CHAPTER 6

1064 Words
Para akong tanga na lutang habang nakatingin sa taong nasa harapan ng classroom namin. He was holding his whiteboard marker while walking back and forth in our class. Babalik lang siya sa whiteboard pag may isusulat na mahahalagang notes. He's so serious while discussing his lesson. Tuwing nagagawi ang mga asul niyang mata sa'king p'westo, para akong nakukuryente kahit sobrang layo niya sa upuan ko. Para akong naluluhod sa mga asul niyang mata! Pansin ko na kanina pa siya patingin-tingin sa p'westo ko. Sa pinakadulo ang upuan ko, katabi ng bintana ng room at sa gilid ko si Chelseah. "So, any questions for today's lesson?" his baritone voice is so serious and authoritative. I still can't believe that this tall, handsome and gorgeous man is our sub professor for our subject in accounting! Graduating pa lang siya, pero nakakaya na niyang gawin ang bagay na 'to. Halos isang linggo na rin siyang natuturo sa amin. I've heard that he was only accepting this, because of his Uncle and his class was in the afternoon. Pero, mahirap pa rin ang ginagawa niya. He's studying while being a sub professor! "None, Sir!" halos sabay-sabay na sagot ng mga classmates ko. He nodded his head before his eyes went to mine again. Nag-iwas ako ng tingin at nagkunyaring may tiningnan sa labas ng bintana. "Okay, then please bring one fourth sheet of paper," aniya. "we'll have our first quiz, covering the whole week of our lesson." Halos magulantang ako sa sinabi niya. First quiz?! Samantalang wala akong ibang ginawa kundi ang tingnan lang siya sa buong linggo na nagtuturo! I quickly grabbed my one fourth sheet of paper from my bag and put it on my desk. Halos batukan ko ang sarili dahil wala akong masagot unang questions pa lang! Geez! Mahina talaga ako sa accounting! I really hate Math! It's making me lose my sanity! Nakasulat sa whiteboard ang mga tanong. One to five lang ang questions na may problem and solving pero hirap na hirap akong sumagot. I bit my lower lip when some of my classmates started passing their papers. "Mauna na 'ko, Cel! Nasa tindahan na raw si Gus." napatingala ako kay Chelseah na nagmamadaling makita ang crush niya. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya. "Wait for me, please?" I gave her a puppy eyes para effective. Kinurot lang niya ang pisngi ko. "As much as I want to, but I'm doing this for my future, Celeste," ngiting sabi niya. "tapos ka na ba? Tapos na ako, eh." Humaba ang nguso ng labi ko dahil sa sinabi niya. Dalawa pa lang ang nasasagutan ko at hindi pa 'ko sigurado kung tama ang ginamit kong formula. "Ms. Bennett? Are you done?" may awtoridad na tanong ni Theo. Bumaling sa kanya ang kaibigan ko. "Yes, Sir!" "Then, pass your paper now." Chelseah just nodded her head before she turned to me. "Paano mauna na 'ko, ah? I saw Castro's waiting for you outside, Celeste." then she winked at me. "samahan mo siya." Napangiwi na lang ako nang iwanan talaga ako ng kaibigan ko. I looked around and I saw Castro outside our room, waiting for me. I pouted again. Castro is one of my suitors. He is kind, gentle and handsome. Gwapo na matangkad at moreno. Kaso hindi ko siya type, I mean wala pa akong balak na pumasok sa isang relasyon. For now, I just want to enjoy my teenage years and to make my Mom happy for me. I already rejected him together with Paul and AJ. Nakakapagtaka, dahil noong isang araw lang nangyari iyon, pero ito na naman siya. Nanunuyo ulit. Mas lalong humaba ang pagnguso ko nang mapansin ko na ako na lang ang mag-isang nagti-take ng quiz. Number 4 na ako! Ito na lang ang wala akong sagot kasi iba ang nakukuha kong sagot! "Are you done?" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa boses na 'yon. My heartbeat became fast! Para akong tumakbo ng 100 kilometers dahil sa lakas ng t***k ng puso. Mabilis akong tumango at hinulaan na lang ang sagot. "Yes, Sir!" bahala na si Batman! Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya para ibigay ang aking quiz na paniguradong mababa na naman ang score. "Cel, sa baba na tayo kumain." napatingin ako kay Castro na nasa harapan ko na. He smiled at me. "It's my treat." Natikom ko ang bibig. I didn't know how to reject him this time. Nakakahiya naman. Lagi siyang nagawi dito kahit na ang layo ng building niya. Geez! Hindi naman siguro masama na sumama sa kanya ngayon. I mean, I think he just really like me dahil napaka-persistent niyang tao? Baka ganoon nga. Ngumiti ako kay Castro para sana pumayag sa gusto niya nang magsalita itong si blue eyes. "Ms. Cohan? Could you please take these papers to the faculty and arrange it in alphabetical order?" he authoritatively said making Castro furrowed. Ngumiti ako kay Castro nang alinlangan. "Maybe next time?" pangungumbinsi ko. Mabilis siyang umiling. Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. "No. I'll just wait for you outside the faculty room." "And I think you should go now," malalim na boses na sabi ni Sir. Ravonte. "BSHM break time only last for one hour and do you think matatapos namin ang mga papel na 'to nang one hour lang? You're just wasting your time." Tumaas ang buhok sa batok ko dahil sa ma-awtoridad niyang boses pag nagtatagalog. Buong-buo ang boses niya! Boses panlalaki talaga! Castro's smile faded so I quickly patted his shoulder to comfort him. "Don't worry, Castro. Sa susunod na lang siguro," ani ko sa kanya nang nakangiti. "treat ko naman." Wala itong nagawa kundi ang ngumiti ng tipid na nagpaalam bago umalis. Now, I feel so guilty for making him wait outside our room, then being rejected again for the second time. But, I actually didn't reject him this time. Sabi ko baka next time na lang. Tapos treat ko pa! "Can we go now?" Agad akong napatingin kay Theo na nagsalita. Wala sa sarili na tumango ako. "Yes, Sir," magalang na tugon ko. Kinuha niya ang mga gamit lalo na ang quiz papers namin. "Hold these," anang niya bago inabot sa'kin ang mga papel. Agad ko itong kinuha. "Let's go now, Sir," wika ko bago inayos ang bag na nakasukbit sa balikat ko. "Let's make this quick. Para makapag-lunch ka pa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD