Chapter Five

2207 Words
MALALIM ANG INIISIP ni Diana habang nakatingin sa kisame. Iniisip niya kung paano niya sisimulan ang pakay niya sa bahay ng Dela Vega. Nawala lang siya ng gana nitong mga nakaraang araw dahil sa pangyayaring hindi niya inaasahan. Iyong araw na magpunta ang mama niya na hindi niya naman pinansin dahil nga may binabalak siya. Hindi siya nakatulog ng panahong iyon sa sobrang pag-iisip sa mama niyang nangungulila para sa kaniya. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ni Diana bago tumayo mula sa ilang oras na paghiga sa kama. Itinuon niya ang atensyon niya sa orasan na nakapatong sa mini-cabinet. 11:45 PM na pala. Naiiling na lumabas siya ng kaniyang kuwarto. Mabuti't tahimik ang kapaligiran, patay lahat ng ilaw at ni isang ingay ay wala siyang naririnig na nagpasaya sa kaniya. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan at nagtungo ng kusina para kumuha ng beer sa ref. Nang makuha ang kailangan, lumabas siya sa bahay at umupo sa bench na nasa garden. Binuksan niya ang beer saka sinimulang ininom. Ilang segundo pa ang lumipas ay naiiling siyang kinuha ang cellphone at tinawagan doon ang kaibigan, si Shanelle. "Bakit ngayon ka lang tumawag? Medyo matagal-tagal na rin kasi tayong hindi nag-usap. Ano bang nangyari sa iyo, Diana?" Ang malakas na boses agad ang bumungad sa tainga niya kaya medyo nailayo niya iyon. "Kahit kailan talaga ang lakas-lakas ng boses mo! Salpakan ko iyan ng d***o, eh!" aniya saka pagak na tumawa. Nilagok niya ang beer hawak. "Sige nga, Diana. Hinahamon kita kahit na malaki pa iyan, kahit size ng amerikano, gora lang!" Tumawa ang kausap niya na nagpangiti sa kaniya. Kaya hindi niya maiwan-iwan ang gaga dahil kapag may problema siya, palagi siya nitong pinapatawa. "Seryoso na ako, Shanelle! Naiinis lang ako kasi pumunta rito iyong nanay ko noong isang araw!" wika niya na nagpasama ng kaniyang awra. Muli siyang uminom ng beer. "Ano namang nangyari? Nagsabi ka na ba ng totoo? Na nagpapanggap ka lang para agawin ang asawa ni Angelie na si... sino ba iyon?" "Anothony, gaga! Huwag kang maingay dahil baka may makarinig sa iyo! Pero hindi ko pinansin ang nanay ko. Tahimik lang ako pero alam mo iyong totoo? Gustong-gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Niyakap niya nga ako at naramdaman ko ang pangungulila niya sa akin. Mahal na mahal niya talaga ako... mahal na mahal ko rin naman siya pero ni hindi ko nagawang gantihan siya nang yakap!" lintaya niya at sunod-sunod na naglandas ang mga luha niya mula sa kaniyang mga mata. Inisang lagok niya ang halos kalahating laman ng can beer para alisin ang sakit na nararamdaman niya. "Eh, bakit mo kasi hiniwalayan iyong kano na nakarelasyon mo dati? Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat ng ito!" Bumuntong hininga siya saka malayo ang tingin sa harapan niya. Gusto niya talagang gantihan nang yakap ang nanay niya pero hindi niya magawa. Nagsisimula pa lang siya kaya dapat walang makaalam sa lihim niya. "Kung ikaw ang nasa posisyon ko nang nakarelasyon ang walang hiyang lalaking iyon ay baka pinagdasal mo na lang na mamatay ka na lang. Hindi biro ang pinagdaanan ko roon..." Pumikit siya at pilit na inaalala ang lahat. "Gabi-gabi niya akong