The story begins

1174 Words
Arabella’s POV Halos hindi ako makahinga nang tuluyan nakapasok si Señorita sa kusina at sa’kin agad ito tumingin. Mabuti na lang at naitulak ko kaagad si sir Matthew bago pa kami makita ni Señorita. “A-nong ginagawa mo, Anong niluto mo?” Ramdam ko ang pagkairita ng boses ng amo ko sa’kin, magsasalita sana ako nang inunahan ako ni sir at lumapit it okay Señorita at magiliw na hinapit sa bewang. “Gusto kong ako ang mag-luto para sa prinsisa ko,” Wika ni sir Matthew sabay na hinahawi ang ibang hibla ng buhok ng Girlfriend niya at nang maghahalikan sila ay umiwas ako ng tingin.Tumalikod ako at pinagpatuloy ko ang paghiwa ng sibuyas at patatas. Nanatili si Señorita sa kusina habang ginigiya siya ni sir at pinapaliwanag ang lulutuin at ang proseso ng pagluluto. Bakas ang tuwa nila sa isa’t isa at aminadong akong nasasaktan ako kahit hindi naman dapat dahil sir Matthew ay panay ang sabing patatabain niya daw si Señorita sa oras na mag-asawa na sila na siya naman kinahagikhik ng amo ko at para itong bata na naglalambing. Isang tunog ng telepono ang nagpatigil sa kanila at kaagad na bumalik sa loob si Señorita at sinagot ang tawag habang napaiwan si sir Matthew. “Magkuwento ka naman Ara,” Sambit ni sir pero hindi ako kumibo. Iwan ko ba nawalan ako ng gana na makipag-usap sa kaniya. Nang mapansin niyang tahimik ako ay nilapag niya ang hawak niyang mangkok na may laman ng manok dahil mag-aadobo siya at nilagay niya ito sa lababo at muling lumapit sa’kin kaya umatras ako kaagad. Hindi siya nakagalaw nang umatras ako. ‘Sir, baka ho makita tayo ni Señorita kung ano pa ang isipin,” Saad ko “Bakit ano ba ang iniisip mo?” Balik niya sa akin kaya hindi ako nakakibo. “Don’t worry, kilala na ako ni Cheska, alam niyang malapit talaga ako sa mga kasambahay. Tinuruan kasi kami ni mom na maging mabait sa mga kasambahay kaya wala kang dapat na ipag-alala kung ang iniisip mo ay baka pagselosan ka ni Cheska, hindi iyan mangyayari. Hindi basta basta nagseselos si Cheska sa mga babae lalo na kung sa isang katulad mo,” Para akong sinampal sa sinabi ni sir Matthew. Hindi naman ako bobo para hindi makuha ang pinoponto niya. Sino nga ba ako para pagselosan ng amo ko, ako lang ang nag-i-ilusyon ng napakaimposibleng bagay. Nilagpasan ako ni Sir at kinuha ang manok na lulutuin sa likod ko kaya naman ay napakagat labi ako dahil sa matinding kahihiyan. Natapos ang pagluluto ni Sir na hindi kami nagkikibuan. Nagluluto lang siya habang ako naman ay naglilinis ng lababo at winalis ang mga nagkalat ng balat ng mga rekados. Hinanda ko na ang plates mat at mga pinggan para sa kanilang dalawa. Nang maihain na ang lahat ay bumalik ako sa kusina dahil si sir Matthew na ang tumawag sa nobya niya upang kumain habang ako ay hinuhugasan ang mga pinaglutuan. “Come, join us,” Nagulat ako sa sinabi ni sir Matthew kaya naman ay umiling lamang ako. “Naku sir, nakakahiya naman ho, ayos lan—“ “Bawal tanggihan ang grasya,” Dagdag pa niya kaya naman ay alinlangan akong sumunod at nang makarating ako sa mesa ay may isa ng pinggan na para sa’kin. Hindi ako makatingin kay señorita sapagkat nahihiya ako. “Yaya, masanay kana na kasalo ka sa pagkain dahil sa mansyon nila Babe ay kasalo talaga nila sa hapag-kainan ang mga maids nila kaya huwag kang mag-isip ng kung ano-ano,” Nakangisi ang amo ko habang nakatingin sa’kin. Hindi ko malaman kung ano ang gusto nitong ipahiwatig. “Kumain ka lang, huwag kang mahihiya,” Baling sa’kin ni sir Matthew at inabot sa’kin ang mangkok ng adobo. Inabot ko ito at nagsimula na rin akong kumain ngunit hindi ako makakain nang maayos lalo na nang makita ko kung gaano lang kaliit ang mga sinandok nito sa kani-kanilang plato. Ganito siguro kapag mayayaman kakaunti ang kinakain kaya pati tuloy ako ay kaunti rin ang nakain dahil baka sabihin nila na patay gutom ako kapag nakita nila kung paano ako totoong kumain. Naghuhugas ako ng pinggan nang matapos kami sa pagkain at sila naman ay umakyat na sa itaas. Pagkatapos ay nagsandok muli ako ng kanin at ulam sa mangko at para mapadali ay hindi na ako gumamit ng kutsara. Kaagad kong hinugasan ang pinagkainan ko at pagkatapos ay lumabas ako ng likod bahay upang kunin ang mga sinampay ko dahil mamalantsaya na naman ako. Bitbit ko ang i-ilang hanger nang mabungaran ko si Sir Matthew sa bukana ng kusina. “S-sir,” Sambit ko “I bought you cellphone by the way just insert your sim card here, because I saw that your cellphone was broken so I bought you a new one,” Nilabas niya mula sa likod ang box ng cellphone at sa tantiya ko ay mahal iyon dahil tatlong kamera ang nasa likod at gano’n din ang cellhone ni Señorita. “Ah—Sir, hindi ko matatanggap iyan hindi ko po alam kung paano bayara—“ Hindi niya ako pinatapos sa pagsalita ng lumapit pa siya sa’kin at kinuha ang kamay ko at nilahad niya ang box ng cellphone sa kamay ko. Binawi ko kaagad ang aking kamay dahil para na naman akong nakukuryente sa simpling pagdikit lamang ng kaniyang balat sa akin. “P-pero—“ “No buts, besides gusto kitang makausap palagi paano ko makakamusta si Cheska kung sira ang cellphone mo. Huwag mo ng isipin ang gastos wala iyon sa’kin, magreply ka lang sa akin bayad ka na,” Ngumiti siya sa’kin kaya napangiti na rin ako kalaunan at nagpasalamat sa kaniya. Inipit ko ang cellphone sa mga damit habang papasok ako sa aking kuwarto habang si Sir Matthew naman ay hinatid sa labas ni Señorita. Pagkapasok ko pa lang sa kuwarto ay kaagad kong nilapag ang mga nilabhan at malaki ang ngiti ko habang binubuksan ang box. Halos mapasigaw ako sa tuwa nang bumungad sa’kin ang kulay Gold na cellphone. Ipokrita man ako ang dating ngunit hindi na ‘yon mahalaga. Ang importante ay may bago akong cellphone. Ito ang pinapangarap ko noon pa ang magkaroon ng cellphone ng touch screen at ngayon ay subra subra pa sa hinihiling ko dahil Iphone ito original kumbaga. Dala ng pangangati ng aking kamay at kasabikan sa kakakalikot ng bago kong cellphone ay nakaligtaan ko na ang pamamalantsaya hanggang sa sumapit ang gabi ng aking pagpahinga. Nagsusuklay ako ng mahaba kong buhok nang tumunog ang cellphone ko kaya naman ay binunot ko ito sa saksakan at kaagad na sinagot ang tawag ni sir Matthew. “Hi,” Napasalampak ako ng higa nang mabosesan siya at napasapo ako sa aking dibdib ng subrang lakas ng t***k nito. “Hello po,” Kagat labi kong saad. Gusto kong sumigaw sa subrang kong tuwa ng mga sandaling ito sapagkat ngayon ko lang ito naranasan, ang kiligin dahil kahi tsa cellphone ay hindi nabawasan ang kagwapuhan nito. Lalaking lalaki ang kaniyang boses, nakakabaliw!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD