She said, yes!

1893 Words

Arabela’s POV Isang buwan na akong nakabalik ng Pilipinas at buhat nang muling magkrus ang landas namin ni Matthew ay mas lalong nabuhay ang galit ko sa kaniya. Ang pangtatraydor niya, ang panggagamit niya. At isang buwan na rin na hindi nagpapakita si Matthew sa opisina dahil kung may meeting man ay tanging ang sekretarya niya lamang ang dumadalo. Pero walang daga na nanatili sa kaniyang lungga at sa araw na lumabas siya ay ‘yon na ang araw na mabibitag siya sa patibog ko. Niyakap ko ang aking sarili habang tinanaw ang naglalakihang gusali sa di-kalayuan. Masarap sa mata ang iba’t ibang kulay ng mga ilaw na mas lalong nagpapaganda sa gabi. Binuksan ko pa ang bintana at napasinghap pa ako nang tumama sa aking mukha ang hamog dulot ng pag-ulan sa maghapon. Napakabilis ng panahon. Hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD