"Let me go!" sa lakas ng sigaw ko, feeling ko mas malakas pa ito kaysa sa tugtog sa loob ng disco bar. Paanong hindi ako sisigaw. Binuhat ako ni Isaac na parang isang sakong bigas pabalik sa table namin. Ang mga kaibigan kong sinuportahan ko at pinoprotektahan ko ay nakangiti sa akin at hinahayaan ako kay Isaac Chen. "Itigil mo ang pakikipagsayaw sa mga lalaki," mariin niyang sabi. Ang higpit pa ng pagkakahawak niya sa akin na parang ayaw niya akong pakawalan. "At sino ka pakialaman ako? You're not my boyfriend." Sabay irap ko sa kanya. "But I'm your partner tonight." "Duh? Pretending ka." Tinutulak ko siya pero ayaw talaga niya akong pakawalan. "Woah! may LQ agad kayo?" biro ni Jano. Kulang na lang mamatay si Jano sa matalim kong titig sa kanya. Hindi ako natutuwa sa mga biro niya.