Arabela’s POV Napapapikit ako habang tumatama sa aking mukha ang sumasalubong na hangin habang nakapangulambaba ako sa salamin ng kotse. Subrang namiss ko ang amoy ng tambutso, ang trapik sa maynila at ang sariling wika. Mas dumami pa ang mga stableyesmento kaya mas lumaki pa ang popolasyon ng Maynila kaya crowded na ito ngayon. Lahat ng mga magagandang trabaho ay nasa syudad. Narito ang opurtinidad kaya hindi na ako nagtaka kung bakit lumuwas ng Maynila ang mga magulang ko lalo pa’t senior high na kapatid kong sumunod sa’kin at elementary naman ang bunso namin. “Ara, patingin ulit ng address ng bahay ninyo.” Saka lamang ako nagmulat nang magtanong sa ‘kin si Clayton. Kinuha ko ang cellphone ko at binigay sa kaniya ang address. Nakangiti naman siya nang inabot niya ito at tiningnan n