Chapter 1: Wild Flame

1959 Words
BASAG ang mga balikat ni Ellie nang matanggap mula sa kamag-anakan nito ang pagkakakulong ni Javier ang kanyang nakababatang kapatid. Matapos ibaba ang telepono ay napatingin pa ang dalaga sa malaking krus. Nag-sign of the cross pa ito at ipinikit ang mga mata. "Diyos ko ano nanaman po ba ito?" Tanong ni Ellie ng umagang iyon. Umiling ang dalaga. Mali ang kanyang pagtatanong sa Diyos. "Kaya ko ito Diyos ko. Kayo na ang bahala sa akin." Matapos ang pagkakatitig sa altar ay minabuti na muna ni Ellie na umalis at lumanghap ng hangin. Walang simba ng mga araw na iyon at naroon siya sa labas ng kumbento habang malalim ang iniisip. "Sister Ellie ayos ka lang ba?" Napansin ng isa sa kanyang kasamahan ang pananahimik. "Ayos lang ako Sister Joan." Pilit na ngumiti si Ellie. Hindi niya ibig ipaalam sa mga kasamahan ang nangyare sa kapatid. "Pinatatawag tayo ni Sister Gonzales." Pumukaw sa kanila ang pagtawag ng isa pang kasamahan. Matapos ang pagpapahangin sa labas ay minabuti ni Ellie na sumama sa mga ito dahil pinatatawag sila ni Sister Gonzales ang pinaka mataas sa posisyon. "Sister Ellie pinaiiwan ka ni Sister Gonzales. May mahalaga raw kayong pag-uusapan." Palaisipan iyon para kay Ellie. Buong akala niya ay may pagpupulong silang gaganapin ngunit siya lamang ang pinaiwan. Sumunod naman si Ellie at naiwan ito sa malaking silid habang hinihintay ang kataas taasan. "Sister Ellie pwede mo bang ipaliwanag sa akin ang mga larawang ito?" Laking gulat niya nang tumambad sa kanyang harapan ang mga litrato. Kuha iyon sa isang bar na kanyang pinapasukan noong mga panahong hindi pa siya pumapasok sa kumbento. "Sister Gonzales…" Hindi alam ni Ellie ang isasagot. "Gusto kong marinig mula sa iyo mismo Sister Ellie." Natahimik ng matagal si Ellie. Takot ang una niyang naramdaman dahil kahit gaano pa niya pilit na itago ang kanyang nakaraan ay kusa itong lumalabas. "Yes. Ako po ang nasa larawan." Nagulat si Sister Gonzales sa isinagot nito. May mga nagpadala lamang sa kanya ng litrato dahil pinaiimbestigahan niya si Ellie. Bukod sa mga madre sa kumbento ay si Ellie lamang ang malihim. "Sister Ellie alam mo ba ang kahihiyang maaari kong sapitin kapag nalaman ito ng simbahan?" "Sister matagal ko ng tinalikuran ang maduming trabahong iyan. Saksi ang Diyos kung gaano ko kagustong mag bago. Kaya nga po ako pumasok dito dahil gusto kong maituwid ang buhay ko. Gusto kong maging tapat sainyo at sa Diyos. Nagbago na ako. Ayoko nang bumalik sa dati. Ayoko na muling maligaw." Hindi agad nakapag salita si Sister Gonzales. Napaisip ito sa mga salitang binitiwan ni Ellie. "Naiintindihan kita. Patawarin mo ako sa mga nasabi ko kanina. Sana nga Sister Ellie. Sana ay hindi mo na balikan ang iyong nakaraan." Nang magkaayos at muling pag bigyan si Ellie ay laking tuwa nito. Nangako naman siyang hinding-hindi na babalik sa dating gawain. Matapos ang kanilang mahabang pag-uusap ay bumalik na si Ellie sa kanyang silid. Nakatanggap pa ito ng text mula sa isa pa niyang kamag-anak na malapit sa kanyang kapatid. Hindi napigilan ng dalaga ang sarili at tumawag ito. Kinamusta niya ang kapatid sa mga kamag-anak at mas lalo lamang siyang nag-alala dahil hindi niya alam kung saan makakakuha ng pang piyansa para rito. Nag dasal ng taimtim si Ellie. Isinandal niya ang ulo sa makapal na pader at ipinikit ang mga mata. Doon ay nakita niya ang sarili. Nakita niya ang dating sarili habang umuulan ng mga libo-libong salapi. Kaagad siyang napadilat at umiling. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil sa pag-iisip ng ganong bagay. "Nilalason ng demonyo ang utak ko." Sabi niya at napa-sign of the cross muli ito. Sa tagal niya sa kumbento ay nasubok na ng Diyos ang kanyang katapatan. Alam ng dalaga na siya ay sinusubok lamang. Ngunit bakit may kung anong temptasiyon kay Ellie. Temptasiyon dahil naalala niyang tawagan ang dating katrabaho. Ilang araw pa ang lumipas bago siya tuluyang makapag-isip. Nakipagkita si Ellie sa isang dating kaibigan sa Antipolo malapit sa isang mall. "Paola ikaw ba ba 'yan?! Girl ibang-iba ka na ha kung dati ang sexy ng datingan mo aba ngayon balot na balot ka naman." Gulat na gulat si Liset nang makita ito. Paola ang kanyang alyas sa dating club na pinapasukan. "Liset nabalitaan mo naman ang nangyare kay Javier." Tukoy ni Ellie sa kanyang kapatid. Napataas ang kilay ni Liset nang marinig ang pangalang iyon. Si Javier lang naman ang dati niyang ex-boyfriend na iniwan siya dahil sa pag-aadik nito. "Oo. Ewan ko ba diyan sa kapatid mo. Tayo lumaki lang pokpok pero siya ano? Lumaking adik." May gigil pa rin sa pananalita ni Liset. Hindi mo rin ito masisisi dahil sa pang loloko ni Javier. "Liset ako na ang humihingi ng tawad sa 'yo kung ano man ang nagawa sa 'yo ng kapatid ko. Please Liset kailangan ko talaga ang tulong mo ngayon. Kailangan ko ng kalahating milyon pang piyansa sa kapatid ko." "Ano?! Kalahating milyon? Paola alam mo namang hindi ko kayang mag labas ng ganyan kalaking pera. Kaka-break lang sa akin ng hapon ko noh ni singko wala akong nakuha." Natahimik si Ellie. Saan siya ngayon makakautang ng pera? Hindi na niya alam ang gagawin nang mga oras na iyon. "Pero sa ganda mong 'yan matutulungan kitang makahanap ng kalahating milyon." Sabi ni Liset. "Hindi Liset. Alam mong nag bago na ako. Alam ko na ang ibig mong sabihin pero hindi. Nangako ako sa mata ng Diyos na hinding-hindi na babalik sa dati kong gawain." "Nako day tigilan mo ako sa kakaganyan mo. Oonga alam naman natin na nag madre ka na. Pero paano mo mapapalabas si Javier kung Diyos pa rin ang iniisip mo?" Kinilabutan si Ellie sa sinabi ng kaibigan. Nanatili ang katapatan niya sa Diyos kahit anong pamimilit pa ni Liset hanggang sa mag dilim na. "Kailangan ko ng umuwi." Pagpapaalam nito. "Pag isipan mo Paola. Hindi biro ang alok ko sa 'yo. Barya lang ang kalahating milyon sa taong ito. Pag-isipan mong mabuti." Iyon lamang at nauna na si Liset. May inabot pa itong maliit na card sa kaibigan bago tuluyang sumakay ng taxi. Hindi malaman ni Ellie ang gagawin. Nagdaan pa ang mga araw at tumambad naman sa kanya ang balitang binubugbog ang kapatid sa selda. Paano niya matutulungan ito kung wala siyang mahanap na paraan? Pagkatapos ng misa ay dumiretso siya sa kanyang silid. Kaagad niyang hinanap ang calling card na ibinigay ng kaibigan. Itim ang card na iyon na may nakasulat na numero na nakaukit pa. Para ba itong ginto o mamahalin na hindi niya malaman. Sa pag-iisip nang malalim ay tinawagan ni Ellie ang numero. Isang babae ang sumagot at nagulat siya nang mag salita ito. "Hello?" Unang bungad ni Ellie. "This is the location." Napaisip si Ellie nang ibigay lamang sa kanya ang lokasyon ng hotel, oras at kung ano ang sasakyan. Matapos ang tawag ay napaupo si Ellie sa kanyang kama. Napaisip siya nang husto. Iyon kaya ang sekretarya ng taong kikitain niya? Huminga siya nang malalim at nagpaalam sa kumbento. Paalam nito ay dadalawin lamang ang nakababatang kapatid ngunit sa loob ng kanyang suot na mahabang damit ay naroon ang sexy nitong red dress. Matagal niyang itinago ang dress na iyon na hindi niya lubos maisip na muli nanaman niya itong susuotin. Pagkasakay sa taxi ay inilugay na niya ang buhok. Tinanggal ang ilang mahahabang balabal at isinuot ang black stockings. Nagsuot din siya ng red lipstick na kay tagal din niyang hindi ginamit. Nang huminto ang sasakyan sa hotel na kanyang sinabi ay kaagad siyang bumaba. Isang minuto bago ang itinakdang oras. Dala ang isang malaking bag na naglalaman ng kanyang uniporme ay nakita naman niya ang isang babaeng papalapit sa kanya. "Paola?" Tanong nito. Napaisip pa ito kung bakit siya kilala ngunit nang ipakita ng babae sa kanya ng picture ni Liset ay naliwanagan na rin ito. Sumunod siya sa babae hanggang sa makarating sila ng elevator. "Ibaba mo na muna ang malaking bag mo dito." Turo ng babae sa isang cart nang makalabas silang dalawa. Walang katao-tao sa hotel na iyon. "This is a private hotel. Wag kang mag alala at walang kukuha ng gamit mo." Nakangiting sabi ng babae kaya sinunod na lamang iyon ni Ellie. Pagkatapos ay inabot sa kanya ang key card na gagamitin niya para makapasok sa silid. Malakas ang kabog sa dibdib ni Ellie dahil sa tagal na panahon ay muli nanaman niyang binalikan ang nakaraang binaon sa limot. Labis-labis ang pag hingi niya ng tawad sa Diyos dahil sa kasalanang gagawin. Bumuga siya ng hangin at inayos ang buhok. Binuksan na niya ang pinto gamit ang key card at malamig na hangin dala ng air condition ang bumungad sa kanyang makinis at maputing balat. "You're 1 minute late." Isang boses na nagpagulat kay Ellie. Isang boses na ma-otoridad at malalim. Baritono ang datingan na siyang nagpahina ng kanyang mga tuhod. Kaagad nitong hinanap ang lalaki ngunit sadyang madilim ang silid na kanyang pinasok. Hindi pa gaanong makapag-adjust ang kanyang mga mata nang maramdaman ang mainit na hangin na nagmumula sa paghinga nito. Nakiliti si Ellie nang gumapang iyon sa kanyang leeg at mas kumabog nang husto ang dibdib nang maamoy ang men's perfume ng lalaki. "Let's start the business talk." Pabulong na sabi ng lalaki sa kanyang tainga. Bakas ang amoy ng alak dito na nagpabaliw nang husto kay Ellie. Kakaiba ang karisma. Kakaiba ang dating. Hindi niya pa naramdaman ang sensasyong iyon. "S-Sir…" Walang balak ang lalaki na pag salitain si Ellie. "Shh… have you tried being tied up?" Tanong sa kanya ng estranghero. Napalunok si Ellie. Noon pa man ay hindi pa niya naranasang itali habang nakikipag-s*x. "Not yet sir." Napasinghap siya nang halik halikan ng lalaki ang likuran ng kanyang tainga. "Good baby." At marahas siya nitong itinulak sa kama. Awtomatikong bumukas ang dim light. Nasilayan ni Ellie ang lalaking nasa harapan niya. Makasalanan ang kanyang gagawin ngayong gabi. Ngunit kung mapupunta naman siya sa lalaking mala-adonis na ito ay hindi na rin masama. Hawak ang pulang tali ay sinimulang itali pataas ang dalawang kamay ni Ellie. Sunod ay ang dalawa niyang paa na pinag hiwalay. Mabilis namang natanggal ang damit nito na hindi niya namamalayan dahil sa mga halik sa kanya ng lalaki. NAPAPIKIT nang mariin si Ellie kinabukasan nang madatnan ang sariling nakatali at pagod na pagod. Iniwan na siya ng lalaking iyon at may isang cheque pa na nakalagay sa drawer. Matapos niyang tanggalin ang pagkakatali ay nanghihina pa niyang inabot ang cheque. Napangiti siya nang makita ang isang milyon. Sobra-sobra iyon sa perang napag-usapan nila ng kaibigang si Liset. Ilang araw nang makalaya si Javier ang kapatid ni Ellie. Hindi pa rin mawala sa isipan ng dalaga ang misteryosong lalaki na kanyang naka siping. Hindi naman kasi nakapangalan sa lalaki ang cheque na kanyang kinuha dahil pribado talaga ito. Matapos mag dasal ni Ellie at humingi nang paulit ulit na kapatawaran sa Diyos ay siya namang pag dating ni Sister Gonzales. May mga pari rin na mag sasagawa sana ng misa nang maudlot iyon dahil sa pag bisita ng mga politiko. Maraming nag datingang mga opisyales at politiko. Naroon din ang mga mayayamang tao na nag bibigay donasyon sa simbahan. Masaya naman ang pag salubong sa kanila ng simbahan. Malaki pa ang pagkakangiti ni Ellie nang isa isang makilala ang mga iyon ngunit kaagad ding napawi nang makita ang isang taong hindi kailan man nawaglit sa kanyang isipan. "Mr. La Silva." Pagbati ni Sister Gonzales. Nagkamayan lamang sila at nang matuon ang atensiyon ng lalaki kay Ellie ay halatang bumakas ang gulat sa mga mata nito. "Governor Greco La Silva." Bati naman ng pari. Pilit na itinago ni Ellie ang pagkagulat at pinanonood lamang ang mga ito hanggang sa may isang babae ang dumating na umagaw muli ng kanyang atensiyon. "Attorney La Silva." Buong akala ni Ellie ay kamag-anak ito ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kaunting kirot. Kirot puso na hindi niya malaman kung bakit. "This is my wife." Iyon kasi ang narinig ni Ellie sa mga labi ni Greco. Ang lalaking muling bumihag ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD