School girl

1246 Words
Arabela's POV Pakanta kanta ako habang nagwawalis sa mga tuyot na dahon ng dito sa harden habang nakiking sa music dahil may kasamang airpods ang cellphone na binigay sa akin ni Sir Matthew. Kahit wala akong maayos na tulog dahil sa kaka-isip ko kay sir Matthew at panay rin ang aking selfie ay ayos lang. Pagkatapos kong magwalis ay pumasok naman ako sa kusina upang magluto ng almusal namin kaya pinatay ko muna ang music at tinabi ang aking cellphone. Bigla akong tinawag ni Señorita kaya hindi ko maiwasan kabahan baka kasi nalaman niyang binigyan ako ng cellphone ng Boyfriend niya. “Good morning po, ma’am,” Magalang kong wika “Maupo ka,” Utos niya kaya sumunod naman ako. “Pag-a-aralin kita sa college since nasabi ni Perla na gusto mo raw mag-aral—“ “Hala, ma’am, maraming maraming salamat po—“ “Hep,hep, makinig ka muna,” Singhal niya sa akin kaya bigla akong nagbaba ng tingin at itinikom ko ang aking bibig. “Bilang kabayaran ay babawasan ko ang sahod mo kasi hindi ka na magiging full time dito sa bahay. Kukuha ako ng tagalinis kaya ang isasahod ko sa tagalinis ay siyang ibabawas ko sa iyong suweldo. Pero huwag kang umasa sa tagalinis dahil ikaw pa rin ang maglalaba at magluluto sa umaga at sa gabi. Since na pahinga muna ako sa showbiz ay magiging busy rin ako sa iba kong negosyo pero sa oras na bumalik na ako sa showbiz balik PA din kita, maliwanag?” “O-opo, maliwang Señorita, maliwanag po. Maraming maraming salamat po pangarap ko po na makapag—“ ‘Siya, siya, sige na bumalik ka na sa trabaho. Mag-iiwan na lang ako ng pera pang advance mo para makapag enroll ka ngayong pasukan,” Anas niya at tinataboy pa ako ng kaniyang kamay pero hindi ko ito alintana. Ang importante ay matutupad na ang pangarap kong makapag-aral para makatulong ako sa aking pamilya at hindi habang buhay ay mananatili akong katulong. Naligo ako kaagad nang matapos ako sa gawaing bahay para makapag-enroll ako sa skuwelahan na napili ko. Hindi university ang aking pinili para hindi masyado mabigat sa bulsa baka kasi maubos lang ang aking sahod o baka nga kulang pa ang aking kita sa aking pag-aaral. Hindi naman nabanggit ni Señorita kung siya ang gagastos sa mga kakailanganin ko kung sakali man. Bahala na, gagalingan ko na lang para makapasok ako sa scholar. Sinarado ko ang gate dahil wala rin ang guard sapagkat naka leave ito dahil nanganak umano ang asawa niya kaya kami lang talaga ng amo ko sa loob ng malaking bahay. Nilakad ko lamang palabasan sayang naman kasi ang trenta na ibabayad ko sa traysikel. Pagkarating ko sa labas ay may isang sasakyan na huminto sa aking tapat kaya naman ay nagulat ako, ngunit umiwas din agad ako at nagpatuloy sa paglalakd dahil mag-aabang ako ng jeep. Mabuti na lamang at natawagan ko kanina si Perla at tinanong ko sa kaniya kung ano ang sasakyan ko at nasabi ko rin sa kaniya ang magandang balita at tuwang tuwa siya at sabi pa niya ay ikukuwento niya sa pamilya ko pero sabi ko ako na ang magbabalita sa kanila. “Hey,” Nagulat akong napalingon sa aking likod nang may humawak sa aking kamay at natigalgal ako ng tumambad si Sir Matthew kaya naman ay imbes na mainis ay napangiti ako. “S-sir, kayo ho pala,” Hindi magkamayaw ang aking ngiti at inipit ko pa ang aking buhok sa aking tenga. “Where are you going?” Tanong niya na hindi binibitawan ang aking kamay kaya naman ay kinikilig na naman ako kaya hindi ko rin binawi ang kamay ko. “Magpapa-enroll ako Sir, mag-aaral na po kasi ako,” Sagot ko na hindi ko pa rin maalis ang aking ngiti. “Yeah, I know, nabanggit nga sa’kin ni Cheska. Kung gusto mo ihatid na kita mukhang hindi po alam ang pasikot sikot dito sa manila,” Pagbubulantaryo niya kaya naman ay tumango tango ako. “Kahit nakakahiya po pero hindi ko pa talaga alam kung anong sasakyan ko at kung saan ako bababa,” pag-aamin ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse kaya napakagat labi ako dahil pakiramdam ko ay hindi ako mutsatsa ngayon. Sana ol na lang talaga. Tiningnan ko si Sir habang umikot at sumakay rin sa sasakyan at ang mas nakakakilig pa ay magkatabi kami dahil dito niya ako pinasakay sa front seat pakiramdam ko tuloy ako si Señorita. Napabuntong hininga ako, alam kong ambisyosa na ako sa lagay kong ito pero ayos lang. Minsan lang naman eh “Sir, ito pala ang skuwelahan na pag-e-enrollan ko po,” Sabi ko at binasa sa kaniya ang aking lista. “Ako ang bahala,” Tugon niya kaya tumango tango na lamang ako at hinayaan siya kung saan man niya ako dalhin ay okay lang. Napanganga ako ng bumaba kami sa napakalaki at malawak na unibersidad. Maraming mga tao sa loob ng campus nang pinansyal ako ni Sir Matthew marahil katulad ko ay magpapa-enroll din sila. “T-teka Sir, bakit pala dito mo ako dinala? Hindi naman po ito ang napili kong esk—“ “Isa ang university na ito sa pinakamagandang eskuwelahan dahil matitino ang mga estudyante dito at matuto ka talaga dito kaya dito ka mag-aaral,” Saad niya habang nakapamulsa niyang pinagmamasdan ang paligid. “P-pero Sir, hindi ko kaya ang gastos dito tiyak butas ang bulsa ko dit—“ “Tara sa registrar’s office,” Sa halip ay sagot niya ni hindi pinansin ang sinabi ko. Pagkarating namin doon ay kaagad siyang binati ng mga tao roon at nagsitigil pa ang mga ito sa kani-kanilang ginawa at lumabas para lang magbigay ng galang kay Sir Matthew hindi ko tuloy maiwasan na manliit sa aking sarile lalo pa’t bawat pagbati ng mga ito ay napapatingin sa’kin paano ba naman kasi ay hawak ni Sir ang kamay ko at kahit binabawi ko ito ay hindi ko mabawi dahil mahigpit ang pagkahawak niya kaya tuloy yumuko na lamang ako para hindi makita ang mapanuri nilang tingin. Mabilis ang pangyayari dahil kaagad akong nag-take ng entrance exam sa kursong napili ko at wala akong nagawa kundi dito pumasok sa oras na makapasa ako. Nang matapos ako ay nagyaya si Sir na kumain kami sa labas at bawal daw ako tumanggi sapagkat nagutom siya kakahintay sa’kin dahil ang kaniyang dinadahilan ay pinaghintay ko siya. Huminto ang sasakyan sa Korean restaurant at bababa na sana ako ng kotse nang mabilis niya akong kinabig kaya nagulat ako ng hinawakan niya ang aking mukha. Dahan dahan siyang lumapit sa’kin kaya parang bulaklak ang aking pusong namumukadkad ng mga sandaling ito. Hahalikan niya ba ako? Hindi ko maiwasan na tanungin ang aking sarili dahil palapit nang palapit ang kaniyang mukha hanggang sa subrang lapit na at halos mabingi ako sa subrang lakas ng t***k ng aking puso. Pumikit na ako at inawang ang aking labi hinihintay na halikan niya ako subalit, “Anong ginagawa mo?” Kaagad akong napamulat ng mata at para akong sinampal dahil nanginit ang aking pisnge. “Hindi kita hahalikan, inaayos ko lang ang bangs mo, sa susunod huwag ka na mag-headband mas magandang may bangs ka,” Wika niya at tinanggal ang suot ko sa buhok. “Let’s go,” Dagdag pa niya at nauna na siyang lumabas ng kotse. Sinabunutan ko ang aking sarile sa matinding katangahan ko. Nakakahiya ang ambisyosa mo talaga Ara!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD