Jane Tumakbo ako palabas ng classroom. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Damn you, Jamie. Damn you! Paulit-ulit ko siyang minura sa aking isipan. Takbo ako nang takbo. Hindi ko na pinansin ang mga nagtatakang tingin ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Wala na akong pakialam kung sino ang mabangga ko. Wala na akong paki sa lahat. Ansakit sa dibdib. Gusto kong manapak. Gusto kong manabunot para maibsan ang sakit na aking nadarama. Pumasok ako sa cr. May naabutan akong mga estudyanteng nag-aayos ng kanilang mga sarili. Napatingin silang lahat sa akin. "OUT!" Utos ko sa kanila. Isa-isa silang nagpulasan palabas dahil sa tindi ng galit na nasa boses ko. Ibinagsak ko ang pintuan ng malakas. Napasandal ako dito at nauupos na naupo hanggang sa sumayad na ang pang-upo ko sa