Chapter 38

2028 Words

Tahimik na bumaba ng sasakyan si Freya. Humahanga na naman ang kanyang mga mata sa ganda ng lugar. Inayos niya ang likuran ng kanyang damit na bahagyang nagusot. Abala pa rin ang mga mata nang tinanggap niya ang kamay ng kasintahan na nakalahad. Nasa mataas silang lugar. Sa harapan nila ay ang malaki at maliwanag na mini-restaurant bar. Yari sa kahoy ang labas nito na nakaharap sa malaking lawa. Ang mga lamesa at upuang nasa open space nito ay yari rin sa kahoy. Maingay ang mga costumer na patuloy na dumadagsa. Malakas nilang inaagaw ang atensyon ng mga abalang waiter at waitress. Agad na nauna sa loob ang kanilang mga kasama. Nagawa pa silang lingunin ni Brenda na hinihila ni Mico. May mga kainan rin na karatig ng naturang restaurant. Maingay ang kanilang music kasabay ng mga sigawan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD