Chapter 7
"Nasaan na ang tapang mo ngayon bumangon ka dyan at awayin mo ako isumbat mo ulit sa akin ang bawat sentimong ginagastos mo wika ko sa amang Tadtad ng aparato sa katawan na nagsisilbing dugtong nalang ng buhay nya.
Tinapik ko ang balikat nito bago naglakad ng palabas at nagtungo na sa receptionist para kumuha ng kwarto.
Ayukong magtagal dito hon, wika ko kay Albert habang inaayos nito sa lamesa ang mga binili nyang pagkain.
Gising ka na pala ayaw mo magtagal dito pero matigas naman kasi ang ulo mo sinabi ko na sayong huwag kang nagpapagod pero ipinag pipilitan mo pa rin na pagsilbihan ako kaya nga ako kumuha ng katulong mo para sya ang gumagawa sa trabahong bahay pero halos ayaw mo namang pakilosin.
Natatawang hinawi ko ang salubong na kilay ni Albert hayaan mo mula ngayon si Ate Eden na muna ang gagawa sa trabaho ko uupo at hihiga nalang ako maghapon huwag ka na magalit hon.
"Salamat naman kong ganon sabay halik ko sa labi ni Victoria at sa tyan nito anak kumapit ka ng mahigpit dyan huh, at huwag kang tumulad sa Mommy mong maligalig.
Nahimas ko ang malagong buhok ni Albert at masayang pinanuod ito habang kinakausap ang tyan ko.
"Lumipas ang mga buwan Philip!" Bilisan mo naman sigaw ko sa anak na nagsusuklay pa ng buhok binyag kasi ngayon ng anak ni Rocco at Maureen.
Napabuntong hininga ako at binitiwan ko na ang hawak na suklay kahit na hindi pa ako tapos dahil panay na sigaw ni Mommy sa ibaba patakbo akong bumaba bitbit ang ireregalo namin kay Maura halos mga hindi nagamit na damit ni Pearly ang ibibigay ni Mommy at lahat ay bago pa.
Naglakad na kami patungo sa bahay na tinitirhan nila sa dulong bahagi ng lupang pag aari namin malapit sa palaisdaan at taniman din nila Tito Rocco.
Ibinaba ko ang dalang paper bag sa tabi ng crib at napasilip kay Maura na himbing pang natutulog Magandang Babae ito kapag nag dalaga ng kumilos ito ay maingat na akong lumabas dahil baka pagalitan ako ni Mommy at sabihin pang ginising ko ito kaya pinuntahan ko nalang si Gab para makipag laro.
Darating ang araw tayo na ang magiging amo dito Gab wika ko habang nakaupo kami pareho sa pilapil palalagoin natin ito.
"Oo, naman nandito lang ako para samahan ka pero ikaw pa rin ang mas pinaka amo natatawang sagot ko kay Philip habang kumakagat sa nakuha kong bayabas.
"Makalipas ang ilang taon, anak!" Halika na tawag ko sa Dalawang bata mag bihis na kayo puponta tayo sa palengke susundoin natin sina lola mo at Ninang Tessie mo tawag ko kay Maura at kay Pearly dahil ako ang tokang mag bantay sa kanila ngayon araw kasi ng labada ko inabotan ko ng damit pamalit ang dalawa bago ko kinuha ang susi ng sasakyan.
Nagmamadaling nagbihis kami ni Maura at sumunod kay Tita Maureen na papunta na sa sasakyan nila mas gusto kong kasama si Tita Maureen dahil kong ano–ano ang binibili nito sa amin ni Maura.
Nang makarating sa palengke ay sa tindahan ng mga damit banda nakakuha ng parking si Mama kaya agad ko hinila ng makita ko ang gusto kong ipabili na ipangreregalo ko kay Papa dahil madalas itong nabibilad sa araw kaya bagay yon sa kanya.
Mama!" Bilhin muna po ang gusto kong iregalo kay Papa ungot ko sa ina.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa itinuturo ni Maura.
Ayon daw po Tita yong may spider na longslive Saba't ko at hinila na si Maura para malapitan na namin ang pwesto ng nagtitinda at siguradong hindi na makakatanggi ngayon si Tita ngunit ng makalapit na kami ay sinusongkit na ito ng tindera.
"Hoy, bata sa akin yan ako ang Bibili malakas kong sigaw na ikinalingon ng tindera at mag anak na katabi nito dahil ang gusto ko pa ay iyon rin ang itinuro ng bata.
I'm sorry, yan din ang gusto ng anak ko wika ko sa batang sumigaw nakapag bayad na kami let's go hon, tawag ko kay Victoria at hinila ko na ang kamay ni Valen ng makuha namin ang biniling damit.
Daddy!" Kawawa naman yong bata umiiyak sabay lingon ko ulit bago sumakay sa sasakyan sinundo kasi namin si Mommy sa grocery at dumaan muna sa palengke ngunit nagustohan ko talaga ang damit para kay Daddy dahil parating marungis ang suot nito kapag may inaayos na sasakyan.
"Huwag kang papayag anak na agawan ka ng ibang tao at sinisigawan ng ganon matuto silang tumanggap ng hindi para sa kanila tandaan mo yan wika ko kay Valen at binuhay na ang sasakyan.
Napatingin ako kay Albert dahil sa sinabi nito sa anak namin dala pa rin nito ang hindi magandang naging buhay sa pamilya nya kahit matagal na ang panahon mula ng mamatay ang ama nito lihim nalang akong napabuntong hininga at hindi na kinontra pa dahil baka pati sa akin ay magalit rin ito.
Panay ang tulo ng luha ko at napatingin ng masama sa mag anak na papalayo.
Tahan na anak damit lang yon ito oh, mas maganda ang napili ni Pearly tingnan mo alo ko sa anak at ibinigay ang nagustohan ni Pearly para mapatahan naming dalawa si Maura.
Tumango ako at pinunasan ang luhaan kong mata kahit hindi ko gusto pero si Pearly naman ang pumili kaya sumang ayon na rin ako at ng makapag bayad na si Mama ay nagtungo na kami sa karenderia at tindahan ng isda nila Papa.
"Oh, bakit mugto ang mata ng anak ko takang tanong ko at agad niyakap si Maura at Pearly.
Nako Mare grabe ka maldita nyang inaanak mo sinigawan nya ba naman yong nakaunang bumili sa kanya ng damit para sa Papa nya grabe pa ang iyak sagot ko kay Tessie.
"Saan pa mag mamana Mare sa'yo natatawang sagot ko rin kay Maureen.
"Samantala Rocco at Alan huwag nyo na muna akong samahan may lakad kami ni Sonny magpahinga muna kayo.
Ganon po ba Sir. Paul mabuti naman po kong ganon para makatulong ako kina byanan mag re–repair ako ng bahay kubo nila.
"Sige paano alis nako paalam ko kina Alan at Rocco pagkatapos ay sumakay na sa kotse at nagtungo kina Sonny.
Kape muna pare alok ko kay Paul at inabotan ko agad ng dalang kape baka gutomin ka bundok pa naman ang pupuntahan natin.
"Oo, excited nako matapakan ulit ang dati nating lupain sagot ko sa kaibigan bago humigop ng kepe.
Maigi nalang pare nagipit din ang nakabili sa atin sabi sa'yo maibabalik natin ang lupang dating sinasaka maski kalahati na nga lang no'n ang maibabalik.
At least nabawi pare marami tayong sentimental value doon lalo na ang mga naging asawa natin kaya matutuwa sila panigurado cheers!" Pare may surprise na tayo kina Mrs. Masayang wika ko kay Sonny.
Samantala Gago!" Saan mo ba ako Dadalhin mura ko kay Carlo ng makita kong mabukid na ang lugar na tinatahak namin.
Relaxed pare malaking pera ang makukuha natin ngayon dito sa bukid.
"Anong pera eh, bundok 'to takang tanong ko.
Basta maupo ka lang dyan at malapit na ang pera sabay halakhak ko sa kabadong kaibigan dahil ngayon ko lang ito isinama itinigil ko ang sasakyan tara hindi na kaya ng sasakyan natin malakad nalang tayo yakag ko kay Albert.
Inis na bumaba nako sa sasakyan at sinundan ko si Carlo tumigil kami sa gitna ng mga matataas na maisan kumuha pa ito at nag ihaw.
"B–Baka habolin pa tayo dito ng gulok sa kalokohan mo hindi natin yan tanim pero nakiki–ani ka at nakikikain sita ko sa kaibigan habang ginawa kong pamaypay ang suot sombrero.
Takot lang ng may ari na habolin tayo ng gulok sabay bunot ko ng hawak na baril sa tagiliran ko at ikinasa dahil halatang kabado pa si Albert saktong naubos namin ang dalawang pirasong inihaw kong mais ng makarinig kami ng nagkakasiyahan.
Agad kong inabot kay Albert ang isang bonet na dala isuot mo sabay tayo ko at nagsuot rin ng bonet pagkatapos ay maingat ang kilos kong seninyasan ito na sundan ako.
"Samantala nilibot namin ni Sonny ng tanaw ang pagbabalik sa amin ng dating sinasaka naming lupain na puno pa ng mais.
Paul!" Ang saya ko talaga walang pinagbago sabay lahad ko pa ng dalawang braso at idinipa bago ipinikit ko ang mata at dinama ko ang sariwang hanggin.
Halika na muna sa bahay tawag pansin ko sa mga kaibigan mag merienda tayo bago kayo umuwi at tsaka may pinapitas akong mga gulay at mais dalhin nyo kina mare.
"Oo, sige gusto nila yan pare George sagot ko sa kaibigan na tudo ang pagkakahawak sa bag na dala nito dahil cash ang ibinayad namin sa kanya ibabayad rin daw kasi nito sa bagong tractor na bibilhin nila.
Magkakasunod kaming naglakad patungo sa bahay nila kasama ang kapatid at pamangkin nito ngunit ng halos malapit na kami ay may mga armadong pumalibot sa amin.
Holdup!" 'to walang Gagalaw itaas nyo ang dalawang kamay at akina ang bag maotoridad kong utos sa limang lalaki.
Ibigay muna pare George utos ko ng mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa bag.
Importante sa akin 'to pare sagot ko kay Paul marami akong bayarin maghanap buhay kayo ng marangal dugo't pawis ko ito bago kinita naluluhang wika ko sa mga armadong nakapaligid sa amin.
"Ang dami mong sinasabi Gago!" Mura ko sabay hataw ko ng hawak na baril sa ulo ng may hawak na bag dahil maski mag taas ito ng kamay ay hindi nya ginawa.
Natumba agad ito sa isang hataw ko palang at umagos ang masaganang dugo sa ulo nitong tinamaan sabay hablot ko sa hawak na bag at agad binuksan nangislap ang mata ko ng makita ang bulto ng pera.
Walang lilingon muling utos ko at seninyasan ko na ang mga kasamahang aalis na kami.
May kaba man ako sa unang pagkakataon na makasama sa ilegal na trabaho ni Carlo ngunit nanaig pa rin ang liksi ng utak ko dahil bubuhayin pa nila ang limang lalaki agad kong hinalbot ang hawak na baril ng isang tauhan nito at magkakasunod kong pinutokan ang limang lalaki sa ulo siniguro ko agad na patay silang lahat bago kami umalis.
Natulala ako sa ginawa ni Albert at nabitiwan ko pa ang hawak na bag maging ang mga kasama ko ay ganon rin.
Ano?" Dyan nalang ba kayo inis kong bulyaw sa kaibigan hihintayin nyo pa bang may makakita sa atin kapag nagtratrabaho kayo huwag kayong nag iiwan ng kalat na magtuturo sa inyo.
First time mo ba talaga sa ganitong trabaho oh, dati munang gawain 'to tarantang dinampot ko ang dalang bag at patakbong sumunod na kami kay Albert.