"Ang ganda pala talaga rito sa probinsya kaya siguro ayaw mo na rin bumalik ng Manila?" wika ni Rosie. Nakahiga kami sa buhangin na nilagyan lang ng towel. Nakasuot kami ng two-piece bikini. Pagkatapos nang interview namin noong isang linggo ay unti-unti nang bumabalik ang tiwala ng tao kay Isaac. Mas marami na rin ang nagtatanggol sa kanya. Ang mga lumabas na boyfriend niya ay biglang nanahimik maging ang nagsampa ng kaso sa kanya ay inurong na ron. Katibayan lang na hindi totoo ang mga paninira nila kay Isaac. Pinabalik na rin siya sa mga hospital na pinagseserbisyuhan niya ngayon. Ngunit sa kabila ng lahat ng nangyari. Kami naman ang pinag-usapan. Naging usap-usapan kami dahil sa sinabi niya na mag-asawa kami. "True, puwede ba kami mag-stay kahit dalawang araw rito?" tanong ni Candy.