“What is it, Rod?” kunyaring tanong niya sa bodyguard na tila agilang ipinalibot ang tingin sa loob ng comfort room. Nanatiling normal ang kanyang mukha at boses kahit na ang totoo ay halos panginigan siya dahil sa muli nilang pagkikita ng lalaking iyon. “Is there anyone in here except you, Young Lady?” Umiling siya at pa-inosenteng inilibot din ang panangin habang pinapatuyo ang basang kamay gamit ang kanyang panyo. “There are two girls earlier. But I don’t see them when I leave the cubicle.” Hindi na muli pang sumagot si Rod bagkus, ay magalang lamang itong yumuko sa kanya at lumabas. “Crap!” bulalas niya at napasandal sa gilid ng sink. Nasapo niya ang kanyang noo at halos mapa-upo dahil naramdaman niya ang panghihina ng kanyang mga tuhod.