CHAPTER 4

1433 Words
My week has been hell. My Mom's always got angry at me. Mababa na naman kasi ang grades ko sa accounting subject which is one of the core subjects in BS Business Administration. I got 2.50 grades in accounting while I got my highest grades in Human Resources Management with 1.50 grades. Mataas na 'yon para sa'kin since wala na akong line of 7 kagaya noong high school ako na puro ako 79 sa Math. I thought I've been improving my grades since wala ng line of 7, pero mababa pa rin 'yon kay Mommy. Gusto niya iyong mga grades ni Ate Farah na 95 pataas. "Ang bobo mo talagang bata ka! God! I don't know what to do to you anymore, Celeste! You're grades are always low, samantalang pag-aaral na lang ang aatupagin mo." singhal ni Mommy sa'kin. We're in the living room in our house while she's holding my report card. Nakayuko lang ako habang siya nakatayo sa harapan ko. "Hindi ka gumaya sa Ate mo! Did you see her grades for this semester? She got most 1.0 of her grades! Parehas lang naman kayo ng course. Ano bang ginagawa mo sa eskwelahan niyo? Nakikipaglandian ka lang yata!" She shouted again. Mabilis akong umiling sa sinabi niya. "M-Mommy, hindi po. I've been studying very hard—" "Then, you're not trying your best!" sigaw niya kaya napapikit ako. I bit my lower lips trying not to cry. Nayukom ko ang kamao hindi dahil galit ako kay Mommy kundi sa sarili ko. Somehow I blamed myself for being like this. If I shouldn't be like this, maybe my Mom would never be treating me like this. But somehow I also think that, my Mom never see how I worked hard to my studies para hindi na siya magalit sa'kin. Ayoko nang makumpara lagi kay Ate Farah. We're different in the first place. Siya gusto niya ang kursong 'to dahil siya ang magha-handle ng business namin someday habang ako hindi ko gusto ang kursong 'to! I want to take tourism since I want to become a flight attendant. Ayaw lang ni Mommy since hindi naman 'yon related sa business na namin. My family is the owner of Cohan's Cosmetic Products.Kilala ang pamilya namin sa paggawa ng mga beauty products. Pamilya rin namin ang kilalang may pinakamagandang beauty products sa buong Pilipinas. Hindi ko lang matanggihan si Mommy dahil nga ayoko na ma-disappoint na naman siya sa'kin. Ayoko na laging galit si Mommy sa'kin. Pero hindi rin tama na lagi na lang kaming pinagkukumpara ng Ate ko. Magkaiba kami! Hindi ko siya kasing talino. Ito lang ang kaya kong ibigay sa pamilya ko. Ngumuso ako habang nasa naghihintay sa Starbucks dito sa UP Town Center sa Quezon City. I'm waiting my two best friends. Trevis and Chelseah. Mamaya pang eight AM ang start ng klase namin. Kaming dalawa ni Chelseah, parehas ng course at mag-classmate kami most of our subjects lalo sa core subjects. Pero si Trevis, he's taking BS chemical engineering. Malayo ang department naming tatlong, pero if we want to see each other. Naglalakad lang kami minsan ni Chelseah since nineteen minutes ang tagal kung maglalakad ka papuntang department ni Trevis mula sa department namin. Exercise na rin 'yon. Maganda naman maglakad sa campus ng UP Diliman. Nakaka-relax ng utak since puro puno ang paligid. Hindi ka mabo-boring dahil maganda ang tanawin sa loob ng campus. "Bakit naman ang aga-aga nakabusangot ang mukha mo?" bungad ni Trevis sa'kin nang makaupo siya sa tabi ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi ko namalayan na randiyan na pala siya dahil iniisip ko pa rin ang galit ni Mommy sa'kin. I pouted. "Mommy got angry again because of my grades," malungkot na sambit ko. Para tuloy akong batang nagsusumbong kay Trevis. "Wala namang pinagbago si Tita, eh," he said as he put his bag on the next chair. "your grades is improving but she didn't see it. Talagang napapansin lang niya ang magkakamali mo simula bata ka pa." Nakita ko pa na may dumaang galit sa abo niyang mata. Trevis is my childhood friend. We met when I was six years old. Parehas kami ng tinitirahan na subdivision dati pero lumipat sila malapit sa may BGC. Ever since we were young, he's angry at the way of my family treated me. Lagi kasi niyang nakikita paano ako sigawan at paluin ni Mommy dati lalo paglumabas ako ng bahay. Kaunti pagkakamali ko lang galit siya. Kaya nang lumaki kami, everytime na nagagalit sa'kin si Mommy, pinagtatanggol ako ni Trevis. Kumbaga, bata pa lang ako, si Trevis na ang naging sandalahan ko sa lahat ng problema ko sa pamilya. He's been my crying shoulder, knight in shining armor, my best friend and the one who understands me the most. Naging dalawa lang sila noong nakilala ko si Chelseah noong High school ako. Naging mag-classmate kami simula Grade 8 hanggang sa senior high namin iisang school kami at strand na kinuha. Nakanguso pa rin akong tumingin sa kanya. "What can I do to make my Mom happy, Trevis? Ayoko na nang laging ganito kami." Tumaas ang kilay niya at sumilay ang ngisi. "Alam mo Celeste Linnaea, kahit naman may gawin kang matino, hindi magbabago ang tingin sa'yo ni Tita. She's been like that. And stop changing yourself para lang matanggap ka ng Mommy mo. You're her daughter after all, she should be the one who understands and guide you if she thinks you're failing your grades! Gumanda naman ang grades mo kahit papaano." mahabang salita niya kaya nakita ko na naman paano magsalubong ang makapal niyang kilay. Trevis is a handsome and hot at the same time. Pang-bad boy ang aura niya. Grey eyes, his hair is in a clean cut hairstyle, hooded eyes, narrow nose and thin rep lips. May hikaw rin siya isa sa kanang tenga. Malaki rin ang pangangatawan niya. How funny, because when we were young he was small and petite. Parang siyang babae tapos ang payat pa. Oh well, puberty is really a b***h! Ang laki ng pinagbago niya. "Saan nga pala si Chelseah? I thought you two were going here together?" tanong ko at nilibot ang paningin sa loob ng Starbucks. He grinned. "Hay, naku! H'wag mo ng tunungin kung nasaan ang babaeng 'yon! I'm sure she's pestering Gus again." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Seriously? You mean Gus, August Jameson Chavez?" gulat na tanong ko. "Oh, yes! The tall, dark, handsome and smart from Civil Engineering department." I gasped. "Seryoso talaga siyang may gusto siya kay Gus?" tanong ko pa. "papansinin kaya siya no'n?" This time, Trevis laughed. "That's the problem, Celeste. Sobrang layo ng estado ng buhay nila sa isa't-isa." He shrugged his shoulders. "I mean, sinong maniniwala na ang isang Elisse Chelseah Bennett na playgirl ay magkakagusto sa pinakamatalinong estudyante ng UP. If I were in Gus' position, I'd definitely push Chelseah away, knowing her reputation in our school. There's another problem too, Chelseah came from a wealthy family while Gus..." nagkibit siya ulit ng balikat. Tumango ako sa sinabi niya. Trevis has a point though. Chelseah is not really a playgirl, but still she knows how to play love with fire. Ang sabi niya sa'min, naghahanap siya ng true love kaya iba-iba ang boyfriend niya. "I don't think naman magagalit si Tita Chelsa. I mean, matalino si Gus kaso..." "Kaso mahirap siya, Celeste." he corrected me. Ngumuso ako. "Hindi naman siguro hadlang si Tita if ever na maging sila since mukhang seryoso si Chelseah kay Gus," ani ko. Trevis crossed his arms around his chest. "Ang tanong, magiging sila ba? Knowing Gus, pag-aaral lang ang nasa isip no'n. There's a lot of girls in our campus who like him but he didn't even give a f**k to them. Kay Chelseah pa kaya." Tama naman siya ulit. Mahirap lang sila Gus, sa katunayan nagtitinda lang ng street foods ang Nanay niya sa harapan ng Parish Office ng campus namin. Pero kahit ganoon ang estado ng buhay nila, bawing-bawi si Gus sa katalinuhan. Dean's lister siya simula freshman hanggang ngayon, varsity at captain ng basketball, at sobrang sipag. Marami ring nagkakagustong babae sa campus namin sa kanya, pero hindi niya binibigyan ng pansin ang mga 'yon dahil mas focus siya sa pag-aaral kesa sa pumasok sa relasyon. He's totally a repackage to be honest. I'm not close with him, but I only know him because of Chelseah and some people on our campus. Kahit sa department namin ay sikat siya. Sumandal si Trevis sa upuan niya. "The devil is here," he said habang nakatingin sa likuran ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD