bc

Sweet Escape (Tagalog)

book_age16+
88
FOLLOW
1K
READ
popstar
comedy
bxg
icy
bully
city
enimies to lovers
lies
sassy
like
intro-logo
Blurb

Sabi nila, kung gaano daw kabilis lumipas ang panahon, gano'n din kabilis magbago ang estado ng isang tao. Parang ikot lang ng gulong, minsan nasa ibabaw ka, minsan naman nasa baba. Walang permanente, lahat nagbabago.

He's nothing but a good for nothing jerk now. And she's as famous as she can ever get.

What if they've crossed paths again? Sa ibang pagkakataon at sa nagkabaliktad nilang kapalaran. Will she take the initiative to get her sweetest revenge? Or will she find herself in a deeper trap than she was before?

chap-preview
Free preview
Root Beer
"Hoy, singkit!" Awtomatikong mapayuko si Mary Joy nang marinig ang malakas na singhal ni Tristan. Hindi na niya nagawang makatakbo nang lapitan siya nito dahil na rin sa kumpulan ng mga estudyante na nakapaligid sa kanila. "Napipe na yata 'to pare." pangungutya pa ng isa sa mga lalaking kasama nito na tila bagot na bagot na. "Bakit ba kasi pinag-aaksayahan mo ng oras 'yan? Ang boring naman." Lalo siyang kinabahan nang marinig ang marahas nitong buntong-hininga. Ni hindi nga nilingon ni Tristan ang mga kasama. Nanatili nakatitig sa kanyang direksyon ang nagngangalit nitong mga mata. "Alam mo ba kung ano 'to?" Sinundan niya ng tingin ang itinaas nitong piraso ng papel. "Alam mo ba? Sagot." mabagsik na utos nito. Marahang tumango si Mary Joy. "Papel." Mahina lang ang boses niya pero sapat na para marinig ito ng mga estudyante na nasa paligid nila. Nagtawanan silang lahat sa isinagot niya. "Papel?" Nakita niyang gumuhit ang inis sa makisig na mukha ni Tristan. Luminga ito pabalik sa papel bago muling bumaling sa kanya. "Pinagloloko mo ba 'ko?" Napalunok siya. Hindi niya alam kung pa'no malulusutan ang isang 'to. Mukhang malakas ang tama ng kamalasan sa kanya ngayong araw. Umaga pa lamang ngunit mukhang mapapasubo na naman siya sa pambu-bully ng grupo ni Tristan. "Ano bang gusto mong isagot ko? Papel naman talaga 'yan 'di ba?" Naglakas-loob na siyang pilosopohin ang galit na binatilyo na nasa kanyang harapan. Hindi naman talaga siya takot sa gunggong na 'to. Sadyang nasisindak lang siya dahil alam niyang maraming gaganti para dito sakaling magkamali siya ng galaw o pagsasalita. "Root beer." biglaang bulalas nito at binuksan ang nakatuping papel sa harapan niya. Nagtatakang tinapunan niya ito ng isang inosenteng tingin. "Root beer? Magpapabili ka? 25 pesos sa canteen yun. Samahan mo na ng enseymada, 12 pesos lang 'yon." Sinagad niya na ang pagmamatapang niya. Tutal alam naman niyang mauulanan siya ng kamatis mamaya. Magantihan man lang niya sa ganitong paraan si Tristan ay masaya na siya. Napahilamos ito ng mukha at halatang napupuno na sa kanyang mga patutiyada. Isabay mo pa ang hagikgikan sa paligid na sa hula niya'y lalong ikaiinis nito. "Quiet!" mala-prinsipeng utos nito. Like a casted spell, every mouth in that scene shut. Of course, no one would dare defy this guy. At least not in this campus. "Talaga bang inuubos mo ang pasensya ko, root beer? " May himig na ng pagbabanta sa tono ni Tristan kaya't hindi na siya naka-imik pa. Tahasang nilapit nito ang papel sa pagmumukha niya. "Root beer, 'yan ang pangalan ng sender ng love letter na 'to." Love letter? Muling umingay ang paligid at nagsimulang magbulungan ang iba. Biglang tumalim ang tingin ng karamihan sa mga babaeng nakapaligid sa kanila. Napabuntong-hininga na lamang si Mary Joy dahil dito. She really can't believe what's happening right now. Siya? Magpapadala ng love letter sa pinakasusuklaman niyang tao sa buong mundo? Hindi pa siya nakahithit ng rugby para gawin 'yon. Iikot muna pabalik ang mundo bago niya maisipan na gawin ang kalokohan na 'yan. "So, ano? Pinagbibintangan mo na 'ko n'yan?" muling bumirada ang taratitat niyang bibig. Gusto niya sanang batukan ang sarili sa pabigla-bigla niyang pampipikon dito. Malakas ang pakiramdam niyaang pagsisisihan niya ito. Batid niyang inilalagay niya sa bingit ng impiyerno ang buong buhay hayskul niya sa kanyan ginagawa ngunit sumusobra na kasi ang pang-aapi nito sa kanya. Sawa na rin siyang umuwi na nangangamoy kamatis kaya ipinaubaya na niya sa apoy ng impiyerno ang kanyang kaluluwa. "So, sa tigin mo magpapadala ako sa'yo ng love letter porke't root beer 'kuno' ang nakasulat sa dulo ng papel na 'yan? Feeler ka?" Sandaling tumahimik ang paligid matapos ang sarkastiko niyang pahayag. Nagkaroon lamang siya ng kumpiyansa nang nag-ingay silang muli bunga ng pagkamangha sa kanyang matapang na pagsagot kay Tristan. "Sus. Not a big deal." mayabang na sigaw niya sa kanyang isipan. Lalong dumilim ang wangis ng binatliyong kaharap. Maya-maya'y nagulat na lang siya nang bigla nitong pira-pirasuhin ang love letter na 'yon sa mismong harapan niya at tinapunan siya ng isang makatindig-balahibong tingin. "Ang ayoko sa lahat 'yung pinagtitripan ako." sumenyas ito sa mga lalaking nasa gilid at ngumisi. "Tutal mukhang suki ka naman ang root beer sa canteen, pinakyaw ko na para sa'yo." Nagsimulang buksan ng mga schoolmate niyang lalaki ang mga bote ng root beer. Napa-atras siya nang bahagya. Alam na niya ang mga susunod na mangyayari rito. Mali pala siya nang inakala niyang uuwi siyang amoy kamatis ngayong araw. Hindi kamatis ang kanyang kakaharapin ngayon, root beer pala! "Oops. San ka pupunta?" mapang-asar na tanong ni Tristan habang gapi-gapi ang braso niya nang tangkain niyang tumakbo pababa ng hagdanan. "Hindi ka ba magte-thank you?" Bago pa siya makaalma at manlaban, itinulak na siya nito sa isang gilid. "Fire away!" Tumilapon ang nagtatamisang likido ng root beer sa ere. Bago pa tumama 'yon kay Mary Joy, ilang santo na ang tinawag niya para gilitan ang leeg ng Tristan Go na 'yon. Isinusumpa niyang hindi lang isang case ng root beer ang matitikman nito sa oras na magkaroon siya ng pagkakataon na makaganti sa antipatikong lalaking ito. --- "Mary? Mary Joy?" malakas na sigaw ni Donita Rose na nagpa-gising sa nahihimbing na diwa ng dilag. Umupo ito sa tabi niya at sinalat ang kanyang noo. "Nilalagnat ka pa nga. Nagdidiliryo ka kanina eh." Kumunot ang noo niya kasabay ng isang hikab. "Nilalagnat? Nagdidiliryo?" nagtatakang tanong niya. Marahan niyang kinapa ang leeg upang kumpirmahin ang sinabi nito. Nanlaki ang kanyang mga mata nang napagtantong mainit nga siya. "Oo. Sumisigaw ka pa nga, friend." dagdag pa nito at pumikit na tila ginagaya ang pagdedeliryo 'kuno' niya kanina. "Root beer! Root beer!" Napahawak siya ng batok sa narinig. Root beer? Sa lahat ng masamang panaginip na puwedeng dumapo sa kanya, 'yung kwentong root beer pa talaga. Mukhang dadalhin niya yata hanggang hukay ang alaalang iyon. "Sinigaw ko 'yon?" Hindi pa rin siya makapaniwala. "May iba bang nakarinig sa'kin bukod sa'yo?" Umiling si Donita Rose. "Kami lang ni Josefina." sagot nito. Nakahinga siya ng maluwag. Kung nagkataon na may nakarinig sa kanilang paparazzi o media, malamang na lalabas 'yon sa mga tabloid, kakalat sa social media at maiiskandalo pa siya. And worst of all, she can already imagine Tristan's smug face if he ever heard about it. "Hindi ka pa ba nakakamove on, friend? Ang tagal na oh. Dinaig mo pa ang haba ng storya ng Pepito Manaloto sa drama mo. Seven years ago na 'yon, bakla!" pakikay na sermon sa kanya nito habang nagma-manicure ng kuko. "Alam mo naman kung ga'no kalaki ang galit ko sa hinayupak na 'yon 'di ba? Andoon ka kaya." inis na tugon ni Mary Joy. "Nasaan na nga pala si Manager?" pag-iiba niya sa usapan upang maibsan ang sama ng kanyang pakiramdam. "May binili sa labas eh - " Hindi pa natatapos si Donita sa pagsasalita nang pareho silang matigilan sa pagdating ni Josefina. Hapong-hapo ito at may hawak na dalawang baso. "Heto na." "Ano 'yan?" sabay pa nilang tanong. "Root beer." Nagsalubong ang kilay niya't napabuntong hininga na lamang. Wala namang magagawa ang inis sa pagkakataong 'to. May trabaho pa siyang dapat asikasuhin at intindihin. Kung bakit ba naman kasi sumagi pa sa isip niya ang nakakagalaiting alaala na 'yon. ---- "Judge?" Halos pasinghal na bulalas ni Joy nang kausapin siya ng event organizer. Ang buong akala niya kasi'y magpe-perform lang siya sa event na 'to. "Wala naman sa pinagkasunduan 'yan ah." kontra ng manager niyang si Josefina. Napakamot na lang ng ulo ang event organizer. "Sige na po, Miss Mary Joy. Inaabangan ng mga taga-baryo at Miss Gay contestants ang paghuhurado niyo." "Eh may sakit nga 'tong talent namin eh. Nakikinig ka ba?" Nakisali na rin sa usapan si Donita. Hindi na niya pinakinggan ang pagtatalo ng tatlo. Masyado nang masakit ang ulo at katawan niya para makipag-diskusyon pa. Sa halip, natagpuan niya ang sarili niyang nakatitig sa isang sa mga contestant ng Miss Gay pageant na nakapila back stage. Tila pamilyar sa kanya ang tindig at itsura nito. Nakatagilid ito kaya't hindi siya makasigurado kung nakikilala niya nga ba ito ngunit may kakaibang kutob na namamayani sa kanyang dibdib. "It can't be you, right?" mahinang bulong niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dark Obsession - SPG (Book 1 of Obsession Trilogy)

read
798.9K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Traded

read
84.7K
bc

Unwanted

read
522.4K
bc

SPELLBOUND - Masked Bachelors 1

read
81.7K
bc

OWN ME, MR. PLAYBOY

read
288.2K
bc

THE DEVIL'S BRIDE - LUST (COMPLETED)

read
30.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook