Arabela’s POV Hindi ako pumayag sa gustong mangyari ni sir Matthew, kahit na crush ko siya ay hindi naman ako desperada kahit na mas pabor sa’kin ang offer niya dahil bukod sa wala akong gagawin sa condo niya dahil may kasambahay naman daw siya at madalas pa kaming magkasama. Subalit marunong naman akong mahiya kay Señorita at malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil siya ang nag-offer sa akin na mag-aral. Kahit naman na kinikilig ako kay Sir Matt ay alam ko pa rin kung sino ako at saan ako lulugar. “Ara,” Hindi ko pinansin ang pagtawag sa aking pangalan “Bakit ba,” Inis kong saad kay Kylie kaklase ko sa halos lahat ng subject at masasabi ko rin na kaibigan ko. Siya lang ang bukod tanging pumansin sa’kin sa loob ng isang linggo ko dito sa campus at bahagyang hinila ang aking buhok “