Steve's POV "Sino siya Teban?" Tanong sa akin ni Manong Solomon habang nagpapahinga kami sa kubo. Mabuti na lang din ay dumating sila sa bahay kanina. Dahil kung hindi, baka kung saan na naman kami napunta ni Zylie. I can't seem to get my hands off her. "Boss ko nga po. Driver-bodyguard niya ako." Tipid na sagot ko. Kaibigan ni Tatay si Manong Solomon, ninong ko rin siya at ang matanda at ang pamilya nito ang tumitingin-tingin sa bahay habang wala ako. Magkasama silang dalawa ni Tatay na nagtatanim sa manggahan nina Matt. "Oh, anong nangyari sa negosyo ng lolo mo? Pinalugi mo?" "Luh, grabe ka sa akin, manong." "Nagtatanong lang naman ako. Bakit kailangan mong maging drayber niyang babaeng 'yan samantalang pwede mo na ngang bilhin ang Sta. Catalina, kayong tatlo nina Shaun kung gugustu