Hinding-hindi niya malilimot ang kahindik-hindik na mukhang iyon. Kahit gaano pa kakapal ang pulbo at lipstick na ilapat sa balat nito'y imposibleng magkamali siya.
It's Tristan Dimitri Go. The only man on earth she wants to destroy with her bare hands.
"Miss Gay, huh?" Hindi niya naiwasang mapahagalpak ng tawa at mapasapo ng noo. It's just so unbelievably amusing!
Mukhang umaayon sa kanya ang kapalaran. Sinong magaakalang sa ganitong klaseng patimpalak niya makikita ang dating eye-candy ng campus? Nasasampal din pala ng karma ang mga taong gaya nito. Ngunit hindi pa sapat para sa kanya ang nakita niya. Sinisigurado niyang mapapamukha niya rito kung ano na ang estado niya ngayon.
"Friend, di mo ba ginagamit utak mo? Ibenta mo na kaya? Sayang naman." sarkastikong basag ni Donita Rose sa pananahimik niya habang parang tangang ngumingiti-ngiti mag-isa sa harapan ng salamin.
"Ha?" binalingan niya ito ng tingin at tila di narinig ang sinabi ng kaibigan.
Inis na umupo ito sa tabi niya. "Ano bang katangahan ang dumapo sa'yo at pumayag ka mag-judge sa cheap pageant na 'to? Like, duh?"
Umiling siya at tinapik ang balikat ng namumuryot na kaibigan. "Malalaman mo rin, Donita. Maghintay ka lang." kumpiyansa niyang bulalas.
"Hala, lukaret. Pasuspense masyado!" angal ni Donita Rose. Siya nama'y tumatawa-tawa na lumabas ng dressing room.
NUMBER 13. Sinusundan ni Mary Joy ng tingin ang hinihinala niyang Tristan sa backstage ilang minuto bago magsimula ang pageant. Nakasuot ito ng sparkling blue gown na nadedekorasyonan ng white feathers. At tulad ng karamihan sa baklang contestants doon, sobrang kapal ng make up nito.
Hanggang ngayon napapa-iling pa rin siya. Paanong nauwi sa ganitong kalagayan ang lalaking 'yon? She wanted to know so badly. Gusto niyang hamakin ito tulad ng ginawa nito sa kanya dati. At ngayong hawak niya ito sa leeg, hindi niya na papakawalan ang pagkakataong makaganti dito.
"Sayang 'no?" biglang tanong ni Josefina na nasa tabi niya pala. "Ang guguwapo pa man din ng ibang mga bading dito. Puwedeng magpalahi." dagdag pa nito saka humagikgik na parang pusang hirap manganak.
Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Guwapo rin hanap ng mga 'yan. Asa ka pa, 'fina."
Ngumuso lang ito at inangilan siya. "KMJ ka talaga!"
"KMJ?" Kumunot ang noo ni Mary Joy.
"Kill Mary Joy!" pasigaw na tugon nito.
Tinaasan niya ng kilay si Josefina. Halatang hindi niya nakuha ang ibig sabihin ng manager niya.
"Ugh. Ang slow mo talaga." Padabog na nagmartsa ito paalis sa tabi niya.
"Anong slow do'n? Parang sira." Nagkibit-balikat siya at muling binaling ang tingin kay Tristan. Unti-unting gumuhit sa kanyang labi ang pagpupunyagi.
Ilang sandali pa'y nagsimula na ang pageant. Umalingawngaw na sa paligid ang ingay ng mga taong nasa plaza at ang saliw ng tugtugin. Inip na naka-upo si Mary Joy sa mahabang lamesa kasama ang iba pang mga hurado. Hindi siya nag-abalang pakinggan ang pinagsasabi ng baklang host sa taas ng entablado. Kahit kailan talaga hindi niya nagustuhan ang mga ganitong event. Kung hindi nga lang siya napaki-usapan ng fansclub niya, hindi niya maiisipang pumunta dito.
"At dahil may special judge tayo, naiinsecure tuloy ako," pakikay na wika ng bading na host at lahat ay napatingin sa kinauupuan ni Mary Joy. "Nakakaloka! No'ng nagpaulan yata ng kagandahan, may dala siyang timba at sinalo niya lahat! Hindi nag-share! Palakpakan natin ang tunay na diyosa, Miss Mary Joy Chua!"
Nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat. Napabuntong-hininga na lamang siya at pilit na ngumiti habang kumakaway. Sanay na siya sa mga pambobolang binibigay sa kanya ng mga tao pero hindi na siya naniniwala sa mga ito. Alam niyang kapag nakatalikod siya, isang damukal na insulto ang ipapaulan ng mga ito sa pagkatao niya.
Nagsimulang magrampahan at magpakilala ang mga contestants. Nanatili siyang mapagmasid sa bawat galaw ni Tristan. Sandaling nagtama ang mga mata nila ngunit mukhang hindi siya nakikilala nito.
"Wow. Nagladlad lang nagka-amnesia na?" Sarkastikong bulong niya sa kanyang isipan.
Makailang-beses na ring nangyari 'yon, pero sadyang hindi nakukuha ng dalaga ang reaksyong gusto niyang makuha kay Tristan. Pinapasadahan lamang siya ng tingin nito na para bang na nakaguhit sa noo niya ang salitang "STRANGER".
"Okay, we're down to our last beki contestant. Contestant number 13, pasok!" Napa-angat siya ng tingin sa host nang marinig ang numerong 'yon. Finally, it's show time!
"Super duper sayang ang baklitang 'to!" Napasigaw ang host nang mapagmasdan si Tristan. "Ang guwapo 'no?"
Sumaang-ayon naman ang karamihan sa nanonood. Kaagad na napansin ni Mary Joy na hindi ngumingiti ito o nagbibigay reaksyon sa sinabi ng host. Nagtaka tuloy siya. Hindi ba dapat masigla at magaling mang-okray ang mga bakla? Or is that just a prejudice towards them?
"Pag-isipan mo muna, friend. Ito number ko oh, text mo ko 'pag lalaki ka na." pabirong panlalandi ng host kay Tristan pero hindi pa rin ito ngumiti.
"Aha, mataray! Bakla ka nga! Huwag na kayong umasa girls." segunda pa muli ng host at tinignan ang hawak niyang card. Nagpakita naman ng dismaya ang mga kababaihan na nakatayo sa isang gilid. "Simon Darius Go, aka Monna. Taray!"
Nanlaki ang mga mata niya. Simon Darius Go? Tama ba ang pagkakarinig niya? Hindi ba si Tristan Dimitri Go ang baklang nasa entablado? Wala namang kambal o kapatid si Tristan sa pagkakaalam niya. Bakit iba ang pangalan nito?
"Manggagaling ang question mo kay Miss Mary Joy." saad ng host at bumaling sa kanya ng tingin. "Miss Mary Joy?"
Hindi siya nakasagot agad. Gulat pa rin siya sa narinig. Nagkamali ba siya ng akala? Imposible! Ilang taon na nakatatak sa utak niya ang pagmumukha nito kaya't walang dahilan para magkamali siya.
"Miss Mary Joy?" tawag pansin muli ng host sa kanya.
Umangat siya ng tingin at bumalik sa realidad. Humugot siya ng malalim na hininga bago magsalita. "A-Ah, yes."
Tinitigan niya ang nakasulat na tanong sa papel na hawak niya. It's a common pageant question. What are your plans if you win this competition? Mukhang masyado niyang mapapadali ang pagkapanalo nito kung ito ang itatanong niya.
"How are you, Monna?" Sinubukan niyang huwag ipakita ang panibughong nararamdaman niya sa tuwing nakikita ang mukha ng lalaking 'to.
"I'm great." tipid at mahina na sagot nito sa kanya. Walang bahid ng kabaklaan ang boses nito at buong-buo.
"Are you nervous?" muling pagtatanong niya upang marinig maigi ang boses nito.
"Not really." tugon nito.
Gusto niyang kumpirmahin kung tama nga talaga ang hinala niya ngunit 'di siya makaisip ng magandang paraan para malaman 'yon. Until some crazy thought came across her mind!
"Bago ko itanong sa'yo ang question ko," huminto siya at saglit na ngumisi. "Do you like root beer?"
Natahimik ang lahat sa tanong na 'yon. Alam niyang maraming magtataka pero desperada na yata siya na mapatunayang si Tristan nga ito. Miski ang boses ni Donita ay umaalingawngaw na sa likod ng utak niya. Malamang gulat na gulat ito ngayon.
Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Tristan. Kung kanina'y kalmado ito, ngayo'y parang may natikman itong kung anong mapait sa dila.
"I hate that drink."
"Bing-O! I found you, Tristan Dimitri Go!" Lihim na pagdiriwang ng buong katauhan niya.
"Okay, here's the question." Hindi na siya nag-abala pang tignan ang nakasulat sa papel na hawak niya at diretsong nakatingin lamang sa direksyon ni Tristan. "What are your thoughts about bullying? Have you ever been a bully? Or have you been bullied before?"
Nagtinginan ang mga organizers ng event na nasa gilid ng stage. Wala naman kasi sa listahan ng mga tanong ang sinabi niya.
"Five minutes starts now!" anang host na may hawak pang timer.
Hindi agad sumagot si Tristan at nanatiling nakikipagtitigan sa kanya. Base sa tingin nito sa kanya, nakakasigurado na siyang nakikilala na siya nito.
"Naging bully na 'ko dati," panimulang sagot nito at hindi umiwas ng tingin mula sa kanya. "Pero sa tingin ko nami-misinterpret lang ang mga bullies. May dahilan din sila kung bakit nila nagagawa 'yon."
"Are you implying na ayos lang mambully?" bahagyang tumaas ang boses ni Mary Joy kaya't naalarma ang mga katabi niyang hurado.
"Not really. Ang sinasabi ko lang, may pinagdadaanan din sila. Hindi lang ang mga nabully ang biktima." ganting paliwanag nito sa kanya na tila ba nagpapahiwatig na hindi siya uurungan nito.
"Mary Joy, tama na." Narinig niyang bulong ng manager niyang si Josefina na nakatayo pala malapit sa kanyang kinauupuan.
"So, you mean to say na tamang ibunton sa ibang tao ang mga problema nila sa buhay? That's ridiculous." She's mad. Boiling mad! Hindi niya na kayang pigilan ang panggigigil sa galit niya kay Tristan.
"That's the balance of life." Kalmado ang postura nito at tinapunan siya ng mapagpunyaging ngiti.
"Balance of life, my ass."
Napatid na ang lubid na kanina pa sagad na sagad sa unang pagkakita niya palang sa kumag na 'to. Akma na sana siyang tatayo at pupunta sa stage pero naramdaman niya ang paghawak nina Donita at Josefina sa magkabilang braso niya sabay hila sa kanya palayo.
Nagsisisigaw siya ngunit hindi niya marinig ang sariling boses. Ang tanging malinaw lang sa kanya ay ang mapanuyang ngiti nito habang papalayo siya ng papalayo.
She lost again - not only to him but also to her damn fever.