Destiny

2897 Words
Arabela's POV Halos lantang gulay ako nang makababa sa bus na sinakyan namin mula pa sa probinsya ng Maria Makiling. Wala akong tulog dahil nahihilo ako at poro suka lang ang ginawa ko sapagka’t hindi ako sanay sa biyahe. “Ano ba ‘yan, kailangan mong masanay sa amoy ng tambutso lalo pa’t narito ka na sa syudad, huwag kang a-anga anga dito at baka mabunguan ka nang kariton!” Talak sa’kin ng kapit-bahay kong magpapasok sa akin bilang Personal Assistant. “Subrang ganda pala ng maynila, grabi, dati sa balita ko lang ito napapanood subalit ngayon nasa harapan ko na!” Bulalas ko ni hindi pinansin ang sinabi ng aking kababayan. “O, siya, mas lalo ka pang mapapahanga sa pupuntahan natin,” Ani niya at nag-abang kami ng taxi papasok sa isang exclusive subdivision. “Wow! Kay gaganda ng bahay at para akong nasa kabilang daigdig,” Walang katapusan kong paghanga nang makababa na kami ng taxi. Walang pagsidlan ang tuwang namumutawi sa bibig habang pinagsasawa ko ang mata sa naglalakihang bahay sa aking paligid. Malayong malayo sa bukid sa probinsya na pinagmulan ko, sa bukid na kinalakihan ko. “Ay, kuyang guard ito pala si Ara pinsan ko, siya ang sinasabi ko saiyong ipapasok ko na PA ni señorita,” Wika ni ate Alma at kinalabit niya ako sa braso, kailangan namin magkunwari na magpinsan para kaagad na matanggap ako ng magiging amo ko dahil matanggal nang naninilbihan si Alma sa pamilya De la vega “Hello po, ako po si Arabella, kayo po?” Masayang pakilala ko sa kaniya at nilahad ko pa ang aking kamay para magka-kilanlan kami ngunit napanguso nang hindi niya pinansin ang aking kamay kaya binawi ko na lamang. “S-siya, siya ang ipapasok mong PA?” Pagkukumpirma ng lalaki at hindi maalis ang tingin nito sa akin at pagkuwa’y nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni ate Alma marahil nagtataka ito kung bakit wala kaming similarity gayong magka-anak ang aming pakilala. “Oo sabi!” Inis na sagot ni ate Alma dahil paulit-ulit ang guwardya. “Ay, pambihira, mukhang prinsesa, at paano kayo naging magpinsan eh sa balat pa lang ay malayong malayo na kayo. Naku, tiyak hindi ‘yan magustuhan ni señorita eh mas maganda pa sa kaniya ang PA niya,” I-iling iling na saad ng lalaki. “Alam ko, gagawa ako nang paraan para matanggap siya, ang hirap kaya maghanap ng PA isa pa, hirap din sa buhay itong pinsan ko kaya siya ang ipapasok ko para makatulong sa pamilya niya sa probinsya,” Sagot ni ate Alma. Kalauna’y naki-simpatya na rin ang guwardiya at tuluyan na kaming nakapasok. Sa kusina kami dumaan patungo sa kuwarto ni ate Alma at dahil malaki naman ang kuwarto ay magtabi na lang daw kami na kaagad ko naman ikinatuwa lalo pa’t malaki ang bahay mamaya may multo pala dito. Halos lahat ng bagay na bago sa aking paningin ay hinahawakan ko at tanong ako nang tanong sa aking kasama. “Bukas na kita ipakikilala kay señorita, magpahinga ka muna at mamaya ay may pag-u-usapan tayo,” Wika sa akin ni ate Alma na ikinangiti ko naman. Dahil sa masarap na pakiramdam nang malambot na higaan ay kaagad akong nakatulog at paggising ko ay madilim na ang paligid. “Umalis pala si señorita patungo sa new york at baka ilang araw siya doon kaya habang hindi pa nakakabalik si señorita ay ituturo ko sa’yo ang dapat mong gawin, pero bago ‘yan bibili muna tayo ng gamit na ka-kailanganin mo,” Saad sa akin ni ate Alma habang magkasalo kami sa hapunan dito lang sa kusina. Tumango tango naman ako bilang tugon hanggang sa natapos na kami sa pagkain. Ako na ang nagpresinti na mag-hugas ng aming pinagkainan habang si ate Alma naman ay nag-mop ng sahig. Malaki ang bahay ng amo namin kaya nahihirapan si ate Alma sa paglilinis nito lalo pa’t mag-isa lang siyang kasambahay dahil ayaw ng amo niya na maraming kasambahay. *** Kinabukasan ay nagsimula na akong turuan ni ate Alma sa mga gawain ng isang PA at aminado akong hindi pala basta-basta maging isang personal assistant ngunit katulad ng ipinangako ko sa sarili bago tumapak sa maynila ay kakayanin ko ang lahat para makapadala sa pamilya kong kayod kalabaw sa probinsya. Tanghali na nang matapos kami at ilang sandali muna kaming nagpahinga at maya-maya pa’y nagbihis na kami pang-alis dahil bibili kami ng mga gamit na kailangan ko sa trabaho. Bumaba sa tapat ng mall at muli naman akong napapahanga habang sinusuyod namin ang buong mall at pagkatapos namin mamimili ay lumabas na kami at naglakad kami papunta sa himpilan ng mga jeep. “Sandali, dito ka lang may nakalimutan akong bilhin, huwag kang a-alis ah?” Habilin nito sa akin at iniwan sa akin ang plastic na pinamili namin. Mataman lang akong nakatayo sa isang tabi habang pinapanood ko ang mga taong paroo’t parito nang may isang matandang babae na may bitbit na mga kendi na paninda nito at nasagi iyon ng tumatakbong bata kaya natapon ang mga paninnda ng ale. Sa aking nasaksihan ay walang alinlangan akong lumapit sa matanda at tinulungan ko itong pulutin ang mga kendi. “Salamat, ineng!” Nakangiting pasalamat niya sa’kin at na mabilis naman akong tumango at ngumiti pabalik hanggang sa tuluyan nang nakaalis ang matanda. May dumaan na eroplano sa itaas kaya napatingala ako dahil sa subrang laki ng eroplano dahil sa mababa lang ang lipad nito. Bigla kong naalala ang mga kapatid ko sa probinsya sa tuwing makakakita kasi kami ng eroplano ay walang padsilan ang aming mga tuwa at minsa’y kumakaway pa. Subalit ang matamis na ngiti ko nang sandaling iyon ay biglang naglaho nang matalsikan ako ng maduming tubig ulan dahil sa matulin na patakbo ng sasakyan dahilan para mabasa ang aking damit at pati mukha ko ay natapunan rin. Inis kong sinigawan at dinuro ang may-ari ng sasakyan at sa hindi ko inaasahan ay bumalik ang may-ari ng sasakyan at huminto ito sa harap ko. Ang konot noo kong mukha ay tila kasing bilis ng hangin na biglang naglaho at napa-awang ang aking bibig nang lumabas sa kotse ang lalaking sa TV ko lang yata napapanood, subrang tangkad nito at malabato-bato ang mga braso nito. “I’m sorry, Miss,” Hinging paumanhin niya sa’kin at pati boses nito ay napakaganda rin, lalaking lalaki. Hindi ako nakasagot dahil talagang nakakawala sa katinuan ang ganitong klaseng nilalang; ang kulay abo nitong mga mata, ang mahahabang pilikmata, napakatangos na ilong at ang pisnge nitong namumula at bukod sa lahat ang labi nitong manipis na namumula rin. “Kay gandang lalaki, hindi ko akalain na may ganitong klaseng nilalang sa mundo” Mga tinig na hindi ko naibigkas hanggang sa nilabas ng binata ang panyo nito sa bulsa at ipinunas iyon sa aking braso at sa mukha ko, nanatili akong natuod at hindi nakagalaw hanggang sa umalis na ang