Arabela’s POV Mabibigat ang aking hakbang papasok sa unibersidad habang panay ang tabil ng kaibigan ko na halos magkasabay lang kaming dumating at hinintay niya ako ng ilang segondo sa gate. “Hoy, kanina pa ako nagsasalita mukhang hindi ka naman nakikinig eh,” Nakabusangot niyang turan “Wala ako sa mood,” Tamad kong sagot “Palagi ka na naman wala sa mood eh,” Dagdag pa niya. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan at dahil maaga kaming pumasok ay may ilang minuto pa kaming bakante bago magsimula ang first period. “Talaga? Oh my… mahirap nga ‘yan,” Napatampal pa si Kylie sa kaniyang noo nang ikuwenento ko sa kaniya ang lahat at kung paano kami nagkakilala ni Sir Matthew. “Pero kinikilig ako ah, ano kaya ang pakiramdam nang may amo kang lalaki na saksakan ng guwapo at naghihimu