CHAPTER 8

1208 Words
Kagaya nang sinabi ni Ate Farah, wala pa akong balak na umuwi pagkatapos ng klase namin. Kaya balak kong sumama kay Chelseah. She's after Gus at lagi siyang tambay sa tindahan nila Gus araw-araw. "Celeste, make it fast!" "Oo, na! Wait lang!" sagot ko at mabilis na niligpit ang mga gamit at nilagay sa bag. "Kailangan maunahan natin ang magaling kong step-sister sa tindahan nila!" she said, panicking. "Ito na!" sinukbit ko ang bag sa balikat ko. Hinila niya ako sa kamay palabas ng room namin. Para siyang hinahabol ng kung ano sa bilis niyang tumakbo. Papunta sa Parish Office ay naglakad lang kami kahit na malayo. "Maglalakad talaga tayo, Chelseah?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya habang naglalakad na nga kami. "Kung maglalakad tayo ng ganitong oras papuntang Parish Office, we'll be there just in time. Tapos na ang klase niya ngayong hapon at tutulong siya sa Nanay niya sa pagtitinda hanggang mamayang gabi," sagot niya habang inaayos ang sarili. "You're so unbelievable, Chelseah! That's two hours of walking!" Ngumisi siya sa'kin. "Ayokong pumunta roon na kasama ang driver at kotse namin. I wanted him to see how serious I am to him. Ang sabi niya kasi, hindi siya naniniwala na may gusto ako sa kanya. Sa antas pa lang ng pamumuhay namin, ang laki na nang agwat. Kaya gusto kong makita niya na wala para sa'kin kung gaano kalaki ang antas ng buhay namin. I have feelings for him and I'm sure about this!" Nakatingin lang ako sa kaibigan ko. Ever since we became friends since high school, I never saw her like this. She's very serious about Gus. May mga naging boyfriend siya, oo, marami pero kitang-kita ko ang pagkagusto niya kay Gus. Ngumuso siya bago hinawakan ang kamay ko. "I'll just treat everything you want later after we get there, okay?" Ngumiti ako bago tumango. "Okay. Libre mo ako ng fishball, kwek-kwek at squidball!" She clapped her both hands while jumping. "Kahit anong gusto mo sa tindahan nila. Kung gusto mo, ubusin natin tinda nila para makatulong ako kay Gus walang problema 'yon!" she exclaimed while smiling. If this is what makes her happy, then I'll do everything for her. Lagi siyang nandiyan everytime that I need a friend. Now that she needs me, I'll be here for her also. Kahit na masakit sa paa ang maglakad ng halos dalawang oras papuntang Parish Office, tiniis ko 'yon para sa kaibigan ko. At habang naglalakad, wala kaming ginawa kundi ang mag-usap na may kasamang harutan. Nagtatawanan pa kami dahil sa mga memories naming noong high school. Hanggang sa napunta ang usapan namin kay Trevis na busy sa pag-aaral. "I'll call him later. Masyado na siyang madaya. Wala sa mga gala natin nitong mga nakaraang araw," ani ko habang inayos ang pagkakasukbit ng bag. "He better explained everything. Baka naman may girlfriend 'yon kaya laging wala." "If he had a girlfriend then I'm sure he would tell us sooner or later. He never hide anything from us," saad ko. Tumango siya. "Sabagay." Trevis is a man who never keep anything from me. Simula nang makilala ko siya ng mga bata kami ay hindi siya naglihim sa'kin. He'll tell me everything. Simula sa mga rants, mga kinaiinisan na tao lalo na kay Ate Tara, kapatid niya, pati sa mga celebrity actress na crush, at mga crush niyang classmates. Lahat 'yan sinasabi niya sa'kin. I bet he's just busy with his studies. Isa pa, he's graduating now. Malapit na kami sa Parish Office at kita namin ang isang lalaking matangkad na malayo sa amin. Then, a man went in front of us smiling, particularly smiling at Chelseah. "Chelseah, are you free later? Let's go grab something to eat, can we?" alok niya kay Chelseah. Chelseah on the other hand, smiled sweetly at him. "It'll be fun to be with you but I have something to do, Dail." I saw the man named Dail, got disappointed by the way Chelseah rejected him. Ngumiti siya pagkuwan. "Okay... maybe next time?" Napangiwi si Chelseah. "I don't think there's another time, Dail. It was fun being with you, pero hanggang doon lang 'yon." "Is this because of Gus?" nagtaas ito ng kilay bago hindi makapaniwalang tumingin kay Chelseah. "so, totoo pala na ikaw ang naghahabol ngayon? Wow, Chelseah! But seriously? Gwapo at matalino lang 'yon, pero hindi siya bagay sa kagaya mo—" "At sa tingin mo ikaw ang bagay sa'kin? It's that what you're trying to say?" nagtaas ng kilay ang kaibigan ko. "stop insulting him just because his family are selling street foods! Dahil kahit gaanon lang buhay nila, marangal silang tao!" Chelseah rolled her eyes bago galit na umalis sa harapan ng lalaki. Buti naman dahil hindi na ito sumunod pa sa amin. "Sino 'yon?" tanong ko sa kanya. "One of my flings," sagot niya. Tumango-tango ako bago siya sinundan sa tindahan nila Gus. Kaunti pa lang ang tao dahil may mga pasok pa yata ang iba. Chelseah smiled at Gus. "Hi, Gus!" then, she waved her hand to him. Samantalang si Gus ay mukhang walang pakialaman sa kaibigan ko. Ngumuso si Chelseah bago kumuha ng dalawang maliit na mangkok at binigay sa'kin ang isa. "Bibili kami ng kaibigan ko ng kwek-kwek, ah? Nasaan ang Mama mo?" Ang kaibigan ko talagang pursigido kay Gus. Nagtaas ng tingin si Gus kay Chelseah bago tumingin sa'kin. Kahit ako namangha sa kagandahang lalaki niya. Thick black eyebrows, hooded green eyes, pointed nose and natural kissable lips. Mas nakaka-akit din diyang tingnan dahil sa moreno na kulay ng balat niya. Idagdag pang simpleng white v-neck shirt lang ang suot niya, pero maganda ang tindig. Medyo magulo ang buhok niya dahil mahangin sa UP ngayon. It's just crazy that he's just selling street foods when he has a perfect green eyes. Maybe he got it from his family? May foreigner siyang lahi. Gwapo siyang tao. I still can't believe it! "Kayo bahala," sagot niya at nagsimulang magprito ng fishball sa gilid ng tindahan nila. Ngumuso si Chelseah. "Bakit hindi ka namamansin diyan? Okay naman tayo kahapon, ah?" may pagtatampo sa boses ni Chelseah. Tumingin sa kanya si Gus. Seryoso ang mga mata niya. Hindi mo mabasa ang tumatakbo sa utak niya. Ang hirap niyang basahin! "Busy ako, Chelseah. Mamaya lang at dadami ang tao sa tindahan. Wala si Mama dahil may sakit. Kumain na lang kayo ng kaibigan mo," pormal na sagot nito bago pinagpatuloy ang ginagawa. "Okay. Pasalamat ka at mahaba ang pasensya ko sa'yo," bulong ni Chelseah, pero rinig naman. I saw Gus shake his head. Hindi pa nakatakas sa'kin ang munting pagngiti niya. Napataas ako kilay sa naging reaksyon niya. Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya, kaya nagawi ang tingin niya sa'kin. I just smiled at him and he just looked away. Nahiya yata dahil nahuli ko siyang nangingiti dahil sa kaibigan ko. Napailing ako bago kumuha ng kwek-kwek at nilagyan 'yon ng suka. People said that Chelseah can tame everyone. Halos lahat ng lalaking nagkakagusto sa kanya, nakukuha niya agad. She can get everything that she wanted. I know that Gus is hard to read and a very serious guy, but the way I saw him smiled like that earlier, it has something. May laman ang ngiti niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD