Chapter Four

2164 Words
ILANG ARAW SIMULA nang naging wirdo si Ate Diana. The time when we were in the kitchen, eating then she tapped the table angrily. The truth is, dinamdam ko iyon and I don't know why. Kahit na sinasabi niyang hindi niya ako kilala, I could feel her old attitudes like she has not an amnesia. I was sitting in the sofa while carrying my two years old baby when I saw her walking down from the stairs. A seconds had passed, lumapit siya sa akin habang may kunot ang mga noo. "Kakapalan ko na ang mukha ko, Angelie!" She sat in front of me. "B-baka puwedeng mangutang sa iyo!" aniya saka tumungo. Ngumiti ako at inilagay si Angelica, my baby sa stroller na nasa harap ko lang saka siya sinagot. "Ano ka ba, Ate Diana? Puwede-puwede naman and you don't need to tell that shitty things. I don't care if you'd thick face, you're my sister, I couldn't say no at all!" nakangiti kong wika. "Magkano ba ang uutangin mo?" tanong ko. "Bente mil lang naman, Angelie." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi. I secretly cussed. She told that with the words 'lang naman'? Maliit na bagay lang sa kaniya ang ganoong kalaking pera? If yes, well, we're not same. I took a sigh and stood up. "Just wait here, kukunin ko lang iyong pera sa kuwarto!" "Sige..." Tumango siya kaya naglakad na ako. She has an amnesia to forget us? But her attitudes doesn't changed. Ganoon na ganoon. I might tell this to our mother. Pumasok ako sa kuwarto at ni-lock iyon. Imbis na pera ang unang kunin, I picked my phone on the bed then dial my mother's number. "Napatawag ka, Angelie?" "Mama, nakausap mo na ba si ate Diana?" tanong ko. "H-hindi pa. Baka naman busy iyon sa America. Hindi ba't may pamilya na siya roon? Bakit mo natanong?" I was shocked. "H-ho? Alam ko hong may pamilya na siya sa America pero bakit siya nandito? Actually, kasama ko pa po siya. She's with me, ma. Pero... pero hindi niya ako kilala!" Umupo ako sa kama at hinintay siyang sumagot. "Imposible naman iyan, anak. Baka hindi iyan kapatid mo. Paanong hindi ka makikilala, eh magkapatid kayo?" Exactly! Ayon ang tanong ko. We're siblings but she doesn't even know me. "Ma, pumunta ka rito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naguguluhan talaga ako." Bumuntong hininga ako. "Sige, pupunta ako riyan at aalamin ko ang lahat. Sa ngayon, huwag mo munang papaalisin iyang kapatid mo kahit na hindi kayo magkasundo noon. Sige na, ibababa ko na itong cellphone." Tumango lang ako saka pabagsak na humiga sa kama. Napatitig ako sa kisame. My mind was full of questions about her... about Ate Diana. Matagal akong nakatitig sa kisame nang maalala ang ipinunta ko rito. Tumayo ako at nagtungo sa vault naming mag-asawa at binuksan iyon. Kumuha ako ng perang kailangan ni Ate Diana at nang makuha, sinarado ko na ang vault at sinigurong naka-lock na saka lumabas na. "Huwag ka sanang magagalit sa tanong ko, Ate Diana. Saan mo gagamitin iyang kalaking pera?" Ipinatong ko sa harap niya ang pera at bumalik sa kinauupuan ko kanina. "Hindi ba't sinabi kong huwag mo na akong tawaging Ate Diana. Diana na lang dahil hindi naman tayo magkakilala. Nga pala, bakit mo ako pinatuloy kahit na hindi naman talaga tayo magkakilala? Ibig kong sabihin, may tiwala ba kayo sa akin?" Bumuga ako nang malalim na hininga saka siya sinagot. "Hindi mo nga ako kilala pero ikaw, kilang-kilala kita, at- Diana, I mean. Kilalang-kilala kita dahil ikaw ay kapatid ko! May tiwala ako sa iyo kahit na ibang trato mo sa akin noon. Hinding-hindi iyon magbabago!" lintaya ko saka ngumiti sa kaniya. "Sorry talaga kung hindi ko kayo kilala. Hayaan mo, kapag may pera na ako, aalis na ako dahil hindi naman ako bagay dito!" saad niya. "Nga pala, hindi mo pa nasasagot iyong tanong ko, a-ano pa lang gagawin mo sa perang iyan?" tanong ko saka nguso ng perang nakapatong pa rin sa harap niya. "Ah, ah." Kinuha niya iyon. "Huwag mo nang alamin pa, Angelie. Huwag kang mag-alala dahil babayaran ko rin ito." Ngumiti siya saka tumayo. "Mauuna muna ako sa kuwarto ko!" paalam niya saka tumalikod na. I shrugged while looking at her back. She annoys me. Ni hindi sinagot kung saan niya gagamitin iyong hiniram niyang pera. Sunod-sunod na lamang akong napa-iling saka binalingan ang anak ko. Ngumiti ako saka kinuha siya sa stroller. She's so cute. She has a combination with me and Anthony. She has a cute puppy eyes, her cute round cheeks. So cute, my only daugther was so cute as me. Hindi ko namalayan na nilalaro ko na pala siya. She plays with me. I laughed, she laughed. Her laughter was very cute, sounds tiny. And when she's tired, she rests on my shoulder. After a few seconds, I heard her yawning. Dahan-dahan akong tumayo habang hawak-hawak ang kaniyang likod saka naglakad na papunta sa aming kuwarto para roon magpahinga. Dahan-dahan ko siyang inilapag sa kama at doon na natulog. Tahimik akong umalis sa tabi niya at lumabas ng kuwarto. Hindi tulog manok si Angelica, she sleeps so long kaya hindi kami naaabala sa gabi. Napagdesisyunan ko munang pumunta ng garden para diligan ang mga halaman ko, nang makarating, kinuha ko agad ang hose saka diniligan ang mga orchids ko. Yep, I'm an orchids lovers. Ilang minutong tahimik na nagdidilig ay may biglang tumawag sa aking pangalan. Nang lingunin ko iyon, nakita ko ang isa naming kasambahay habang dala-dala ang telephone. "Ma'am, sorry po sa istorbo pero tumawag po iyong mga taga-guard house," sabi niya saka inabot sa akin ang telephone kaya naman kinuha ko. Hindi na ako nagtaka kung ano ang pakay nila. Sinabi kasi namin na once na may naghanap sa amin, kailangan munang nilang tumawag. Ganoon ka-secure ang village na ito. Si mama iyong nasa gate kaya sinabi kong papasukin na dahil magulang ko naman siya. Ibinalik ko na ang telephone sa maid na nasa tabi ko. "Tawagin mo si Mang Kael, sunduin niya iyong nanay ko sa gate!" utos ko. Tumango lang siya at umalis na. Ganoon din ang ginawa ko, pinatay ko na ang hose at bumalik sa loob ng bahay. As usual, natagpuan ko pa ring tulog si Angelica. --- NANG MAKITA NI Diana si Angelie na pumasok sa kanilang kuwarto ay lumabas na siya at mabilis na bumaba. Kailangan niyang umalis para ipadala kay Shanelle ang hiniram niyang pera sa kapatid. Nang makalabas, kaagad siyang tumungo sa garage. Sakto namang kakasakay lang ng driver sa sasakyan kaya kinatok niya ito. "Ano po iyon, Ma'am Diana?" tanong ng driver ng pamilyang Dela Vega. "Ihatid mo ako sa bayan!" aniya at walang sabing sumakay sa likod. Nakita niyang nakakunot ang noo nito. "Ma'am, puwede pong mamaya na kayo? Susunduin ko pa po kasi iyong nanay niyo sa labas. Utos po iyon ni Ma'am Angelie..." Natigilan siya sa sinabi nito. Kung sasakay siya ngayon at susunduin nito ang nanay niya, maaari siya nitong makita na iyon ang ayaw niyang mangyari. "Ako muna, ihatid mo lang ako sa labasan saka mo sunduin si mama- iyong nanay ni Angelie!" Pagkasabi niyang iyon, umayo siya ng upo pero nakatulala pa rin ang driver na nasa unahan niya. Gamit ang kamay, hinampas niya ang likurang upuan nito. "Narinig mo ba ako?" Uminit bigla ang ulo niya. "Baka gusto mong sabihin ko ito sa kapat- kay Angelie? Hindi mo ginagawa nang maayos ang trabaho mo!" sigaw niya rito saka inirapan dahil sa inis. "Ma'am, mas nauna po kasi iyon." Mahina ang boses nito at parang nahihiya pa. "Lagpasan mo muna siya, ihatid mo ako sa sakayan na lang!" sabi niya kaya wala na itong nagawa kundi sundin siya. Pinaharurot na nito ang sasakyan palabas ng garahe at habang nasa byahe sila palabas ng village, pasilip-silip ang matanda sa kaniya na hindi na lamang niya pinansin. Hanggang sa malapit na sila sa labas, doon ay kitang-kita ng dalawa niyang mga mata ang isang babaeng nakatayo sa gilid ng gate, ang nanay niya. "Lagpasan mo!" utos niya na sinunod naman nito. Tumingin siya sa likod at gulat na gulat ang dalawang guard na nag-aabang sa sundo ng nanay niya. Maluha-luha siyang humarap. "Itigil mo na riyan sa tabi, sunduin mo na iyong nanay ni Angelie!" sabi niya. Gusto niyang sabihin na nanay niya rin iyon pero hindi niya magawa. Sa isip-isip niya ay baka siya mabuko sa mga sikreto niya na nagpapanggap lamang siya. Itinigil nito ang sasakyan sa tabi kaya lumabas na siya. Pinakatitigan na niya muna ang nanay niyang malayo-layo na sa posisyon niya bago tuluyang naglakad patungo sa sakayan. Halos kalahating oras ang naging byahe ni Diana patungong bayan at ngayon ay nasa money remittance siya. Ang hiniram niyang pera sa kapatid ay ipapadala niya kay Shanelle para ipambayad sa renta niya. Sa totoo nga niyan ay hirap na hirap siya sa buhay niya sa Laguna. Ngayon ay nasa Manila na siya at nakatira sa kapatid. Matapos mapadala ang pera, lumabas na siya at kinuha ang cellphone sa kaniyang sling bag saka tinawagan si Shanelle. "Natanggap mo na ba?" tanong niya sa mahinahong boses. "Gaga, bakit sobrang laki nito?" "Ang ingay mo! Kung may matira man diyan, sa iyo na at wala akong pake!" Umirap siya. "Salamat talaga rito, Diana. Makakaasa ka na ibibigay ko ito sa landlady natin. Nga pala, kumu-" Nanlaki na lamang ang mga mata niya at naibaba niya ang cellphone na nasa tainga niya. Hindi siya puwedeng magkamali. Hindi puwedeng magkamali ang dalawa niyang mga mata. Sa hindi kalayuan, may namumukhaan siyang matanda. Ang matandang pinarausan siya, ang asawa nitong napatay pa yata niya. "Hoy, Diana, nandiyan ka pa ba?" "Mamaya na tayo mag-usap!" ayon ang huli niyang sinabi bago tumakbo patungo ng sakayan pabalik sa bahay nina Angelie. Hindi siya puwedeng makita ng matandang iyon dahil panigurado'y ipapahuli siya. Oo nga't nakagawa siya ng krimen, alam niyang kasalanan niya iyon pero hindi pa siya handa para makulong. Kabang-kaba ang dibdib niya ng mga oras na iyon... hindi niya alam ang gagawin niya. Pabaling-baling siya kung saan. Nababaliw na yata siya. "Manong, hindi pa ho ba aalis?" kinakabahang tanong niya. "Isang pasahero na lang, hija!" sagot sa kaniya ng driver. Wala siyang nagawa kundi ang humalukipkip sa tabi. Mayamaya pa ay may sumakay ng isang tao kaya umalis na ang jeep na sinasakyan niya. Salamat, sabi ng utak niya habang tuliro at wala sa huwisyong nakatingin sa labas. Katulad kanina, naging matagal ulit ang byahe niya. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago binuksan ang pinto ng bahay. Animo'y nag-slow motion ang lahat dahil sa nakita niya. Ang pag-inog ng kapaligiran niya ay bumagal. Nakatulala siya habang nakamasid sa dalawang nilalang na nakatingin sa kaniya. Ang nanay niya at si Angelie. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya na tila'y natutop niya ang kaniyang dila. Pero naisip niya ng pakay niya... Wala sa sariling naglakad siya na parang wala lang. Hahakbang na sana siya sa unang hakbang ng hagdan nang may magsalita. "Anak!" Dahan-dahan siyang bumaling sa mga ito at iyon, ang nanay niya ang nagsalita. Gusto niyo itong lapitan, gusto niyang yakapin pero hindi niya magawa. Kaya niya ngang magpanggap kay Angelie, sa nanay niya pa kaya. Nakakunot siyang itinuro ang sarili. "Ako po ba ang tinatawag niyo?" kunwari ay naguguluhan niyang tanong. Gusto niyang sumigaw ng 'nanay' pero hindi niya magawa. Nakain yata ng mga dila niya ang mga sinasabi niya noon. "Diana!" Tumakbo ang nanay niya patungo sa puwesto niya at walang pasabing niyakap siya. Mahigpit iyon at ramdam niya ang pagmamahal at pangungulila nito sa kaniya. Hindi siya yumakap pabalik, nakatuon lang ang atensyon niya kay Angelie. Dinadamdam niya ang yakap ng nanay niyang matagal na niyang hindi nakita. "Kumusta ka na, Diana? Kumusta na ang buhay mo?" Umalis ito sa pagkakayakap sa kaniya ay sunod-sunod siyang tinanong. Ngumiwi siya pero ang totoo'y gusto talaga niyang umiyak. "Pasensya na ho kayo at hindi ko po kayo kilala!" sagot niya rito. Ang sakit, ang sakit-sakit lang, anang isip niya. "Anak? A-ako ito, ang nanay mo. Anak naman, oh, huwag kang magbiro ng ganiyan. Pamilya tayo!" Hinaplos nito ang pisngi niya na lalong nagpasakit sa damdamin niya. Muli siyang ngumiwi. "Pasensya na po talaga at hindi ko talaga kayo kilala. Mauna na po ako sa kuwarto ko!" aniya saka tumalikod na. Saktong pagtalikod niya, bumuhos ang luha niya sa labis na pagmamahal sa sariling nanay pero kailangan niyang kontrolin ang sarili. "Anak, mahal na mahal kita!" anito na hindi na niya nagawa pang pansinin. Naglakad na siya papunta sa kuwarto niya at nang pagpasok, napahagulhol siya nang iyak. Mahal na mahal din kita, mama, sigaw ng isip niya bilang pagsang-ayon sa tugon ng mama niyang nangungulila sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD