"Ba't hindi ka na lang muna umidlip diyan, kaysa ngawa ka nang ngawa?" gagad ni Daniel sa akin dahil nagrereklamo akong my way ang ipinatutugtog niya. Sa rami kasi ng kanta na puwedeng ipatugtog ay iyon pa talaga! "Paano ako iidlip kung maingay rito sa kotse mo, ha! Nagpapatugtog ka pa!" gagad ko rin sa kanya. "De, takpan mo iyang dalawang mala-rabbit mong tainga para hindi mo marinig!" turan naman niya sa akin. "Takpan? Tssk! Kahit tatakpan ko ang dalawang maganda kong tainga ay rinig na rinig ko pa rin iyang ipinatutugtog mo na akala mo ay may nililibing!" muling gagad ko pa sa kanya. "Palibhasa kasi ay wala kang hilig sa musika!" sawata niya sa akin. Actually, siya ang dahilan kaya kinahiligan Kong magpapatugtog ngayon. Dahil noon ay siya itong mahilig magpatugtog. Kaya, muli