Chapter 3

2903 Words
“Ikaw ‘yong kanina, ‘di ba? You really love to be in distress no girl? Lasing kana oh.” ani ulit ng babae. Masungit ang pagkakasabi niya roon. Pumanhik naman ang temperatura sa pisngi ko. She sounded like my mom and I felt the concern on her words more than her abrupt tone.  Sandali lang, nakaramdaman ko ang paghatak sa kamay ko. Dali-dali naming tinahak ang magulong daanan na sinasayawan ng mga tao sa paligid namin. Hindi nagtagal at narating namin ang table namin ng mga kaibigan ko. Maya-maya pa naramdaman ko ang marahang pagtulak niya sa akin sa isa sa mga upuan. I sat comfortably there while she remained standing. “Hintayin mo na lang ang friends mo dito. Bye!” Aktong aalis na sana siya. Mabuti na lang at napigilan ko ang kamay nito. Napansin ko naman ang pagtataka sa kaniya at kahit ako ay nagulat sa ginawa ko.  “W-wait! Too soon?” saad ko rito na mabilis niyang tinugon, “Do you need something?” Do I need something? I don’t know. Suddenly, I felt a sudden change of pace with my heartbeat. Sa puntong ito, may nagtutulak sa akin na kilalanin ang taong kasama ko. There’s something in her. May kung ano lalo nang gunitain ko ang tula ng paborito kong manunulat sa imahe niya kanina.  “A-uhm, t-thank you sa pagdala sa akin dito. If you don’t mind, I’ll buy you a drink?” imbita ko. Mabilis siyang umiling sa alok ko. Hahakbang na san siya palayo at may kung ano naman sa akin na pinigilan ang kamay niya. Agad bumaba roon ang titig niya kaya naman mabilis kong inalis ang kamay ko. Shet, I’ve never been so nervous like this. “W-watch me drink this bottle straight? Ano game? Entertainment lang? G?” alok kong muli. That sounds lame and stupid. Kung pwede lang ay sinapito na siguro ako ng inner self ko. Lumingon siya sa akin at saka nag smirk. Aniya, “Straight... I don’t think I’m going to be entertained with your ‘straight’ move miss Christienne.” Nanlaki naman ang mata ko nang bigkasin niya ang pangalan ko. Although I shouldn’t be surprised dahil pansin kong marami naman talaga ang nakakakilala sakin, tila nakaramdam ako ng pagkasorpresa sa kaniya. Matapos ang huling sinabi, sinubukan niya muling humakbang palayo. Bigla naman, sa hindi malamang lugar ay nakahugot ako ng lakas ng loob na magsalita muli. In hopes na mapigilan siya. “W-what’s your name?” mabilis na tanong ko. Agad itong pumaling at umaktong naguguluhan. I’ve never been like this. I just saw her earlier on the dance floor and now, I felt like a creep for digging in to her details that fast.   “Why???” Anong why? Can’t she just cooperate with me? Pangalan lang naman ang hinihingi ko.  Nag iwas siya ng tingin sa akin. Pagkakataon ko para muling tumugon, baling ko, “Just tell me your name! Why do you have to answer back with a question?”  “I have to go. Hinahanap na ako ng kaibigan ko,” walang emosyon niyang sagot bago tuluyang lisanin ang pwesto.  Tulad ng inaasahan, naiwan akong iritado sa kinauupuan ko.  Alas-onse na nang sipatin ko ang relong suot ko sa kaliwang braso. Ilang oras akong naghihintay sa pwesto kasama ang ibat-ibang bote ng mga alak. Sa sandaling ito, tanging tahimik na simoy ang dumadaan sa pwesto ko salungat sa maingay na musikang ibinabato ng bar. Sa takbo ng oras sa lugar, kahit mabagal sa pagkakataong ito, nawala sa isip ko ang dalawang kaibigang kasama ko kanina. Naubos ko na ang mga natitirang bote ng alak sa mesa ngunit himala’t hindi na nakabalik sila Britney at Jeneselle. Hindi kaya ay nauna na silang umuwi sa akin? Well I guess I’m going home alone.  Nahihilo ako pero mas matimbang iyong pagbabalik ng mga imahe ng babae kanina. Nang iwan ako ng huling kasama kanina, animo’y nilisan rin ako ng will ko para magpakasaya dito sa loob. I can’t help but picture her on my mind. I don’t know what came to me but I really like how she looks though. Kung ganon ang itsura ko baka hindi lang isa ang jowa ko. Kahit babae mahuhulog sa akin, ‘no?  Hindi ko sigurado kung tama ang impormasyong binigay sa akin ng sarili kong mata nang mapansin ang maputing balat nito. She has this piercing and mysterious look in her eyes. Marahil iyon ang captivating part para sa akin. Saang planeta ba siya galing at akala mo’y foreign ito sa paningin ko. Don’t get me wrong, hindi siya mukhang alien. To pick a cheesy line, ‘out of this world’ might be the right term. Walang anu-ano’y nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi ko. “W-wait! What?! Chen ano ba?” bulong ko sa sarili. Napahawak pa ako sa noo ko matapos bitawan ang mga iyon. Pero hindi naman ako dapat maging defensive hindi ba? Aish! Normal naman siguro ang magkaroon ng girl crush. Tama, ganon na lang ang iisipin ko. “Ma’am drinks pa po?” ani noong lalaking boses sa harapan ko. Wala akong ideya kung gano katagal ng nakatayo si Kuya sa harap ko. tumango ako ng maraming beses sa alok nito. Mukhang kailangan ko pa ng maiinom. Kape ba dapat para kabahan ako sa sinsasabi ko? Charot. “Yup kuys, isang bottle pa po nitong kaprehong bote nito,” wika ko. Noon din ay tinungo nito sa counter at mabilis na bumalik sa pwesto ko nang makuha ang order ko.  Nilapagan niya ako ng eksaktong inuming sinabi ko. “Hindi po ba may kasama kayo kanina ma’am?” tanong no’ng parehong lalaking nag abot ng inumin. “Ahh, opo, ‘yong dalawa kong kaibigan. Hindi ko po alam eh, baka nauna ng umuwi,” bawi ko sabay lagok sa bote.  “Hindi po ba sila ‘yong nasa counter? Ayun po, oh?” aniya sabay turo sa gawing harap. My eyes were expecting for Britney and Jeneselle as I turned my gaze on this guy’s direction. To my surprise, it was the girl earlier. Bigla naman, sa paglunok ko ng iniinom ko, hindi pait ang rumehistro nang lunukin ko ang likido. It tasted sweet and I find it cute at that moment. Should I try again this time? Muli namang nanumbalik sa ala-ala ko ang pag iwas ng babaeng iyon sa tanong ko kanina. Dumagdag pa sa inaalala ko kung ano ang pangalan niya. Kung bakit kasi pangalan na lang ay kailangan pang ipagdamot. Grabe siya, may pangalan din naman ako, hindi ko naman nanakawin pangalan niya. Pakiramdam ko na-busted ako sa unang pagkakataon. Unang pagkakataon kong tatawagin dahil hindi madalas na mangyaring may mag reject sa akin, whether it may be as an offer of friendship or any kind of invitation. Anong problema ba non? Hays. Iisipin ko na lang rin na baka pangit ang pangalan niya kaya ayaw niyang sabihin.  “Mauuna na ako, Ma’am, kung gusto n’yo po sabihan ko ang mga kaibigan niyo na nandito po kayo sa table na to-” hindi na natuloy ng crew ang sinasabi niya nang tuldukan ko ito. Baling ko, “Hindi na kuya, gugulatin ko na lang sila mamaya.” Tumango siya sa akin bago tuluyang bumalik sa pwesto niya sa counter. He really bought my words. Akala siguro niya ay kaibigan ko nga ang tinutukoy niya. Jokes on him. To be honest, nagdalawang isip akong mag try ulit dahil malakas ang pakiramdam ko na maba-busted ako ulit sa paghingi ng pangalan. Plus, why bother? Hindi ko rin naman laro ang magpumilit sa isang circle na ayaw akong papasukin.  Pumatak ang kamay ng orasan sa ika-12 na numero sa relo ko. Pinangako ko sa sarili kong matapos ubusin ang laman ng dalawang bote, uuwi na ako sa boarding. Sa pagitan ng bawat pag inom, unti-unting pumasok sa utak ko ang lahat ng pinagdadaanan ko nitong mga nakaraan. I made it though. I made it look like I wasn’t really hurt by what Andy did to me. Aaminin ko, it was a blow to my stomach. Sino ba namang hindi masasaktan kapag ganoon ang ginawa sayo hindi ba? Naririnig ko sa sarili ko si Liza. Pangit ba ko? Kapalit-palit ba ko? lol. Bastardong iyon, sa ganda kong to nagawa akong lokohin. Hindi naman ganon kasakit pero naiinis ako sa part na baka sa pagpasok ko ngayong third quarter, laman ako ng balita. mabuti sana kung maganda eh ang siste, malamang sa malamang ay awa ang lilikumin ko sa balitang iyon. Mabuti na lang may isang araw pa ako para makapag ready para doon. Pagkatapos ng gabing ito, magpapalipas ako ng gabi sa boarding bago dumiretso sa bahay. Isa at higit pang tungga, nalalapit na ako sa dulo ng lalagyan. Pansin ko na rin ang grabeng pag-ikot ng paligid ko. Hindi naman ako duling pero ngayon higit pa sa dalawa ang nakikita ko. Imbis na matakot sa sitwasyon, natawa pa ako dahil buhol-buhol na rin ang lagay ng utak ko.  “Let’s call it a night!” I cheered myself. I recollected myself. Dadaan muna ako sa CR para mag ayos ng bahagya. I have no idea how terrible I look but at least, I have to make a quick glance on the mirro before I go home. Marahan akong tumayo sa kinauupuan at paliko-likong tinahak ang palikuran. It took me ages before I made it there. Wala na rin akong interees malaman kung gano ko katagal inabot. Ang alam ko lang, tanaw ko sa harapan ang repleksyon ng sarili ko sa salamin. Kahit nahihilo, sinubukan kong ayusin ang mukha ko. Pinasadahan ko ng suklay gamit ang kamay ko. Ngumiti pa ako sa sarili kong imahe. Malapad na ngiti, parang t*nga gano’n. Matapos iyon, tumalikod ako para pasukin ang isa sa mga cubicle sa lugar. Sa pagtulak ko ng pinto, laking gulat ko ng tumambad ang isang babaeng nakaupo sa toilet seat.  “S-sorry, hindi kasi naka lock ang pinto pasensya na-” Isasara ko na sana nang biglang nawalan ako ng balanse sa pagkakatayo nang maramdaman ko ang malakas na paghatak sa akin papasok sa loob ng maliit na espasyo. Noon din narinig ko ang pagsara ng pinto sa likuran ko. Sa pagkakahulog ko sa braso ng kasama, sa wari ko ay hirap ang pwesto ng babae lalo na’t halos mapaliyad ito. Hindi katulad sa labas na matingkad ang tama ng mga ilaw, sa pwesto namin, limitado ang source kaya naman hirap akong tukuyin kung sino ang kasama ko sa mga sandaling ito. Nang magkaroon ng pagkakataon, umayos ako ng tayo. Iniwasan ko rin ang pagkapit sa polo niya kahit hirap.  “Ikaw ulit?!” gulat na bulong niya. Magsasalita na sana ako nang may nagsalita sa tapat ng pintong kinabibilangan namin. Paano ko nalaman? Kahoy ang pagitan mula sa amin at ng boses. “Aliyah! Alam ko nandito ka lang,” ani ng boses sa labas. Bigla namang napa kamot sa ulo ang kasama ko. Iritable rin niyang hinawi pataas ang buhok niya. Siya ba ang hinahanap sa labas? “Lumabas ka nadiyan, wag mo naman ako ipahiya sa nireto ko sa’yo,” ani ulit ng babae. This time napairap siya. Hindi ko na rin napigilang magsalita. “Aliyah pala pangalan mo,” it is more of a conclusion. Hindi iyon pinansin ng nasa harapan ko. Instead tinakpan niya ang bibig ko. Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa pagtalbog ng ulo ko sa pwersang ibinigay niya. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya at nagwagi naman ako. “Aliyah! Huwag mong hintaying buksan ko tong pinto! Ang bad mong bestfriend,” ani muli ng babae sa labas. Nagta-tantrums na yata. “Bakit hindi mo pa labasan?” ani ko. Iritado siyang bumulong pabalik, “Pwede ba makipag-cooperate ka? Dapat pala tinulak kita palabas ng banyo! Aish! Bakit nga ba kasi nahatak kita!”  “Aliyahhh! Bibilang ako sisirain ko tong pinto huhu! Naghihintay sa labas si Jayson!” muling panunuyo ng kaibigan niya. Sa liit ng distansya namin, hindi na sorpresa kung maaamoy namin ang isat-isa sa presensya ng alak. Maya’t-maya ang pigil ko na matumba sa pagkakahilo dulot ng dami ng nainom. Napansin siguro niya kaya inalalayan niya rin ako sa pwesto. Isinantabi ko iyon at muling nagsalita. “Aliyah, pagbigyan mo na kaibigan mo, nahihirapan na rin ako sa pwesto natin,” ani ko ngunit hindi niya iyon pinansin. “Bakit ba ayaw mo? Pangit ba ‘yong Jayson?” tanong kong muli. This time sinamahan niya ako ng tingin. “Pag hindi ka pa tumahimik ako na gagawa ng paraan para tumahimik ka!” banta niya sa kin. “Naririnig kita, bes! May kasama ka ba sa loob? ...Liyah?” Noon din biglang nag-angat ng dalawang paa si Aliyah na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa toilet. Sa tingin ko ay natunugan nito na baka sumilip mula sa ilalim ang kaibigan. Kahit hirap sa pagba-balanse ng katawan, Aliyah tried her best to maintain her balance. Mukha siyang palakang nakabukaka sa harapan ko. Pinipigilang mahulog sa pwesto.  “I hate guys,” aniya. Siangot ko agad, “You hate guys? Sus! Ano pa lang gusto mo? Girs?” Hindi ko napigilang matawa sa sinabi ko at pati na rin sa pwesto nito. Sinubukan kong pigilan ngunit unti-unting lumabas ang hagikgik sa pagitan ng mga labi ko. Mas lalo pa akong natawa ng magsimulang maging evident sa postura ng kasama ko ang pagpa-panic dahil sa ingay na ginagawa ko. “Hey stop laughing! What’s f-funny ba?” “Aliyah??? Hindi ka ba nangangawit diyan sa loob??” Salitan ang boses na naririnig ko. Isa at higit pang sandali ay mas natatawa ako sa hindi presentableng postura nito. Nasisiraan na yata ako ng bait dahil napakababaw ng kaligayahan ko. “I said stop! Y-you’re making fun of me I’ll kiss you sige ka ‘pag hindi ka tumahimik!” Her whisper is somehow thunderous. May bahid din ng kaba sa pagitan nito. “Isa, Christienne... I said stop. It’s not funny,” hindi na siya bumubulong ngayon pero mahina pa rin ang boses niya.  “ALiyah come on? Labas na nakakahiya kay Jayson naghihintay, oh.” “Paano mo ‘ko iki-kiss? Sige nga raw,” bulong ko rin sa pagitan ng mga tawa. I wasn’t really serious about it. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob mang asar. I am sure that the alcohol surely does its job. “Bet you wanna-” Those were the last words I heard from her. Laking gulat ko na lang nang maramdamang may mainit na dumampi sa labi ko. I was caught off guard. The time stopped right after her lips met mine. They lingered there for a second. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hinayaan ko iyon. Sa katamtamang tono ng dilim ng paligid, sinubukan hanapin ng mga mata ko ang babaeng nasa harapan ko. Her eyes were shut firmly. I could barely focus on how soft she felt against my mouth, she invaded all my senses. Noon din naramdaman ko ang pag galaw ng mga labi niya sa labi ko na siyang ikinabuhay lalo ng presensya ko. Is this even real? Sa sandali, nanlambot ang tuhod ko. Panandalian kong minulat ang mga mata ko para irehistro muli ang sarili sa reyalidad. It was hard as the alcohol only worsens the situation. I shouldn’t be letting this happen yet here I am torn between pulling out of the kiss or diving in deeper. As I met my predator’s eyes, Aliyah remained her orbs half open. Ilang minuto na ang lumilipas nang mapansin ko ang pagtataksil ng sarili kong isip nang sang-ayunan ng katawan ko ang ikinilos ng kasama ko. As the moments flew swiftly, I found her hands hands tugging the hem of my shirt. Sa puntong iyon, tinulak ko ang kamay niya palayo sa akin. I felt the electricity flowed in between us righit after we hold hands. Marahil ay naramdaman rin niya iyon nang bigla niya akong bitawan mula sa mahigpit na pagkaka-kapit. We parted slowly while catching our breaths. “Aliyah? O-oh sh*t! nakakahiya, sorry po!” baling ng boses ng kaibigan niya sa labas. Narinig naman namin ang pagtugon ng isa pang boses. Animo’y kalalabas lang din ng pinto. Marahil sa katabing cubicle namin. Maya-maya pa, papahinang tunog ng stilyetos ang narinig namin. Senyales siguro ng paglabas sa palikuran ng kaibigan niya. Sa sandaling ito, mas nakaramdam ako ng pagkahilo kasabay ang patuloy na pagdama ng malakas na pagkabog ng puso ko.  I also saw Aliyah backed away in frustration. Nagawa ko na lang sumandal panandalian sa gilid. Nang makakuha ng pagkakataon, humakbang siya palabas ng cubicle at naiwan akong nagpapakalma mula sa pwesto. Bigla ko naman itong narinig muli. “I-Im sorry...” her voice was shaky. After few seconds, I found myself inviting her, “By any chance, do you want to continue where we left tonight?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD