ELLIE
HALOS hindi ko malunok ang nginunguyang pagkain. Hindi mawala sa aking isipan ang senaryo kanina lamang.
"Sister Ellie masama ba ang pakiramdam mo?" May pag aalalang tanong ni Sister Gonzales. Umiling lamang ako rito at nagpatuloy sa pagkain.
"Napansin ko kasi ang pagiiba bigla ng timpla mo kay Governor Greco La Silva. Magkakilala ba kayo?" Magaling makiramdam si Sister Gonzales kung kaya't sunod-sunod ang aking pag-lunok.
"Hindi ko siya kilala Sister Gonzales." Pilit kong iniiba ang usapan.
Gabi nang bigla na lamang naudlot ang aming pag-uusap. Nakarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril at sigawan sa ibaba ng simbahan. Nagmadaling tumayo si Sister Gonzales at sumilip sa maliit na awang.
"Sino ang mga lalaking iyon?!" Tarantang tanong nito habang nagmamadali sa pag baba.
"Sister!" Hinawakan ko ang kanyang braso upang pigilan. Nakita ko ang mga armas na hawak ng mga ito. Hindi sila kaibigan kundi kalaban.
"Tawagin mo ang iba at tumawag ka ng pulis!" Payo nito sa akin ngunit huli na nang may lalaking tumumbad na lamang sa aming harapan.
"Babae sumama ka sa akin!" Nagulat ako nang hagipin nito ang braso ko.
"Sino kayo?!" Tarantang sigaw ni Sister Gonzales.
"Tumabi ka tanda! Kailangan namin 'yung bata!" Nagpumiglas at nagsisisigaw. Nakita ko ang ilan sa aking kasamahan nadakip na sila ng mga armadong kalalakihan.
"Huwag ka sabing maingay!" Naramdaman ko ang isang palad na dumampi sa aking pisngi. Halos takasan ako ng lakas nang mapatagumpayan nila akong kinaladkad sa isang itim na van. Hindi naman makasunod si Sister Gonzales dahil sa pananakot sa kanya ng lalaki at nang sapilitan akong itinulak papasok sa loob ay nakita ko ang iba kong mga kasamahan.
Kusang tumulo ang aking mga luha. Walang kaalam-alam sa maaari naming sapitin laban sa mga kamay nila. Itinali ng mga ito ang aking mga kamay at pina upo sa gitna ng van. Wala akong kaalam-alam nang takpan ng mga ito ang aking mga mata upang hindi makita ang daan.
Diyos ko huwag mo sana kaming pabayaan. Ikaw na ang bahala sa akin. Tinawag ko siya, ang panginoon. Hindi ko alam kung bakit nangyayare ang mga bagay na ito.
"Tawagan mo si Boss. Maraming babae tayong nakuha malaki-laking palitan ng pera ito." Tumatawang sabi ng isa sa kanila. Doon pa lang ay alam ko na. Sila ay kasapi ng mga sindikato. Alam ko na ang kalakalan tungkol sa pagbebenta ng babae upang gawing bayaran. Napahigpit ang hawak ko sa rosaryo. Muling susubukin ng Diyos ang pananampalataya ko.
Mahabang daan ang tinahak ng itim na van. Sigaw nang sigaw ang mga babae sa loob kung kaya't naririnig ko ang pagmamalupit sa kanila ng mga ito. Ako ay nanatili lamang tahimik at sa aking palagay ay halos isang oras na ang lumipas at umaandar pa rin kami. Hindi ko alam kung saan ito patungo o kung hanggang kailan. Nanatiling magkadikit ang aking mga palad hawak hawak ang aking rosaryo.
"Sister huwag kang matakot. Ipagdasal mo na isang milyonaryong bata ang bibili sa 'yo." Humalakhak ang lalaki sa aking bandang kanan. Naamoy ko pa ang masangsang nitong hininga na alam kong lango na sa alak. Gano'n parin ang aking pagtitimpi at pananalig sa Diyos. Hindi ako mawawalan ng pag-asa saan man ako mapunta.
Huminto ang aming sinasakyan kung kaya't napalingon ako kahit na puro kadiliman parin ang aking nakikita. Naramdaman kong bumaba ang driver ng van at gumalaw ang mga tao sa loob. Muling nagkaroon ng ingay nang sapilitan kaming ilabas sa van at tanggalin ang telang nakapiring sa aming mga mata.
Nanakit iyon at nanglalabo hanggang sa masilayan ko ang isang malaking bahay.
"Nasa Casa Blanca na kami boss." Dinig kong sabi ng lalaki. Maya-maya pa ay may lumabas na babaeng nakaitim at may makapal na make-up. Tinitigan lamang niya kami lahat tsaka ito sumenyas at doon kami muling kinaladkad ng sapilitan.
Wala akong maramdaman kundi takot para sa aking buhay. Takot para sa kapatid kong si Javier kapag nawala ako ano mang oras. Tahimik kong sinuong ang daan kahit na takot na takot ang aking kalooban. Sa aking pagkakaalam ay nasa isang malaking bahay kami sa kalagitnaan ng gubat. Walang katao-tao. Walang kahit anong bahay. Tanging ang tinatawag lamang nilang Casa.
Mapanganib ang lugar kung nasaan ako. Hindi pamilyar ngunit alam kong isa itong ruta ng mga sindikato. Napahinto ako nang masilayan ang pamilyar na paligid nang makapasok sa loob nito. Malakas tugtugin at mga babaeng nagsasayaw sa entablado. Dito sa lugar na madilim. Ang mundong akin ng tinalikuran. Napahigpit ang hawak ko sa rosaryo habang marahas akong hinila ng lalaki paakyat ng nasabing Casa Blanca. Tahimik na palapag na iyon habang maririnig ang pigil na pag iyak ng aking mga kasama.
"Tahimik!" Saway ng lalaking naka-mask. Tago ang kanilang katauhan. Pilit kong tinitibayan ang sarili. Alam kong ano mang oras ay maaaring mag bago ang aking kapalaran. Dalawa lamang ang tumatakbo ngayon sa aking isipan. Iyon ang paraan kung paano ako makakatakas o kung makakaligtas pa ba ako sa lugar na ito.
Nang papalapit na kami ay doon ako naglakas loob na tumakas.
"Nakatakas ang babae!" Sigaw ng isa sa kanila. Hindi ako lumingon. Hindi ko alam kung papano pero sa mga oras na ito ay kailangan kong humingi ng tulong. Naiwan ang ilan sa aking mga kasama hanggang sa makalabas ako ng Casa.
Umulan ng malakas at mabalasik kong sinuong ang madilim na kagubatan. Walang pag aalinlangan kong sinuong ang madulas na landas kahit putikan na ang aking kasuotan.
"Diyos ko!" Napasigaw ako nang malakas na kumulog ang kalangitan. Galit ang langit habang ginagabayan ako ng ulan sa aking pag takas.
Hingal na hingal ako ngunit tuloy parin ang mga paa sa pagtakbo. Tuloy sa pagtakas sa madilim na lugar na ito. Nang mapansin ko ang kalsada ay mas binilisan ko pa ang pag takbo. Hindi ko na naisip kung mapunit ang ilang parte ng aking damit dahil sa matutulis na halamang aking nilagpasan. Mga galos sa aking balat na hindi ko maramdaman. Tanging malamig na tubig ulan lamang at takot ang nabuhay sa aking gunita.
Paano? Saan?
Saan ako pupunta?
Paano ako makakatakas?
Mga tanong na paulit-ulit na rumirihistro sa aking isipan. Hinang-hina ang katawan ko dahil naubos ito sa pag takbo. Nang maabot ko ang simento ng kalsada ay doon ako nawindang nang bumukas ang ilaw na nanggagaling sa isang sasakyan. Pilit kong tinitignan ang sasakyan ngunit masyadong malalaki ang patak ng ulan. Masyado itong malakas at huli na nang masilayan ko ang taong nagmamaneho nito.
"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" Nauutal kong tanong nang ito ay bumaba ng kotse.
"Get in." Walang ano-ano'y hinila niya ang braso ko at pinilit na pumasok. Wala akong magawa kundi ang sumunod dahil takot ang naramdaman ko nang makita ang baril na hawak nito.
Nang siya'y makapasok ay inilapag na niya ang hawak na baril. Itinaas ang basang-basang buhok na tumatakip sa ibang parte ng kanyang mukha.
Tumingin siya habang umatras naman ang dila ko. Ano'ng ibig sabihin ng lahat ng ito? Bakit narito si Governor La Silva? Siya ang pag-asa ng bayan ngunit bakit siya narito?
"Ano ang koneksyon mo sa mga dumukot sa amin?" Takot na takot ako ngunit hindi ako pinatatahimik ng mga tanong sa 'king isipan. Hindi siya sumagot. Bagkus ay agaran niya akong pina yuko nang may makasalubong ang kanyang sasakyan.
"Boss may nakatakas sa mga madre." Nanglaki ang aking mga mata nang marinig ang pamilyar na boses. Doon na tumama ang aking hinala. Parte siya ng samahan ng mga sindikato. Ang tinitingalang taong ito ay may masama at maruming gawain.
"I'll take care of it. Just do your job properly." Sabi nito at muling pinaandar ang sasakyan. Wala akong kawala! Kahit ano'ng gawin ko. Kahit ano'ng pag takas ko. Pero bakit? Ano'ng binabalak niya at hindi niya ako sinurrender sa mga taong iyon?
Tahimik akong nakiramdam. Hanggang sa makalayo kami sa lugar na iyon at sumalubong ang isang private property na walang tao.
Nakita ko ang pangalan ng lugar kung nasaan kami. Asyenda Teresita. Iyon ang pangalan ng Asyenda na kinatitirikan ng malaking bahay. Dahil sa putik na natuyo dala ng ulan ay nagmukha akong gusgusing nilalang. Agad siyang bumaba nang mai-park ang sasakyan at ako'y hinila palabas.
"Fix yourself." Hindi ko lubos maisip kung tinutulungan ba niya ako. Nang makapasok sa malawak na asyenda ay agad kong pinuntahan ang banyo at naglinis ng sarili. May mga malilinis na damit doon na mukhang sa kanya. Isang over sized tshirt at pajamas. Nag kasya naman iyon dahil garter ito. Sinuklay ko ang buhok gamit ang aking daliri. Wala akong anu mang ideya kung nasaan si Greco dahil abala ako sa kagandahan ng bahay na ito.
Maya-maya lamang ay narinig kong bumukas ang pinto sa labas ng asyenda. Siya ang iniluwa nito dala ang isang plastic at lumapit sa akin. Nagulat ako nang hilahin niya ako para paupuin at sinimulan nitong linisin ang mga sugat ko dala ng aking pag takas.
Seryoso lamang ito habang isa-isang pinapahiran ng ointment ang mga galos. Wala akong imik dahil ganoon din siya. Ni hindi ko na alam kung ano ang gagawin para makatakas ng mga oras na iyon.
"Papatayin mo ba ako?" Natigilan siya sa pag gamot ng aking mga sugat at natawa. Kung kanina ay seryoso ito ngayon ay nasilayan ko ang mapuputi at pantay nitong mga ngipin. Ang ganda ng kanyang ngiti.
"Mukha ba akong mamamatay-tao?" Napalunok ako sa pilosopong tanong niya.
"G-Gusto ko ng umalis." Sabi ko rito. Huminto siya sa kanyang ginagawa at ipinatong ang maliit na tube ng ointment sa mesa.
"You can't leave." Nangunot ang noo ko. Bakit ako hindi pwedeng umalis?
"Cause you're mine Ellie."
Ang mga salita niyang tumatak nang paulit-ulit sa aking isipan.
ITUTULOY...