Makulimlim ang araw na ‘yon, nagbabadya nang pag-ulan. Tumunog ang kampana hudyat ng pagdating ko, napangiti ako nang bumungad sa akin ang malaking simbahan dito sa bayan ng Maria Makiling. Pumikit ako, tumingala, umikot-ikot, habang ninam-nam ko ang mga sandaling iyon subalit isang patak ng tubig ang dumapo sa suot kong belo dahilan para imulat ko ang aking mga mata. “Bakit hindi marunong makisama ang langit?” Bulong ko sa hangin, gayunpaman, ay hindi ‘yon naging hadlang sa kaluwalhatian kong nadarama.
Bumukas ang malaking pinto ng simabahan, mas lalo akong nagpangiti nang magtama kaagad ang aming paningin ng aking pinakamamahal. Sa suot niyang tuxedo ay nagsusumigaw ang kagwapuhan ng aking groom. Tila kami lang ang tao sa paligid, tila wala ang mga pana-uhin na naka-abang sa aking paghakbang, bakas ang kasiyahan at pag-hanga ng mga ito.
Tumunog ang isang nakakahalinang awitin kasabay nangg dahan-dahan kong paglakad, bigla akong kinabahan habang papalapit sa altar, parang mga tambol ng lata ang kabog ng aking puso, para bagang may panganib na nakaabang. Humigpit ang hawak ko sa pumpon ng puting rosas. Marahil normal lamang iyon, gano’n siguro kapag ikakasal, kung ano-anong pangit na pangitain ang naiisip. Nilakihan ko pa ang aking mga hakbang kung maaari lang ay pabilisin ko ang takbo ng oras para maging ganap na akong Mrs. Montenegro.
“You’re so beautiful!” Wika ng aking groom nang makalapit na ako sa kaniya. Pumatak ang aking luha nang sumilay ang ngiti sa labi ni Matthew, hinawakan ko ang kaniyang kamay dahil hindi ako makapaniwalang nangyayari na ito, ang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang lalaking pinapangarap ko, ang lalaking sa malayo ko lang natitigan noon ngayon ay nasa harapan ko na, idadaos ang aming pag-iisang dibdib, “Kung panaginip man ito, ayoko ng magising pa,” Nai-usal ko. Subalit, tila isang bangungot ang balitang gumimbal sa aking pagkatao.
“Master, she's back, she has a baby who really looks like you,” Tinig ng tauhan ni Matthew kasabay nang pagkagulo ng mga tao.
“M-matthew, baby…” Hirap kong sambit dahil para akong kakapusin ng hininga at nang lumingon sa’kin ang aking groom ay magkasalubong ang mga kilay nito, ang kaniyang mata ay kasing lamig ng yelo nang dumapo sa akin. Ang kaninang makulay niyang mukha ay parang bula na biglang naglaho.
“The wedding couldn’t be pursued! I want my son, I want my ex-wife, back!” Maotoredad niyang turan, pakiramdam ko’y humiwalay ang aking kaluluwa sa aking pagkatao kaya nawalan ako nang balanse at tuluyan akong napaluhod, para akong binagsakan ng langit at lupa ng mga sandaling 'yon hanggang sa tuluyan akong natumba at walang pagsidlan ang aking mga luha at ang huli kong nasilayan ay ang papalayong si Matthew, ang aking pinakamamahal na tumatakbo palabas ng simbahan.