DK
JAMIE!!!
Napabalikwas ako ng bangon habang isinisigaw ang pangalan ng kaibigan ko. Napakalakas ng t***k ng aking dibdib. Ramdam ko pa rin ang mga nakatusok na mga basag na bagay sa buong katawan ko mula sa bangungot na pinanggalingan ko. Pati na rin ang pagkabingi ko sa napakalakas na pagsabog at putok ng mga baril ay parang umaalingawngaw pa rin sa aking mga tenga.
I'm so sorry, Jaime. So sorry na nadamay ka.
Oo, kasalanan ko kung bakit nangyari ang lahat ng iyon. Kung hindi ako pumayag na sumama sa kanya para magliwaliw siguro hindi mangyayari ang nangyari. Siguro nagtatawagan at nagtatawanan pa kami ngayon. Siguro wala ako dito at wala sya sa kinalalagyan nya ngayon. Hindi sya naghihirap at hindi ako binabagabag ng aking konsensya.
Tumulo ng sunud-sunod ang aking mga luha. Napakasakit ng aking dibdib.
Darn! Ikaw lang talaga ang nakakapagpaiyak sakin ng ganito, Jamie.
"AHHH!" Muli akong napasigaw. Mabuti na lang at sound proof ang pinagawa ng daddy ni Jamie na kwarto nito. Walang makaririnig kahit magsisisigaw ako sa gitna ng gabi.
Galit ako. Galit sa gumawa sa amin nito. Galit sa nangyari sa matalik kong kaibigan. Galit ako sa sarili ko. Ako ang may kasalanan. Kung hindi ako pumalpak sa huling misyon ko, hindi sana reresbak ang mga nabiktima sa misyon ko. At hindi sana nadamay si Jamie.
Flashback:
Nakatutok na ang baril sa target. Andito ako ngayon sa kuwartong inupahan ng Phoenix para sa misyon namin ngayong buwan. Halos ilang linggo din naming minamanan ang kilos ng lider ng sindikatong target namin. Dalawang milyong dolyar din ang kikitain ko dito kapag nagawa ko ang misyon. Oo, ako ang sniper ngayon. Isang sure shot lang ang kailangan ko at tapos na. Nakapwesto na rin ang limang kasamahan ko na siyang nagsisilbing look out. Nakahanda na rin ang sasakyang gagamitin para sa aming pagtakas.
Muli kong sinilip ang target. Masaya itong nakikipag-inuman sa mga kasamahan. Andun din ang nag-iisang tagapagmana ng lider ng sindikato. Kitang-kita ko ang pagmamalaki sa mga mata ng lider habang pasulyap-sulyap sya sa kanyang anak.
Kailangang gawin ko na. Gagamitin ko ang makukuha kong pera sa bakasyon grande namin ni Jamie. Balak nya na kasing umuwi ng Pilipinas at doon na ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral kaya bago sya makauwi kailangan muna naming magbonding. Hindi ako pwedeng mag-aral din sa Pilipinas dahil sa trabaho ko.
Muli kong sinilip ang target. Eto na... 3... 2... 1!
Kinalabit ko ang gatilyo ng mahabang baril. Ngunit laking gulat ko nang imbes na ulo ng target ko ang sumabog ay iba ang pinagkakaguluhan nila. s**t! Yung anak ang nabaril ko. Bigla itong tumayo sa tapat ng ama kaya ito ang tinamaan ng bala na para sana sa ama nito.
Napatingin sila sa pinanggalingan ng putok at alam kong kitang-kita nila akong nakatayo dahil sa aking pagkabigla. Sabay-sabay silang naglabas ng baril at bago pa nila naiputok ang mga iyon ay napaatras na ako patakbo sa pintuan upang lumabas.
Takbong ala-Flash ang ginawa ko. Dumaan na ko sa hagdan dahil ayokong makipagsapalaran sa elevator. Naabutan kong nakikipagputukan na ng baril ang mga kasama ko nang makababa ako sa ground floor. Nang makita nila ako ay isa-isa silang umatras papunta sakin. Nakipagputukan na rin ako ng baril. Isa sa mga kasamahan ko ang tinamaan at napahandusay. Babalikan ko pa sana pero hinila na ako ng dalawa kong kasama at isinakay sa kotseng naghihintay para sa aming pagtakas.
Isang linggo ang lumipas. Sinabon ako ni Dave kahit na aminado rin syang hindi ko gusto ang nangyari. Napag-alaman ko na ring pinaghahahanap na ako ng lider ng sindikato. Nalaman nilang ako ang bumaril dahil tinorture nila ang kasamahan naming naiwan nang matamaan ito ng baril. Pinatay din nila ito nang masabi nitong ako ang bumaril sa anak ng lider. Pinagbawalan akong lumabas ni Dave pero dahil namiss ko si Jamie ay nakipagkita ako sa kanya sa isang coffeeshop. Masaya pa siya nang ibalitang sinagot nya na ang kanyang ultimate crush sa kanyang pinapasukang school. Ayokong sirain ang saya nya kaya hindi ko na kwinento pa ang misyon kong pumalpak. Oo, alam niya kung ano ang ginagawa ko. Ang trabaho ko bilang assasin. Ganon nya na akong nakilala. At tanggap niya ako. Minadali ko na sya sa pagkain nang mapansin ko ang magkaparehang tatlong beses nang dumadaan-daan sa harapan ko. Sa sampung taon ko sa Phoenix, parte na ng trabaho ko ang maging keen observer sa paligid ko. Hindi na maganda ang pakiramdam ko kaya tumayo na ako para hilahin sya palabas. Ngunit kinailangan kong bumalik upang kunin ko ang susi ng aking kotse na naiwan ko sa pagmamadali. Pagtalikod ko ay bigla akong nakarinig ng pagsabog. Tumalsik ang katawan ko pahampas sa pader. Ramdam ko ang pagkakatusok sa katawan ko ng kung anong bagay dahil sa pagsabog. At kahit nanghihina ako mula sa tinamong mga sugat ng katawan ko, isinigaw ko ang pangalan niya. Nakaramdam ako ng pagdaloy ng dugo mula sa mga sugat ko. Namamanhid na ang katawan ko. Sumigaw ako ulit upang tawagin siya pero walang sumagot. Bigla akong nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril. Yumukyok ako sa kinalalagyan ko upang hindi tamaan. Muling umagos ang dugo sa aking katawan dahil sa ginawa kong pagpuwersa dito. Bago pa tumigil ang mga putok ng mga baril ay nawalan na ako ng ulirat.
Pagkagising ko ay nasa loob na ako ng isang puting silid. Masakit na masakit ang buong katawan ko. Andito ako sa bahay na pinatayo ko mula sa aking ipon. Si Jamie ang agad kong hinanap nang mapansin ko si Dave sa tabi ko. Ngumiti sya ng malungkot na labis na nagpakaba sa akin.
"Where is she?" pinilit kong magsalita kahit pakiramdam ko'y halos mapunit na ang lalamunan ko sa ginagawa ko.
"Is she...?" hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin. Tumulo na ang luha ko.
"She is still alive, Devin." napahugot ako ng malalim na hininga. Wait, did he just say STILL? Nagtatanong ang mga mata ko sa kanya.
"She's in coma."
Napapikit ako ng mariin. I wanted to shout in rage sa nalaman ko. Mas dumoble ang sakit ng mga sugat ko dahil sa emosyong lumukob sa akin. Pinilit kong gumalaw upang tumayo. Namilipit ako sa sakit dahil sa ginawa ko. Lumapit si Dave kasama ang doktor sa aming chapter at may itinurok sakin. Paglipas ng ilang segundo ay napapikit na ako sa antok na aking naramdaman.
Nang muli akong magising pagkatapos ng dalawang araw ay napag-alaman ko ang buong pangyayari. Jamie is in coma at ako'y wanted pa rin. Sinamantala ni Dave ang pagkakataon. Hindi kaya ng chapter na itago ako habambuhay at ayoko rin yon. Galit ang mga chapter leaders sa buong mundo dahil sa kapalpakan ko kaya walang maaasahang suporta sa kanila. Masakit man wala akong magagawa. Ganito talaga. Isakripisyo ang isa para di na madamay pa ang iba. Kaya naman nagplano ng panandaliang solusyon si Dave.
Nagpaopera ako. Hiniram namin ang mukha ni Jamie. At pati na rin buhay nya ay kailangan kong hiramin. Kung pwede lang kaming magpalit ng sitwasyon ni Jamie, sana mangyari na.
Halos isang taon na ang lumipas pero patuloy pa rin ang bangungot ko gabi-gabi.
Masakit. Mahirap. Pero kailangang sumunod sa agos ng buhay ni Jamie. Dahil ako na ngayon siya. Ako na ngayon si Jamie.