lalaki. “Hoy, Arabella! Anak ng tokwa, kanina pa kita hinahanap narito ka lang pala, halika na’t umuwi na tayo.” “Huh?” Ang naiusal ko kung kaya’t hinampas ako ni ate Alma sa braso at doon ko pa lang naalala ang nangyari kaya napatingin ako sa aking kamay at nasa palad ko ang panyo. Bagama’t mabilis ang pangyayari hanggang sa nakarating kami sa condo ay hindi ko pa rin mawaglit sa isip ang nangyari kanina hanggang sa aking pagtulog ay dinadalaw ako nang guwapong lalaki. Nilingon ko si ate Alma na mahimbing na natutulog kaya dahan-dahan akong bumangon at kinuha ang panyo sa aking aparador at bumalik at bumalik ako sa kama habang inaamoy ko ang panyo, mukhang mayaman ang lalaking ‘yon dahil napakaganda ng panyo niya at plantsadong plantsado at mabango din. Sinadya ko talagang hindi labhan ito kahit na may medyo madumi dahil ayaw kong mawala ang mabangong amoy na ‘yon na bakas ng kamay ng guwapong lalaki. Madaling araw na ngunit hindi pa rin makatulog sa t’wing ipipikit ko kasi ang mata ay ang mukha ng stranghero na ‘yon ang aking nasisilayan. “Ughh, kainis! Hindi ko manlang natanong ang kaniyang pangalan,” Iritado kong saad na hindi ko namalayan napalakas pala ang boses ko dahilan para magising si ate Alma at binatukan ako. “Ano bang nangyayari sa’yo matulog ka na nga at bukas ang simula nang trabaho,” Sita nito sa akin kaya umismid ako at tumalikod sa kaniya at ipinikit ko ang aking mga mata at pinilit na makatulog. *** Kinaumagahan ay tamad akong bumangon dahil sa maingay na alarm clock, tinupi ko muna ang higaan bago pumasok ng banyo para makapag-ayos na dahil ngayon ang simula ng aking trabaho. Pagakalabas ko ng banyo ay sinuot ko na ang uniporme at sinuklay ang mahaba kong buhok at tinalian ko lang ito nang matauyo at inayos ko rin ang bangs ko, kagabi lang ako ginawaan ng bangs ni ate Alma at sinuot ko din ang malaking eyeglass na halos sakupin na ang aking buong mukha. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng silid at kaagad akong binati ni ate Alma. “Wow, napakapangit mo…” Salubong niya sa akin na halatang nanunuya dahil tawa ito nang tawa. Ngumuso lamang ako dahil ito naman talaga ang gustong niyang mangyari ang ang gawin akong pangit para daw walang maging problema at kaagad na matanggap ng magiging amo namin. Sumunod na lamang ako kay ate Alma at ipinakilala niya ako kay señorita napakaputi at ubod ng ganda babae, ang kaniyang mukha ay halatang palaban at nakakatakot siya kung tumingin ngunit nilakasan ko ang loob at inalala ang mga itinuro sa akin ni ate Alma kaya nang tanongin na niya ako ng mga personal na bagay ay kaagad ko itong nasagot at kalauna’y tinanggap niya rin ako na lubos ko naman na nagpasalamat. Napasalampak ako nang upo nang maka-uwi na kami ng bahay kinagabihan dahil natapos na shooting ni señorita at masakit rin ang mga braso ko dahil sa mga bitbit kong damit na sinu-ot sa set, paiba-iba rin ang bag at sandalyas ng amo ko na bitbit ko kaya halos lantang gulay ako ngayon. “Kumusta ang pagiging PA, maraming kang nakitang mga artista ‘no?” Tanong sa akin ni ate Alma dito sa kusina. “Wala akong masyadong nakita ate dahil naka-pokus lang ako kay señorita dahil pagkatapos ng acting nila pinupunasan ko ang pawis niya at kung ano-ano pa ang inu-utos niya sa akin,” Matamlay kong sagot. “Ganoon talaga, walang trabaho na magaan lahat mahirap, magpasalamat ka na lang at may trabaho ka,” Saad nito sa akin kaya kahit na pagod ako ay sumang-ayon pa rin ako kasabay nang malalim kong pagbuntong hininga. Pitong buwan na ang nakalipas magmula nang maging PA ako at sa hinay-hinay ay nakakayanan ko na rin ang lahat. Naging madali na rin sa akin ang ginagawa at higit sa lahat ay nasasanay na rin ako sa ganitong hitsura ko dahil lahat ng iyon ay may kapalit at iyon nga ay nakakapagpadala na ako sa pamilya ko sa probinsya at naka-enroll na rin sa high school ang kapatid kong sumunod sa akin. Kasalukuyan akong naka-upo sa gilid habang ang amo ko ay nakahiga sa malambot na higaan dito nasa loob ng sasakyan papunta kami sa set para naman sa photoshoot ni señorita. Malayong malayo ang character ng amo ko sa teleserye na ginagawa nito at mas lalong kabaliktaran ang pinapakita nitong ugali sa harap at sa likod ng kamera. Sopistikada, sosyal, at bossy, ang amo ko, mahilig sumigaw lalo na kung natatagalan ako sa pinag-uutos nito. Ayaw lang kasi ng amo na ku-kupad kupad, minsan nakakainis lang kasi kahit kaya naman niyang gawin ay kailangan niya pang i-utos sa akin ngunit hindi ko magawang magreklamu dahil trabaho ko ‘yon at malaki talaga ang pangangailangan ko kaya titiisin ko talaga ang lahat. Larawan si señorita ng isang perfectionist na babae, walang pinipiling lugar kung nagkakamali ako ay sinisigawan niya talaga ako kaya madalas ay napapahiya ako. Si Alma naman ay umuwi ng probinsya dahil namatayan ito kaya sa akin nasalin ang mga gawain pati sa loob ng bahay. Ilang buwan na rin na hindi ko na muling nakita ang lalaking may-ari ng panyo. Minsan nga’y pumupunta ako ng mall nagbabaka sakaling muling makikita ko ang guwapong lalaki na ‘yon ngunit palagi akong umu-uwi na laglag ang balikat kaya itinigil ko na kahibangan kong makita pa ang lalaki. Nilabhan ko na at itinago ang panyo dahil malinaw pa sa sikat ng araw na hindi na ko muling makikita pa ang lalaki. Nang maigarahe na ang van na sinakyan namin ay naunang akong lumabas at huli si señorita ns katulad ng dati ay nakangiti na naman ang amo ko sa mga taong bumabati sa kaniya. Ilang sandali pa ay nagsimula na siyang kuhanan ng litrato dahil sa endoresment ng isang product na ilalabas sa pilipinas at señorita ang model sa nasabing produkto. Narito lang ako sa gilid habang pinapanood siya. Nang matapos ay kaagad akong lumapit kay señorita at pinayungan ito at pinaypayan dahil tirik ang araw sapagkat narito kami sa beach. Maya-maya pa’y nagpahinga muna ang lahat kaya pumunta ako sa van at kumuha ng tubig sa bottle dahil papa-ubos na ang tubig na ini-inom ni señorita. “Alam mo maganda ka, kaunting ayos lang sa’yo puwede ka nang maging artista o model, maputi ka at matangkad pasok ka sa banga…” Wika ng medyo may edad na bakla na kung hindi ako nagkakamali ito ‘yong photograppher ni señorita, naninigarilyo siya dito sa gilid kaya nakita niya ako. “Naku, hindi po ako maganda at lalong hindi ako puwedeng maging artista…” Natatawang tugon ko na mas lalo namang napahanga sa akin ang direktor at muling itinikom ko ang aking bibig dahil ang sabi nila noon sa probinsya mas maganda daw ako kapag nakangiti dahil sa dimples ko sa magkabilaan ng aking pisngi at napakaganda rin daw ng aking ngipin na mas lalong nakakadagdag sa aking appeal kaya nang mapansin kong nakatitig sa akin ang photographer ay kaagad akong nagpaalam rito. Naglalakad ako pabalik sa kinaroroonan ni señorita nang bigla akong matulos sa aking kinatatayuan, parang tumigil ang oras nang makita kong muli ang lalaking kaytagal kong hiniling na makita ko siyang muli. Ang lalaking may kakaibang mata, bumilis ang t***k ng aking puso at subrang saya ng aking nadarama dahil sigurado akong ngayong araw ay malalaman ko na ang pangalan niya. Hindi ako nagkakamali sa subrang guwapo ng lalaki ay hindi malayong artista talaga ito. Subalit, ang masayang ngiti ko dalaga ay unti-unting naglaho nang mapansin kong may hawak itong isang pumpon na pulang bulaklak at naglakad ito patungo sa kinaroroonan ni señorita at nakangiti niyag inabot iyon kay señorita na bakas naman ang gulat sa mukha ng aking amo at biglang silang nagyakap at naghalikan pa sila sa labi kasabay nang hiyawan ng mga naroon. Para akong sinampal ng mga sandaling iyon dahil biglang nag-init ang aking mukha kaya napayuko ako at nagbaba nang tingin, napakagat rin ako sa ibabang labi dahil hindi ko alam kung ang gagawi ng sandaling iyon dahil hindi ko rin alam kung ano itong nararamdaman ko sa aking dibdib. “Ara, ikaw ang PA ni Miss De lavega ‘diba? Kanina niya pa hinihintay ang tubig,” Ang boses ni Fatima PA rin ng isang artista na nakilala ko ng isang araw ang siyang nagpa-angat sa akin nang tingin at ngumiti ako nang pilit. “Ah, oo, sige.” Tugon ko at hinakbang na ang mga paa at habang papalapit ako sa dalawa ay mas doble ang t***k ng aking puso. “Narito na ho ang tubig n’yo señorita…” Wika ko na sa amo lang nakatingin, kinuha naman iyon ng amo ko at muli na naman niya akong tinalakan dahil sa mabagal kong pagkilos. Humingi na lamang ako nang paumanhin na ikina-ikot ng mata niya. “Get back to work, guys!” Malakas na boses ng photograper kaya tumayo na rin si señorita. Nanatiling nakatayo ang lalaki at pinapanood niya ang nobya niya habang pumapalakpak pa ito. Bakas ang paghanga sa mga makulay niyang mga mata. Pagkatapos ay sinalubong niya ito nang suot nitong blazer at ipinulupot niya iyon sa sexy na katawan ni señorita dahil naka-two piece lang ito. Kasalukuyan namin na binabay-bay ang kahabaan ng edsa at narito ako sa isang sulok ng sasakyan habang ang dalawa ay naglalampungan sa higaan, tuloy ako ang nahihiya sa kanila dahil kulang na lang ay magtalik na sila. Itinuon ko na lang aking paningin sa kalsada. Umurong ang aking dila para at wala na akong lakas ng loob na itanong sa lalaki ang pangalan niya. Idinantay ko na lang ang aking ulo sa binatana ng sasakyan at ipinikit ang aking mata. Bumama kami sa isang restaurant at sa kagustuhan ng lalaki ay napasama ako sa date ng dalawa. Pinaghila nang upuan ng lalaki si señorita at ako naman ay umupo paharap sa mga ito. Tumayo si señorita patungo sa comfort room kung kaya’t naiwan kaming dalawa sa mesa habang naghihintay nang order. Minsan naiisip ko kung natatandaan niya ba ako pero sa ayos ko ngayon tiyak hindi niya ako makilala o ‘di kaya nakalimutan na niya na ako ‘yong pinunasan niya ng panyo. “What’s your name?” Tanong niya sa akin na hindi ko inaasahan kaya bigla na naman kumalabog ang aking dibdib. “Arabella po….”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD