BUNNY MATIIM niyang pinagmamasdan si Asher habang kausap nito ang driver kuno nito na Kiko ang pangalan. Para kasing may iba na hindi niya maipaliwanag. She has a strange feeling about Asher, it's like he's not the Asher she knows. Pero imposible iyon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Papunta sila ngayon sa Hypermarket upang mamili. Sumulyap naman sa kaniya si Kiko mula sa rearview mirror ng kotse. Nasa backseat kasi siya at nasa passenger seat naman si Asher. Isang malawak na ngiti ang ginawa ni Kiko. "Napakaganda niyo po talaga sa personal, Ma'am Bunny," pagpuri nito sa kaniya. Kiming ngumiti lang siya. Naninibago pa rin kasi siya. Hindi siya sanay na may driver si Asher. Tinanong naman niya kanina si Asher kung bakit ito kumuha ng driver at ang sinagot lang n