APRIL 1990. TOKYO, JAPAN.
Malalakas na hampas ang ginagawa ni Eleri mula sa loob ng pintuan. Bahagya pa siyang nahihilo mula sa red wine na nainom niya kani-kanina lang. Kasama niya kanina si George, kababata niya mula pa sa Cavite at hilaw niyang boyfriend. Kaya nasabi niyang hilaw ay dahil tila sila magkaibigan na lang nito, lalo na at may ilang taon silang nagkawalay. Nauna kasi ito sa kanya ng tatlong taon sa bansang iyon.
George invited her for a drink in a bar where he’s working. She thought that maybe George wanted to be more serious about their relationship, or maybe it’s better to separate ways. She couldn’t feel the sparks anymore after seeing him again two months ago.
Nabigla na lang siya kanina nang kunin siya ng limang kalalakihan habang sumisimsim ng wine sa labas ng silid na iyon at kausap ang lalaki. Kita niya na nagbigay ng pera kay George ang isa sa grupo bago siya hilahin at ipinasok sa pribadong silid.
She heard the sound of water splashing inside a shower room on her right side. Kasabay nito ang malakas na tugtog ng musika sa labas ng may kadiliman na silid na iyon. Pumapailanlang ang tunog ng It Must Have Been Love ng Roxette.
“Palabasin n’yo ako rito!” sigaw niya kasabay ng mabibigat na hampas sa pintuan.
Kumakabog ang kanyang dibdib sa maaaring kahinatnan ng sarili kung sakali na lumabas ang taong laman ng palikuran. Nagsisimula na siyang lumuha, ngunit agad din niya iyong pinunasan.
Kailangan niyang magpakatatag, tapangan ang sarili.
Lumilipad ang isip niya sa taong nasa loob ng silid. Isa sigurong Hapon ang laman nito na may malaking tiyan at may balahibo sa katawan. ‘Yong mukhang manyakis na mahihilig sa dalagang tulad niya.
“Punyeta ka, George!” sigaw niya kasunod ang pagsipa sa pinto.
Narinig niya ang paghinto ng tubig mula sa palikuran. Halos manginig ang kabuuan ng kanyang katawan nang dahil sa takot. Mabilis siyang nag-isip ng gagawin. Hindi siya makapapayag na may maganap sa kanya sa silid na iyon. Binuksan niya ang maliliit na drawer ng cabinet na nasa tabi ng malambot na kama.
“Nanishiteruno? Anatahadare?! (What are you doing? And who are you?!)” Dumagundong ang baritonong boses mula sa kanyang likuran. Halos mapasinghap siya nang dahil sa takot dahil halatang galit ang kung sino man na nagmamay-ari niyon. May awtoridad at hindi nagbibiro.
Nanginginig ang mga kamay na dinukot ang itim na suklay na laman ng drawer na huli niyang binuksan. Hinablot niya iyon kasabay nang pag-ikot ng katawan paharap dito. Itinutok niya rito ang bagay na iyon.
Ganoon na lang ang kanyang pagkabigla na iba ang tao na inaasahan niya na laman ng palikuran kanina. The man was wearing a clean and white robe. Basa pa ang buhok nito. Napalunok siya. Hindi nito ipinahalata na bahagyang natibag ang pader na inihanda nito nang mamukhaan rin siya sa kabila ng kakaunting liwanag na nagmumula sa bedside table. He was looking at her intently. Nakalinya ang labi. Hindi niya masabi kung galit ito o kung ano ang emosyon nito sa kasalukuyan. Katulad lang din sa tuwing magkikita sila ng lalaki sa bar na kanyang pinagtatrabahuhan.
Ibinaba nito ang tingin sa kanyang hawak na suklay. Sinundan niya ang tingin nito kaya niya nabitiwan ang bagay na itinutok sa lalaki na para bang napaso siya roon. Sa halip na takot ay pagkapahiya ang kanyang naramdaman. Namula ang kanyang pisngi.
He sighed.
Naglakad ito sa kabilang gawi at may kinuha sa cupboard. Naglabas ng bote ng redwine at dalawang kopita. Kasabay nito ang pagpalit ng musika sa labas ng silid. Pinalitan iyon ng kanta ni Janet Jackson na may titolong Escapade. The music outside was playful. Halos karamihan ay mga sikat na kanta nitong mga nagdaan buwan.
“What are you doing here?” he asked in English. Mas mababa na ang tono nito kumpara kanina.
“T-they sent me here,” nakayukong sagot niya.
Nagsalin ito ng alak sa dalawang kopita.
“Let’s celebrate!” wika nito, iniaabot sa kanya ang isang kopita
“W-why?”
“It’s my birthday. As you can see, I don’t have someone here.”
Kinuha niya ang kopita mula sa lalaki. Umupo naman ito sa silya ng coffee table na naroon sa dulong bahagi ng silid.
“We have a whole night to talk. You can sit here.” Itinuro nito ang silya sa tapat. “I'm sure they won't open the door until morning. Tell me your story instead.”
Pakiramdam ni Eleri ay may bumarang kung anong bagay sa kanyang lalamunan kaya hindi niya ito masagot. Nagsisimulang manuot sa kanya ang amoy ng lalaki at masyado nitong naiistorbo ang kanyang sistema. Hindi rin niya akalain na dadating siya sa puntong makakausap niya ito na ilang araw na niyang nakikita sa The Black Diamond Bar kung saan siya nagtatrabaho bilang singer.
Tumikhim siya bago umupo sa silya. Mas lalong nangangatog ang kanyang tuhod dahil may kakaibang enerhiya na ibinibigay sa kanya ang presensiya ng lalaki.
“W-well, I’m Elerianora, just call me Eleri. I’m t-twenty.” Halos magkanda-utal-utal siya sa pagbigkas lang ng mga salita. Nilagok niya nang isang inuman ang red wine na bigay nito. Baka kasi sakaling lumakas ang kanyang loob.
“I’m a Filipina. A-as you know, I w-work in The Black Diamond Bar as a jazz singer.”
“Don’t be scared.” Sinalinan muli nito ang kanyang kopita.
“Thank you! Oh! B-by the way, happy birthday!”
“Salamat!”
“M-marunong kang magtagalog?” nanlalaki ang mata na tanong niya.
Hindi ito sumagot at patuloy lang na nakatingin sa kanya.
Nagkibit ng balikat si Eleri. Siguro natutunan nito ang bagay na iyon sa mga Filipina na nakakasama nito. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na may mga babaeng iniuuwi ang mga hapon sa kanilang bar. Matibay lang ang kanyang dignidad at respeto sa sarili kaya hindi siya pumapayag na magpauto kahit pa sinasabi sa kanya na maaari siyang kumita ng mas malaking pera sa kanyang suweldo.
Para bang may dumaan na anghel sa kanilang pagitan. Wala nang nais pa na magsalita sa kanilang dalawa. Tanging ang mga musika lang sa labas ng silid na iyon ang kanilang naririnig. Eleri looked at the man across the table. Mabilis na kumakabog ang kanyang dibdib sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata.
God! Sana ay mag-umaga na! wika niya sa sarili.
Hindi niya alam kung dahil iyon sa wine kaya may kakaiba siyang nararamdam sa presensiya ng lalaki. Dumaan na ang ilang minuto at halos maubos na ang iniinom nilang dalawa.
“You’re beautiful.” Nilagok nito ang wine na hindi niya alam kung pang ilan na nito.
Eleri’s face flushed. Naisip na lang niya na gawa siguro iyon ng tila dugong inumin na kapwa nila inuubos ng lalaki kaya siya nito napuri.
“I— I will check the door.” There was something in his eyes that made her uncomfortable.
Tumayo si Eleri. Ganoon na lang ang kanyang bigla nang mabilis din itong nakatayo at harangan ng braso ang kanyang daan.
Tila mas malalasing pa yata siya sa amoy ng lalaki kaysa sa kanyang nainom.