapos ng graduation sa kolehiyo ay tanong niya dito, "Handa akong makinig."
"Ayos lang po ako Lola, huwag na po nating balikan pa."
Nagkaroon ng salu-salo sa kanilang mansion, imbitado lahat ng kanyang mga kaklase sa gabi ng pagtatapos niya sa kolehiyo.
"Pustahan sinasariwa niyan ang kanilang nakaraan." si Lacim na inaayos ang nagulong buhok, "Tumahimik e."
"Kahit na kailan panira ka," si Mico na hinampas siya ng diyaryo na nahagilap sa kanyang kalapit na lamesa.
"If Froylan we're here, buo pa rin sana ang ating grupo na JulCimCoFroy."
Samahang hindi ipapagpalit kaninuman, karanasan na hindi makakalimutan sa pagdaan ng mga taon at araw.
Pareho siyang tiningnan ng dalawa, mababanaag sa kanilang mga mata ang labis na pangungulila sa kanilang napahiwalay na barkada.