Chapter 39

2621 Words

Nang makarating sa lugar ay interesadong gumala ang mga mata ni Freya sa mga kumukutitap na ilaw. Nauna na ang kanilang mga kasama na pumasok sa loob. Sa labas ay napakatahimik na may mangilan-ngilang tao. Ngunit sa pagpasok nila sa loob ay halos mabasag na ang eardrums ng dalaga sa napakalakas na tugtog. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Mahigpit na hinawakan ang kamay ni Julian na patuloy siyang hinihila papasok sa madilim na loob ng nasabing bar. Malakas ang tawanan ng bawat grupo. Halos magsigawan na rin ang mga tao sa kanilang usapan. Nang idilat ng dalaga ang kanyang mga mata ay halos maubo siya sa kapal ng usok. Sa unahang bahagi ng bar ay maraming taong nakatayo. Ang iba ay may hawak pang baso ng alak habang sumasayaw. Mayroong mabagal na umiindak kahit na mabilis ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD