Zylie's POV "Ang gaga mo naman kase talaga! Ano ba sa tingin mo ang gagawin ni Rafa matapos mo siyang saktan ng ganoon? Magpa-party pa?" Malamang lalayasan ka talaga no'n!" Sigaw ni Steffi na nakapameywang pa sa harapan ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko rito. Heck, I don't even know kung paano ako nakauwi kagabe. The last thing I remembered was me passing out. I never pass out. Baka nastress lang ako ng todo noong araw na 'yon kaya hindi ko namalayang naparami na ako sa alak. Nag effort-effort pa ako tapos wala naman pala si Rafa sa apartment niya at dalawang araw nang hindi umuuwi. "He could've atleast let me know na wala siya sa Metro. Para naman hindi ako nagmukhang tanga kakahintay sa kanya." Pangangatwiran ko na lang. Oo na, inaamin ko naman talaga na kasalanan ko kung bakit