pinaparausan, walang gabi ang hindi siya natigil sa paggalaw sa akin hanggang sa mabuntis ako isang araw, nalaglag din iyon nang dahil sa kagagawan niya, kahit buntis ako, ginagalaw niya pa rin ako. At nabalitaan ko na lang na hindi na pala ako puwedeng magbuntis. Ang sakit-sakit dahil wala akong anak at kahit kailan ay hindi na ako magkaka-anak pa. Hayop na lalaking iyon!" Pinunasan niya ang luhang umaagos sa mukha niya gamit ang palad saka muling nagsalita. "Hanggang sa tumakas ako sa America at umuwi rito. Wala na akong pag-asa kaya naman pumasok ako sa isang bar bilang dancer at prostitute. Kung sino-sino ang gumagalaw sa akin. Kung sino-sino ang pumapasok sa pagkatao ko. Alam kong madumi na ako hanggang sa nakilala ko si Lance, waiter siya roon sa bar. Naging kami pero akala ko'y mabait siya. Hayop din pala siya katulad ng kanong iyon!" Hindi maampat ang mga luha na lumalabas sa mga mata niya habang inaalala ang lahat-lahat. "Hanggang sa nakipaghiwalay ako at sinikreto sa pamilya ko ang nangyari sa akin. At ngayon, heto ako, bumalik para mang-agaw!" Humalakhak pa siya nang sabihin ang huling kataga. "Gaga ka talaga! Dinala mo ako sa sad story mo, Diana tapos tatawa ka lang pala. Tsk. Literal na baliw ka talaga!" parang naiinis na turan sa kaniya ng kaibigan. Bago sinagot, binuksan niya ang isa pang beer na nasa tabi niya at tinungga iyon ng ilang minuto lang saka ibinalik ang atensyon sa kausap. "Baliw talaga ako, baliw na baliw kay Anthony!" "Baliw ka talaga! Baka mamaya niyan ay bumaligtad ang utak mo! Pero, speaking of Anthony, asan na ba siya?" Akmang ibubuka na niya ang bibig niya nang may biglang tumamang ilaw sa mukha niya. Nang ibaba niya ang cellphone para tingnan, ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang sasakyan ni Anthony papasok sa garahe. Nakangising ibinalik niya ang cellphone sa tainga niya. "Speaking of him, kakarating lang niya!" Matalim ang mga tingin niya sa puwesto ng sasakyan ni Anthony. Lalong tumalim ang mga tingin niya ng bumaba ito sa sasakyan. "Ang sexy niya talaga, Shanelle!" mahinang turan niya. "Gaga! Sige na nga at inaantok na ako. Dapat kasi bukas ka na lang tumawag!" Hindi na siya umimik pa at pinatay na niya ang kaniyang cellphone. Nakatingin pa rin siya kay Anthony at mayamaya pa ay pumasok na ito sa loob ng bahay. Napabuntong hininga na lamang siya at tumayo na sa bench saka kinuha ang kalat at itinapon iyon sa malapit na trash bin. Hindi niya namalayan na nagkatama siya sa pag-inom lamang ng dalawang lata ng beer. Inaantok na ang mga mata niya at ang paglalakad niya ay wala ng direksyon na parang parehas kaliwa ang mga paa niya. Aakyat na sana siya sa hagdan nang gumuhit ang uhaw sa kaniyang lalamunan kaya bumalik siya at nagtungo sa kusina. Pumasok siya at mabilis na nagtungo sa ref at inilabas niya roon ang isang pitchel. Doon na rin siya uminom dahil alam naman niyang wala sa kaniyang nakakakita. "Ganiyan ka pala kasamlang, Diana?!" Nanlaki ang mga mata niya at muntikan pang maibuga ang nasa bibig nang marinig ang isang pamilyar na boses. Boses iyon ni Anthony. Ibinalik niya muna ang pitchel sa ref saka tingnan kung saan nanggaling ang boses niya. Sa dulo ng lamesa, naroroon si Anthony. May hawak na beer at nakatingin sa kaniya. "Wala kang paki!" Inirapan niya ito kapagkuwan ay tumalikod na para lumabas. Pero hindi pa man siya nakakahakbang papalabas, isang ideya ang namuo sa kaniyang ispan. Ganitong tagpo ang hinihintay niya. Ngumisi siya at dahan-dahang bumalik at naglakad patungo kay . "Bakit gabi ka nang umuwi? Hindi mo ba alam na naghihintay ang asawa mo? Pabaya kang asawa at ama!" aniya habang naglalakad. "Wala kang paki roon, Diana! Kapatid ka lang at ako ang asawa. Tiyahin ka lang pero ako ang ama! Better you shut your mouth bago may gawin pa ako sa iyo!" Tumungga ito ng beer. "Ano naman ang gagawin mo sa akin, Anthony?" tanong niya. Hinawakan niya ang ibabang damit saka kunwari ay itataas pero ibaba rin. Ganoon ang ginagawa niya habang dahan-dahang naglalakad patungo kay Anthony na ngayon ay nakangisi sa kaniya. Oo, kinukuha niya ang loob nito. "Are you trying to seduce me, Diana?" tanong nito sa kaniya. Imbis na sagutin, nagmadali siyang naglakad dito at hinawakan ang balikat nito pataas sa mukha. Wala na siyang pakialam kung anong sabihin nito. "Gusto kita, Anthony!" Bumaba ang kamay niya sa leeg nito, sa tiyan, at bigla na lamang niyang dinakma ang nagngangalit nitong ari. Nagulat si Anthony dahil sa ginawa niya kaya naitulak siya nito. Hindi naman siya natumba o ano man. Napa-atras lang siya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Diana? Mali ito! Maling-mali at kapag nalaman ito ni Angelie, baka mapatay ka niya!" Tumayo si Anthony sa harap niya. "Mali ito, Diana. Stop teasing or seducing me! I have a wife and it was your sibling..." Akmang aalis na ito nang magsalita siya. "Gusto kita, Anthony!" Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki saka muling bumaling sa kaniya. Tila'y naiinis na ito sa pinagsasasabi niya. "Pero hindi kita gusto kaya tumigil ka na sa kalokohan mo!" medyo pasigaw nitong sabi at tinalikuran na siya saka naglakad na. Hindi pa man ito nakakalayo sa posisyon niya, muli siyang nagsalita na alam niyang magpapatigil dito at magpapabago ng desisyon. "Gusto kita, Anthony at payag akong maging kabit mo! Kung hindi ka papayag sa gusto ko, sasabihin ko ang lahat kay Angelie na baliktad. Oo, Anthony, babaliktarin ko ang mga sinabi ko. Babaliktarin kita sa asawa mo!" mangiyak-ngiyak niyang bulalas na nagpatigil dito. Muli itong bumalik sa kinaroroonan niya at walang habas na hinawakan ang pisngi niya. Madiin ang pagkakahawak doon ni Anthony na medyo naka-angat pa ang ulo niya. "Subukan mo lang gawin iyan dahil baka mapatay kita!" nanggigigil na anas nito saka galit na binitawan ang pisngi niya. "Subukan mo rin ako, Anthony! Hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon! Mahal kita simula't sapol kaya aagawin kita sa kapatid ko. Magiging akin ka rin, Anthony!" Inirapan niya ito at tinalikuran na. Hahawakan na sana niya ang seradura nang magsalita ito. "So, panloloko lang ang lahat? Na hindi totoong hindi mo kami kilala? Pero ang totoo'y buhay na buhay ka pa sa totoo mong pagkatao!" Nakangisi niya itong hinarap. "Oo, hindi totoo ang lahat, Anthony! Hindi totoong hindi ko kayo kilala dahil kilalang-kilala ko kayo! Pero, totoo ang mga sinabi ko kanina! Totoong-totoo..." ayon ang huli niyang sabi bago siya tuluyang lumabas ng kusina. Siguro kung nakita niya ang eskpresyon ng mukha nito, panigurado'y gulat na gulat ito o hindi kaya'y nakatiim ang bagang. --- "SINO BANG BUMABAGABAG diyan sa isip mo, Angelie?" Wala sa sariling napatingin ako kay Sheena na nasa harapan ko. Nandito pala kami sa café niya. Umiling lang ako bilang pagsang-ayon dito. "Walang bumabagabag sa akin, Sheena. May iniisip lang ako!" sagot ko. "Ano naman iyon? You can share it to me then if I can help, I will help you and if I can't, sorry!" Napakamot ito ng sarili ulo. I just nodded at took my cup of coffee then sipped it. Ibinalik ko rin iyon sa lamesa para sagutin siya. "Medyo maguguluhan lang kasi ako. Parang sunod-sunod na ang problema ko, Sheena. Nito kasing isang araw, pumunta si mama sa bahay para kausapin si Ate Diana pero sabi niya di raw niya kilala si mama. Naguguluhan nga ako, paano siya nagkaroon ng amnesia? Ang tanong, may amnesia ba talaga siya? Tapos sumabay pa itong si Anthony, kanina balisa siya na hindi ko alam. Tinanong ko kung may sakit pero sagot niya wala naman daw. I don't know, Sheena. Gulong-gulo na ako!" sabi ko at bumuga ng hangin mula sa bibig. I need to take out this problems by breathing. "Speaking of your sister, nakita ko siya noong isang araw. She entered in money remittance. Magpapadala yata siya!" I shrugged. "Baka nga, nanghiram siya sa akin ng 20 thousand. Tinanong ko naman siya kung saan niya gagamitin, hindi naman niya ako sinagot. Ayos na iyon, basta't maipakita ko sa kaniya na kapatid ko pa rin siya after all!" sabi ko saka sumisim ng kape. "Don't you worry, lahat ng problema mo ay lilipas din. Maiwan na muna kita at may aasikasuhin lang ako sa counter!" Ngumiti siya sa akin kaya ayon din ang ginawa. Walang paalam na lumabas ako ng café nang maubos ang kape ko saka sumakay na sa aking sasakyan. I need to go back home dahil baka naiyak na si Angelica dahil wala ako. Halos kalahating oras ang naging takbo ko at sa wakas, nakauwi na rin ako. Ginarahe ko na muna ang aking sasakyan sa garage saka pumasok. Saktong pagpasok ko ay narinig ko ang iyak ni Angelica na buhat-buhat ni Manang Matilda. Nakangiti akong lumapit sa kanila at kinuha ang anak ko. "Nandito na si mommy, don't cry na, okay?" Inalo ko siya dahilan para tumigil ito sa pag-iyak. Ibinaba ko ang sling bag ko sa sofa. "Manang, pasunod na lang po niyan sa akin!" nakangiti kong turan sa matanda saka tumalikod na para umakyat sa kuwarto. Pag-apak pa lang ng isa kong paa sa ikalawang palapag, nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. "Ate Diana?" tawag ko nang makita siyang nakasilip sa awang ng pinto ng kuwarto namin ni Anthony. Kaagad siyang napatingin sa akin. "Nandiyan ka pala? Mauuna na ako!" Naglakad na siya papalayo at pumasok sa kuwarto niya. Naguguluhan akong naglakad papasok sa kuwarto namin at mula sa pinto ay kita ko ang hubad na katawan ni Anthony habang nasa ilalim ng shower. Dali-dali akong pumasok at sinaraduhan ang pinto. Ganito siya, ni hindi sinasaraduhan ang pinto habang naliligo, kailangan mo pang paalalahanin para gawin at kapag hindi... hindi talaga gagawin katulad na lang ngayon, na parang sinisilipan pa yata siya ni Ate Diana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD