Chapter 2

1655 Words
“You think this might be a good representation of your so called ‘lack of consent Sir?’ ” “D-delete that! Or else sisirain ko yang cellphone mo!” garalgal ang boses ni Jonas kahit pa pang babanta niyang sinabi ang linya. Nakita kong umiling iyong babae sabay ang sarkastiko nitong tawa. Hanggang ngayon ay lingid pa rin sa amin ang itsura niya. Ilang sandali na ang lumipas at nang mapagtantong walang imik ang kausap niyang lalaki, muli itong nagsalita. “Give me 10 reasons why would I delete this?” It sounded like a mock. Kung hindi lang siguro madilim sa lugar na kinatatayuan namin ay napapanood ko na rin ang itsura ni Jonas. Hindi araw-araw ay nakakasaksi ako ng ganitong klaseng sagutan. “Or nah, at least give me one valid excuse why did you even try to molest your friend?” habol ng babae. Walang anu-ano’y sinagot iyon ni Jonas. He’s already furious this time. “They came here with us sa bar. Ano bang ine-expect mo sa babaeng nagba-bar? Gusto rin naman nila ‘yon kung bastusin ko sila tss!” Tila pumintig ang tenga ko sa narinig kong iyon. Noon din, hindi ko na napansin kung paano ko nakuha iyong bucket na pinaglagyan ng mga bote ng alak. Sa isang iglap, umalingawngaw sa paligid ang tunog ng nagbabagsakang yelo at lata. Dahil dito, naagaw na rin ang pansin ng ilan pang mga taong nasa loob ng bar. Naririnig ko na rin ang mahihinang bulungan sa paligid. “What the f*ck?” “I came here to have fun. I wasn’t expecting for some random d**k Jonas,” ani ko na hindi pinatapos ang huli nitong sinabi. Jonas is soaking wet because of what I poured on him. Aaminin kong nakaramdam ako ng superiority sa sandaling iyon. Pinili ko ang lugar na ito dahil gusto ko sanang magpakasaya bago muling magsimula ang second sem ng schoolyear. Dagdag na lang siguro ang recent break up ko sa ex-boyfriend kong si Andy. Although iyon ang alam na dahilan ng mga kasama ko kaya rin sila nahatak dito sa bar na ito. Para kuno samahan ako. Wala naman akong kaide-ideya na ito pala ang aanihin ko sa pagpunta rito sa bar. Waste of time? Pwede, pwedeng hindi. I don’t think so. Na-eenjoy ko kahit paano ang nasasaksihan ng mga mata ko. Nabalik naman ako sa reyalidad ng marinig ko muli iyong babae magsalita. Hindi ko alam kung anong na-miss ko sa pag uusap nila pero sa tingin ko naman ay makakahabol ako. Ani ng babaeng tinig, “I’m pretty sure we are in the same school. Ano kayang sasabihin ng adviser ng STEM kapag nalaman nilang may manyak silang estudyante? Hmm?” Nakikisama siguro ang DJ ng bar dahil matapos ang speech na iyon, kusang huminto ang tugtugan sa harap. ‘Di nagtagal at nakarinig kami ng dambuhalang mga boses na papalapit sa direksyon namin. Nakarating siguro sa mga security ng pasilidad ang komosyon sa pwesto namin. Maya-maya pa, nag usap-usap silang mga lalaki at pati na rin ‘yong babaeng nakaalitan nila. Hindi ko na sinubukang makisali pa roon kahit na isa ako sa involve dapat sa pagtatalo. Why would I even bother converse with them? Hassle. “Parang wala ka pang pakialam sa paligid mo. Waste of energy, Next time, pick a better circle miss.” Huling beses na nrinig ko iyong babae bago muling hinarap sila Jonas. Sa puntong iyon, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay doon pa lang ako mas na-turn on sa tapang na ipinakita niya sa akin. May kung ano sa dibdib ko at tila nagugustuhan iyon ng maliit na organ sa loob nito. Aniya, “I don’t have plans to delete the picture. Kuya Guard, i-kick out niyo na ‘yang tatlo baka may iba pa silang bastusin dito sa loob.” Her voice was firm and authoritative. Weird to say but it sent shivers down my spine at naguguluhan na rin ako dahil hindi maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang epekto sa akin. Aaminin ko na namangha ako sa pag tatanggol niya sa akin. Though never in my life I imagined being the victim of a story, at this instant, I let her enjoy the spotlight of being the protagonist. Parang na-over power ng bongga ang angas ko dahil sa ikinilos niyang iyon. Maya-maya pa nakaramadam ako ng pagbangga sa balikat ko. Si Britney pala. “Wow- speechless talaga ako, beks,” ani Jeneselle na siyang nagbalik sa akin mula sa train of thoughts ko. “Anong pangalan no’n? Nato-tomboy ako h*yop,” baling naman ni Britney. “Si Chen natulala na beks! Ano naka move on ka na bigla kay Andy?” Hindi ko na napasin kung sino sa kanilang dalawa ang nagsalita. Tanging tawanan na lang ang bumalot sa pwesto namin. Sa sandaling iyon sinubukan kong ibalik ang tuon sa mga bote ng inumin sa harapan namin. Wala narin ‘yong tatlong lalaking kasama namin kanina. Ganoon katagal talaga akong natulala ano? Nag-ayos ako ng upo sa pwesto. Gayon din ang ginawa ng dalawa ko pang kasama. Mayroon pang iilang boteng hindi pa nagagalaw sa lamesa kaya dali-dali ko iyong kinuha. Walang anu-ano’y tinungga ko ng dire-diretso ang laman noon. “Huy, chill! Sabi mo, Britt naka-move on na? Naalala ata ulit si Andy,” pang aasar ni Jeneselle. “Shut up! Gwapo naman ni Andy kung gano’n,” bawi ko sa kausap. Humalinhin ng ilang tawa ‘yong dalawa bago ko muling napansin ang pagsalo nila sa akin sa pag-inom. Sayang naman kung iiwan namin ‘yong mga alak dito sa table. Isa pa, ito rin naman ang balak talaga, ang magpakalasing. Kinuha na rin nila Jeneselle ang unang boteng nakita. Hindi katulad kanina na cautious ang mga ito sa pag-inom, naramdaman kong mas carefree na sila ngayon dahil na rin siguro sa pag alis ng mga kasama naming lalaki. Nagdaan ang ilang oras at napag pasyahan naming tatlo na mag ikot-ikot sa lugar. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, ramdam ko ang sabay na pag ikot ng mundo sa mata ko. nakarami na nga siguro ako ng ininom but who cares, right? Narating namin ang dance floor nila Britney at Jeneselle. Unti-unti rin rumehistro ang maingay na tugtog sa tenga namin. Kahit siguro magsi-sigaw kami, hindi non mao-over power ang lakas ng musika sa likod. Tulad ng karamihan, sunod sa indayog ng tugtugan ang mga katawan namin. One moment, we’re dancing dramtically, the next thing we knew is we’re living the moment. Ang bawat kantang natatapos ay animo’y katumbas lamang ng segundo. Ramdam ko na rin ang pagod pati na rin ang pawis na namumuo sa buong katawan ko. Idagdag mo pa ang kapal ng telang nakayakap sa akin. Sandali akong tumigil at hinayaang sumayaw ang paligid sa mga mata ko. Daang-daang tao ang dumadaan sa bawat gilid ng mga mata ko. Saksi nito ang kabi-kabilang ritmo ng mga galaw sa bawat saliw ng musika. Daan-daang mukha ngunit animo’y may hinahanap na sariling panlasa ang mga mata ko. Ngunit ano iyon? O ano nga ba? Maari rin namang sino ang tamang tanong para rito. Sa isang iglap, huminto ang oras sa harapan ko. A pair of orbs met mine and I felt like I’m diving right into her soul. It was a different connection. Sa oras na ito, animo’y hinihiling ng katawan kong makasayaw ang mga matang nakatitig sa akin sa sandaling ito. Katulad ng namamatay na ningas ng gasera sa gitna ng kawalan, unti-unting binalot ang paligid ng kadiliman. Poetically, that’s how I see it. The party stopped right in front of me. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong deskripsyon ng emosyong ito ngunit ihahalintulad ko iyon sa huling tulang binasa ko. Wild nights -wild they are; Sanctuary, to me that’s how they are Her eyes were the door Guide as I craw to tis’ moonlit-floor The darkness is still complete Same dark reason why I compete Half-deserted streets –half-relived my scar My soul has found its mate –from a far -Uhtceare Nakaramdam naman ako ng mainit na balat sa kamay ko. Just like that, I heard her speak. “Miss okay ka lang? Nasaan ang dalawang babaeng kasama mo?” ani ng pamilyar na boses. Maaaring dala lang ng alak ang lahat ng ito dahil pakiramdam ko rin ay nawawala na ako sa sarili. Pero tila narating ko ang tuktok ng mga emosyon ko. Iyon bang akala mo commercial ng music app na bigla na lang nag slow motion ang lahat sa pwesto mo? ‘Yong tipong akala mo lumulutang ka sa sobrang pag sasaya? Kung tama ako, it is what they call that ‘euphoric’ moment. Napako pa lalo ang mata ko sa itsura ng babaeng kanina ko pa tinititigan. Her eyes were gray. She has a piercing nose and a thin yet perfect shape of face. Malayang umaalon ang buhok niya pababa sa kung sino man ang may alam kung hanggang saan aabot ang buhok nito. She’s wearing an open polo and who knows who what’s inside it. I barely look unto her details yet pakiramdam ko ay napaka wirdo ng lahat ng ito. Is it possible to feel something so powerful like this towards someone you’ve never met before? I can’t even find the right words to describe it. Nor at least try to engage some conversation to her. Euphoric, indeed it was. Natigil ako panandlian nang konti na akong mabuwal sa kinatatayuan dahil sa mga nagtutulakang tao sa tabi ko. “Ikaw ‘yong kanina, ‘di ba? You really love to be in distress no girl? Lasing ka na, oh,” ani ulit ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD